Chapter 1

7 0 0
                                    

Miraculous

"MANLOLOKO!" malakas kong sigaw sa aking cellphone na walang kalaban-laban. "Scammers everywhere, everytime and every yeah everyday! Anak kayo ng tupa!"

"Sino na naman kaaway mo, Mira?" nagulantang pa ako ng biglang sumulpot si Papita.

"Papita! Muntik na tumalon ang puso ko sa gulat. Bakit po ba kayo nanggugulat?" nakasimangot kong tanong habang hawak-hawak ang aking dibdib.

"Hoy, bata ka! Sinabi ko bang 'bulaga' hindi naman diba? Oh, e, paano kita ginulat?"

Napaismid na lang ako. Literal din kung mag-isip si Papita minsan, eh. "Saan po ba kayo galing at tanghaling tapat larga kayo ng larga. Alam n'yong tag-init ngayon baka ano pa mangyari sa inyo," nag-aalala kong tanong kapagkuwan ay kinuha ko ang isang pitser ng malamig na tubig at isang baso. Binuhusan ko ang baso ng tubig at iniabot kay Papita na halatang pagod.

Ininom niya agad ang tubig. "Naningil lang ako. Half day kasi ngayon ang mga nasa pabrika baka takasan ako, eh," paliwanag ni Papita.

Lingguhan kasi sahod ng isang pabrika rito ng mga damit. Mga ini-expot 'yun sa ibang bansa na mga jersey yata.

"Pag tinakasan ka kasi di huwag mo na pautangin. Ganun lang naman kasimple 'yun Papita. Ang hilig mo stresin ang sarili mo. Tignan mo na, dumadami na ang wrinkles mo. Ang beauty mo nalalaos na," pabiro kong sabi na ikina histerikal niya.

Tatawa-tawa ako habang nagmamadaling tumayo si Papita at tumingin sa midyum na salamin na nakasabit sa pader malapit sa may pintuan.

Isa sa mga hinangaan ko sa aking Papita ay ang kabutihang loob na taglay niya. Kahit minsan ay niloloko na siya o natatakasan patuloy pa rin siyang nagpapautang. Ang sabi niya kasama na raw sa negosyo 'yun at kung sakali sila naman daw ang makakarma.

Kung tutuusin maganda si Papita. Siya 'ung tipo ng Beki na talagang pagrampa. Pero mas pinili niyang maging simpleng magulang para sa akin. Malaking bagay 'yun na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano..

"Bakit ka nga pala nagsisigaw kanina? Sino na naman kaaway mo?" untag sa akin ni Papita. Nakaupo na siya sa sofa habang inaayos ang mga nasingil.

Nang maalala ko na naman ang nakachat ko ay bumalik na naman ang inis ko. Padabog akong umupo sa katapat na upuan ni Papita.

"Scammer kasi siya Papita. Akala yata uto-uto ako. Well, sorry siya dahil I'm not carried away to his ah basta!" sabi ko ng di ko na alam ang idudugtong. Hirap talaga ako mag-english, trying hard lang ako. O, english 'yun, ah.

"Bakit siya naging scammer?" tanong ni Papita habang nanatili ang mga mata sa ginagawa niya.

"Gusto ba naman padalhan ko raw muna siya ng datung para daw makarating siya rito. Naka hold daw kasi 'yung mga pera niya at pagdating dito, dun pa lang daw pwedeng galawin. Ano 'yun, kalokohan! Akala yata tatanga-tanga ako," naiinis kong sabi.

"Oh, tapos?"

"Papita naman, eh. Seryoso naman po ako," nakanguso ko ng sambit.

Huminto si Papita sa ginagawa at tumingin sa akin. "Anak, hindi mo rin naman ako papakinggan kahit sabihin kong tigilan mo na 'yan. Swertehan lang ang makakatagpo ka ng isang matinong AFAM. Halos ngayon puro kalokohan na lang 'yan. Hindi naman tayo naghihirap, napapakain naman kita ng tatlong beses sa isang araw o higit pa. Sabi ko kaya kong tustusan ang pag-aaral mo, isang taon na lang pero ayaw mo," may bahid ng kalungkutan sa boses ni Papita.

Na-guilty naman ako dahil alam kong ako ang may kasalanan. Kaya tumayo ako at lumapit kay Papita. Niyakap ko siya patagilid.

"Sorry Papita. Hindi naman po sa ganun. Saka, ayoko lang muna po mag-aral dahil wala kayong makakasama. Paano kung bigla na naman kayo sumpungin ng sakit n'yo?"

Nung isang taon kasi ay sinugod namin sa hospital si Papita at napag-alaman namin na may stage one brain cancer siya. Kaya halos maubos ang ipon namin pati itong bahay na nag-iisang naiwan ng mga magulang ko ay naisangla namin. Okay lang naman kasi gumaling si Papita. Hindi ko makakaya kapag nawala siya.

"Tama na ang drama, hindi bagay sayong bata ka. Dinadamay mo pa ako. Ang beauty ko, my gosh!" Natawa ako sa reklamo ni Papita at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagsukli niya ng yakap sa akin.

"Aga ng drama natin, ah," tinig ng isang masamang ispirito ang gumambala sa pag-e-emote namin ni Papita.

Humiwalay ako kay Papita at pinunasan ang hindi ko napansing mga luha. Ganundin ang ginawa ni Papita at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya.

Tumayo naman ako at nameywang sa may-ari ng boses. "Tanghali na at hindi umaga. Ano ginagawa mo rito Nognog?" sikmat ko sa aking kababata.

"Ang taray natin, ah. Siguro na-scam ka na naman ng Afam mo, noh.. Aminin.." nang-aasar na sabi niya. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang, ikaw naman. Nakakatakot talaga 'yang mga mata mo kasing laki ng butas ng bunganga mo-Hoy Mira, masakit 'yan," agad niyang awat ng kuhanin ko ang vase na nasa lamesa at inumang ibabato sa kanya. Ang bilis nakapagtago sa likod ni Papita.

"Kayo talagang dalawa. Hindi pwedeng walang gera pag nagkita na kayo. Hala, doon kayo sa labas at abala ako rito," pagtataboy sa amin ni Papita.

"Papita parang mas masarap pong pakinggang ang 'Humayo kayo at magpakarami'," banat pa ni Nognog.

"Aba! Walang problema sa akin kung kaya mong magpakarami," segunda pa ni Papita na ikinangisi ni Nognog.

"Oh, narinig mo si Pa-Mira, nag-jo-joke lang ako ulit. Ibaba mo na nga 'yan baka 'yan pa ang ikamatay ko!"

Humagalpak naman ako ng tawa na ikinatingin nilang dalawa sa akin.

"Papita sabi ko na sa inyo, ipatawas n'yo na si Mira. Mukhang sinasapian na siya," rinig kong sabi ni Nognog na ikinailing lang ni Papita.

"Nognog, apakaduwag mo talaga, noh. Plastic lang ito natatakot ka wala naman magbabago sa pagmumukha mo, eh," pang-aasar ko sa kanya.

"Ah, ganun, wala pala, ah!" Ang bilis kong tumakbo dahil alam ko na ang gagawin niya. Hahabulin niya ako at kikilitiin. Kahian ko 'yun.

Napuno ng tawanan ang bawat sulok ng aming bahay.










Ang Foreigner At MeWhere stories live. Discover now