III

69 9 0
                                    

Fall To The King's Lap In Another World

CHAPTER 3

_Chi-Chi PoV_

"Gold Rank Adventurers. Makinig kayo, may na locate akong mga 1st Level Lone wolf, dalawang kilometro ang layo sa ating kaharian. Pinupuntirya ang mga magsasaka ng Partaz. Utos ng Hari na ubusin lahat ng Lone Wolf na andoon at ipunin ang magic Crystal sa Guild at kong ilan ang maipong magic crystal ang ay ganun din ang bilang ng makukuhang Gold coins." Nagsi lakihan ang mga mata ng ibang Gold Rank adventurers, unlike sa amin ni kaka na Normal na lang ang Gold Coins. Hello, malaki na din naipon ko.

Lahat ng makakasama namin ay 1st Level Gold Rank, at si Kaka ay 2nd Level Gold rank. Ako ay 9th Level Gold Rank. Kaya naman pala Excited sa Gold coins. Naalala ko noong Silver Rank pa lang ako ay puro Silver at Bronze coins sweldo ko kaya 'di na ako mag dududa kong sabik sila sa gold coins as first timer Gold Rank adventurers.

"Humayo na kayo at itagumpay ang laban, myembro kayo ng HOLLIOUS GUILD, uuwi kayong ligtas." Huling sabi ng Guild master kaya lahat ng Gold Rank adventurers ay naghihiyawan upang palakasin ang loob na maipanalo ang laban.

Weapon Master ako ngunit sanay ako sa Arnis, Oo at Gold nga ang kulay ng Arnes ko na hawak hawak ko ngayon habang nagsisitakbuhan sila ngayon palabas ng guild. habang ako ay tinatamad na tumulong, kaya na naman ata nila 'yun.

"Hangal! 'Di lang 'yun basta basta Lone Wolf dahil may 9th Level king Lone wolf ang karamihan sa kanila na mahahalintulad sa lakas ng 5th Level Gold Rank Adventurers." Nanlaki ang mga mata ko at mapalingon sa nag salita. Kaya ba ng kapwa ko Gold Rank Adventurers? Gabayan mo po kami Mga Diyos at Diyosa.

"Guild Master, Billdy naman... wala na ba ako karapatan mag bigay ng opinyon sa isipan ko, bakit niyo palagi binabasa isip ko. Nakaka inis ka na naman 'e" reklamo ko dito.

Naloloka na ako sa lalaking 'to ah... iisipin ko talagang may gusto 'to sa akin, alam ko naman nababasa niya isip ko sa ganda kong 'to hindi kaduda duda.

"May sira ka na talaga sa ulo, una... 'di ka babae para magustuhan ko, pangalawa hindi ka maganda. Pangatlo ang tamad tamad mo pa... kaya 'di ka kwalipikadong magustuhan." Napahawak naman ako sa dibdib ko  at napanganga na umaaktong nasasaktan dahil sa sinabi niya.

"Real talk ang lolo mo, grabe ka sa akin Guild master ah... diyan ka na nga Hmp!." Inis kong walk out para tulungan ang mga kapwa kong gold rank adventurer.



************
Hingal na hingal akong nakikipag laban sa 9th Level Blue King Lone Wolf habang ang kapwa ko adventurers ay nawalan na ng malay at dalawa na lang kami ni Kaka ang nakikipag labas sa Apat na King Lone Wolf.

"Recharge." sigaw ko.... isa ito sa mga special magic ko na binigay ng God of Magic na si Marc, mahahalintulad 'to sa healing magic ngunit dito ang Mana at HP ko ay babalik sa dati.

Ito ang unang beses na ginamit ko ang special magic na 'to dahil ayokong abusuhin ang bigay na mahika at alam kong may hangganan 'to.

"Lightning Arnis Dash."

"Uhf." Hiyaw ng 9th level King Lone Wolf na nanghihina na dahil sa lakas ng voltage ng pagkatama ng arnis sa kanya. 'Di nagtagal ay pumanaw na din ito, nilingon ko ang naiwang buhay na King Lone Wolf at napangiti ako dahil tag-isa na lang kami ni Kaka.

"Lynx Claw Smash." sigaw ni kaka sa kalaban niya.

"Lightning Arnis Dash." Hampas ko sa huling 9th Level King Lone Wolf at napangiti ako habang nanghihina dahil ang laki kumain ng Mana ko.

Fall To The King's Lap In Another World (BxB) (Adventure| Fantasy){Slow-Update) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ