II

122 17 18
                                    


Fall To The King's Lap In Another World

CHAPTER 2




_Chi-Chi PoV_

"Status Open." gusto kong umiyak sa numero ng status ko dahil sa binigay sa akin na blessings ng Goddes of Status na si Mira.

Name: [Chi-Chi]
Level: 8th Level Gold Rank.
Skill: Arnis Master, Tamer and Summoner.
Weapon: Arnis.
Upgrade: 100+
Damage: 18,000.
Defense: 10,800.
HP: 999,999.
Mana: 500,000
Money: 50,200 Gold Coins
<Item box>
Armor: Rare Jackstarp.
Summon: None
Tame: None.

Para lang ako nasa Game, ganito ang feeling pala pag naging laro ang buhay. Nakakatakot pero naeexcite ako. Ang lakas ko potek! Ngunit mga Teh.... sa dami ng armor na binigay sa akin bakit Jackstrap pa huhu. Ngunit sa naalala ko noong makausap ko ang mga God and goddesses na ang Armor ko daw na ito ang Trademark sa akin bilang isang Adventurer. Hutangenrers mga dzai huhu sabi pa ng god of war na ang jackstrap na 'to daw ay naiiba sa jackstrap ng mga mortal sa Earth.

Dahil ang Jackstrap na 'to ay hindi lang basta armor kundi nagbabawas ng Temperature kong mainit or malamig na tulad ngayon na Winter season sa Bansang PARTAZ sa mundo ng ERTU.

Galit na galit si Haring Hirtus noong nalaman niyang Jackstrap ang Armor ko, napakahalay daw ng armor ko. Kung akala mo ay jowa o asawa niya ako. Like duhh! Porket kamukha niya si Doc Arc ay magpapakarupok ako?  Nah! Pass na akong umasa sa hindi naman dapat.

Dalawang buwan na ako sa mundong 'to at nasasanay na ako. Alam niyo ba pag nagsusuot ako ng pinapasuot sa akin ng Hari ay bigla biglang nasusunog yong sinusuot ko, bumisita ako sa simbahan nong araw na nangyari yun at nag dasal at noong makausap ko ang God of War and Armor, na natural lang daw na masusunog ang sinusuot ko dahil sa makapangyarihan ang Jackstrap na Armor ko.

At kahit anong subok ko mag suot ng kahit ano ay masusunog at masusunog parin. Mangiyak-ngiyak ako noon kakaisip na baka minamanyak ako ng mga God kaya 'di ako makapag suot ng mga damit na kumportable ako, noon.

Pero ngayon, sanay na ako kahit ang ilang adventurers ay minamanyak ako ma pa babae man o lalaking adventurers pag naghahanap ako ng trabaho sa Guild.

Side line ko ang pag linis ng silid tulugan ni haring Hirtus, honestly nahihiwagaan ako sa kanyang pananahimik lately. Para siyang ewan pag nakakasalubong kami yong pag kinakausap mo siya ay tinitigan ka lang, habang ikaw naman na daldal ng daldal ay naiinis na. Ngunit kahit kurot, sapak at sipa ay 'di siya tinatablan.

Well, isa siyang 6th Level Knight Lord Rank kaya hirap niyang saktan. Pa wasak kaya ako sa kanya? Eme haha.

"Ito na ang Sweldo mo sa pagka wagi mo sa misyon ng pag patay ng tatlong Blue Lone Wolf at sa pag kuha ng Blue magic crystals nito." Mahinhin na sabi ng Guild Station Member na si Miss Cara.

"Maraming salamat miss Cara." Naka ngiti kong sabi sa kanya habang kinukuha ang sweldo ko. Honestly ang sarap sarap sa feeling maging adventurer, akala ko noon sa mga Anime isekai lang 'to mangyayari ngunit nangyari sa akin. 'Di man ako nag reincarnate ngunit nahulog naman ako at napunta sa makapangyarihang mahikang mundo na ito.

"Ohh. Ang bilis mo mag level up Chi-Chi, dalawang araw pa lang ay 7th Level Gold rank ka at ngayon tumaas ng isang level ang rango mo. Isa ka talagang mahusay at talentadong adventurer." Napakamot naman ako dahil sa nahihiya ako at 'di alam kong bakit ang lakas lakas ko mula noong Silver Rank pa lang ako.

Fall To The King's Lap In Another World (BxB) (Adventure| Fantasy){Slow-Update) Where stories live. Discover now