Chapter 3

4 0 0
                                    

Miraculous

"FRIENDSHIP!" malakas na sigaw ni Jeena ang aking narinig mula sa labas ng aming bahay. Ang lakas ng boses parang sirena ng ambulansya.

Hinayaan ko lang siya dahil feel at home naman siya kaya sigurado akong diretso siyang papasok ng walang katok-katok. Makapal din ang mukha nun, eh.

Pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng mangga. Nandito ako sa kusina at nakaupo.

"Friendship, tawag ako ng tawag sa'yo nandito ka lang pala. Napipi ka na ba at hindi ka na marunong sumagot?" tuloy-tuloy niyang ngawa at hindi na talaga nahiya na kumuha pa ng malamig na tubig sa ref.

"Makakasagot ba ako kung walang preno 'yang bibig mo," katwiran ko sa kanya.

Hinila niya ang upuan sa aking tabi at pabagsak na umupo. Parang ang laki-laki ng problema at nangalumbaba pa.

"Ano na naman problema mo, Jeena," tanong ko. Kahit naman may pagkaweirdo siya ay may pakialam naman ako sa kanya. She's my girl best friend. Oh! Natututo na ako mag-english. Konting push pa at pwede na tayo mag-abroad.

"Paano...si Bryan," simula niya.

Si Bryan ay ang online boyfriend niya na isang Afam na nasa Germany. Hindi ko na nga mabilang kung naka-ilang boyfriend na siya sa dami at lahat puro scam. Siguro tama si Papita, paswertihan na lang talaga sa pagkakaroon ng isang Afam.

"Oh, napaano siya?"

"Isa siyang manloloko! Sabi niya single.. Alam mo 'yun friendship, single as in walang sabit! Tapos...tapos...tapos.." umakto pa siyang naiiyak at pinupunasan ang mga mata.

Tumaas ang isang kilay ko nang dumampot siya ng isang hiwa ng mangga sa pinggan na nasa aking harapan. Napangiwi pa siya ng tuluyan itong maisubo. Maging ako ay napangiwi. Mukhang maasim ang mangga binigay kay papita.

"Pwe! Ano ba 'yan, Mira! Bakit ang asim naman ng manggang 'yan?" reklamo niya na tumayo at muling uminom ng tubig.

Napangisi naman ako. "Sino ba naman kasi nagsabi na dumampot ka at kainin mo?" pang-aasar ko pa sa kanya na ikinasimangot niya.

Muli na naman siya naupo sa iniwanang pwesto. Habang ako ay pinagpatuloy ang pagbabalat ng mangga. Gagawa ako ng toyo na may asukal para sawsawan. Sarap!

"Ayun nga! Isang buwan na naman ang sinayang ko! Ang hinayupak, may asawa at tatlong anak. Hayop na 'yan! Kung hindi pa ang asawa niya ang sumagot, hanggang ngayon nagmumukha ako tanga sa lalaking 'yun na akala mo naman gwapo, kamukha lang ni ka-tsopoy!" pagtutuloy niya sa kanyang kwento.

"Oh, tapos?"

"E, di tapos na rin! Block ko agad siya, 'no! Hindi naman ako ganun kadesperada para pumatol sa may asawa na!" patuloy na hinaing ni Jeena.

Habang ako ay patuloy sa paghihiwa ng pangatlong mangga.

"Nakakapagod na, Mira." Napalingon ako sa kanya nang isubsob niya ang mukha sa lamesa. Naawa naman ako sa kanya kaya tinigilan ko muna ang pagbabalat ng mangga at hinarap siya.

"Sabi ko naman sayo kasi huwag agad mag-attached ng feelings. Flirt-flirt lang dapat muna. Kaya ayan, lagi ka na lang broken hearted," tukso ko sa kanya.

Nag-angat siya ng mukha. "Anong magandang apps na siguradong may matinong Afam?"

Napaawang ang aking bibig sa tanong niya.

"Ano Mira! Baka may alam ka, pareho lang naman tayong naghahanap, eh. Kaya share mo 'yung sayo, dali." Mabilis pa niyang kinuha ang cellphone na galing sa bulsa.

Nanggigil ako sa tinuran niya. Akala ko pa man din talagang affected sa pagkaka-alam na may asawa ang boyfriend niyang afam. Pero mukhang 'is a prank' na naman ako. Bakit ba hindi na ako nasanay sa ugali niya. Paulit-ulit naman nangyayari ang eksenang ito.

Ang Foreigner At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon