IV

63 10 0
                                    

Fall To The King's Lap To Another World

CHAPTER 4

_Chi-Chi PoV_

"Maligayang pag bisita sa Partaz Kingdom, Mahal na Haring LANG HUAT ng Lauttar (Lawar) Kingdom." Sabay sabay na pag bati ng mga kasambahay at mga kawal ng kaharian at nag bow na rin at gumaya ako dahil na a-awkward ako.

"Kaibigan, salamat at binisita mo ang aking ka harian ulit. Balita ko pinipilit ka na naman ng iyong Mahal na Ina na Ikaw ay maghanap na iyong katipan." Natulala ako sa ngiti ni Hirtus kay Lang. Maka Lang at Hirtus ka naman self, close kayo..... close kayo? Pero infairness sa peslak ni Lang ah.

Super pogi niya at isa siyang Kijin, para siyang Live Action ni Benimaru. Yong ultimate Crush ko sa Reincarnated as a Slime, kenemerut! Mga Teh! Siya na ba ang wawasak sa Makipot na daan ng bahay bata ko eme.

Napatingin sa akin si Haring Lang at grabe kong maka tingin parang ine-scan ako mga dzai. Sige lang dzaddy scan mo lang ako and wasakin later.

"Kakaiba ang kasuotan ng nilalang na 'to papasa siyang mapapangasawa ko." Nanginginig ako at grabe ang tibok ng puso ko, sheyyytrrt yong bahay bata ko pumutok na ata! *yeshhh dzaddy pic me, hold me, own me.* sabi ng isipan ko ngunit napangiwi ako sa masamang tingin ni Hirtus kaya tinaasan ko siya ng kilay at binigyang senyales na ipakilala ako.

Ngunit ang loko, ito ang ginawa.

"Hindi maaari ang hiling mo kaibigan, pagmamay-ari ko ang nilalang na 'yan." Nangigigil na sabi nito at nag taas lang ng kamay ang hari ng Lautter na natatawa.

"Binibiro lang kita kaibigan." Pagpapakalma ni Lang kay Hirtus ngunit tinitignan ako ni Hirtus tsaka nilapitan at hinila palapit sa kanya at para lang akong papel na sumasabay sa daloy ng hangin at hinawakan ang kamay ko ng may diin ngunit senserong sinabi na.

"Sa akin ka lang Chi-chi." Na ikina ingay ng mga kasambahay dahil sa kilig ganun din ang mga Kawal. 'Di rin maalis sa paningin ko ang masamang tingin ng mga Noble sa akin habang kinikindatan ako ni Agar, ang High Noble sa kahariang 'to.

Nagwawala na naman ulit ang puso ko dahil sa sinabi ni Hirtus, ang lakas magbigay ng Red Flag Card ng loko. Alam kong ginagawa lang niya 'to dahil wala na siyang utusan pag kinuha ako ni Lang.

"Kinagagalak kitang makilala Chi-chi." Sabi ng Hari ng Lauttar at nagulat ako ng abutin niya kamay ko matapos bitawan kanina ni Hirtus at maka lapit ito sa akin halikan ito at this time gusto kong mahimatay dahil sa sobrang panginginig at kilig ko sa katawan.

"Tama na yan. Lumabas ka muna Chi-chi. Pumunta ka muna sa Guild." Utos sa akin ni Hirtus at ang tuno ng boses niya ay parang nagseselos na kasintahan.

Nagbigay respeto na ako sa kanya at kay Haring Lang, bago umalis ng palasyo ay nawala ang antok ko dahil sa pagpupuyat ko. Mas lalo ata akong mapupuyat mamaya, lalo na at Crush ko na ata ang Hari ng mga Kijin.

Opo, kumpirma na Kijin nga talaga ang Lahi ng mamayanan ng Lauttar Kingdom. Ang ga-gwapo din kaya ng mga Swords Man Soldier ng Hari at Ang ganda ng babaeng Kijin na Kasama ng Hari na sa tingin ko ay Taga bigay minsahe niya.

Kalalabas ko lang ng pintuan ay kunot-noo kong nilingon ang mga Kijin na natutulala sa suot ko kaya nilapitan ko ang isa sa kanila at tinanong.

"May problema po ba tayo sa Armor ko." Kalmado kong tanong sa isang gwapong Morenong Kijin na natulala kanina na nakatingin sa katawan ko.

"S-segurado kang Armor yan." Kinakabahan niyang tanong habang namumula ang kanyang pisngi dahil sa paglapit ko sa kanya.

Dahil mabuti akong nilalang kaya pinakita ko sa kanila ang Status ko Bilang Adventurer at mangha mangha sila Dahil sa Rango ko at Armor. Isa daw akong kahanga-hanggang Adventurer, nakilala ko na din sa wakas yong lalaking sumagot kanina sa tanong ko at ang ngalan niya ay Lueto Natar (Weho).

Fall To The King's Lap In Another World (BxB) (Adventure| Fantasy){Slow-Update) Where stories live. Discover now