Chapter 5

2 0 0
                                    


Miraculous

NANLALAKI ANG aking mga mata habang ramdam ko ang panginginig ng aking kamay na may hawak sa aking cellphone.

Paano bang hindi kung isang napakagwapong nilalang ang kaharap ko ngayon.

Nagulat na lang ako nang kuhanin ni Jeena ang aking cellphone at ito ang humawak.

Nakatutok pa rin naman sa akin. Nakita ko pang pinandilatan niya ako ng mga mata na para bang sinasabi na 'umayos ako'.

"Hello." Shuta ang panty ko!

Nakita ko rin na napahawak si Jeena sa kanyang pussydoll na ikinatawa ko. Baliw talaga.

"Hi-hi," pabebe kong sagot nang makabawi ako mula sa aking pagkagulat.

Totoo siya.
As in True to the real core.
Basta. Hindi scammer…sana.

"How are you?" tanong niya sa akin.

"I'm good, you?" Pumiyok pa ang boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Pers time ko makaramdam nang todo kaba as in gusto tumalon ng puso ko palabas ng bahay at magsisigaw.

Ang boses niya grabe lalaking-lalaki. Buong-buo. Kaya naman pati si Jeena ay namimilipit ang mga hita.

"I'm good too. Specially, I saw a beautiful lady."

Nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan na tumili. Shuckssss! Papa God bakit hindi n'yo naman agad sinabi na heto na. Nakapag ready sana ako.

Nakita kong pinandilatan na naman ako ng mga mata ni Jeena. Oo, nga pala. May kausap ako.

"Good, you eat na?" Nakshuta! Ano daw?

Hindi ko na napigilan tumili nang ngumiti ito. Kasabay nang pagkaputol ng tawag kaya agad-agad akong bumangon dahil napahiga ako para tumili.

"Anyare?" dismayado kong tanong kay Jeena. "Bakit mo pinatay?"

Umismid naman si Jeena sabay abot sa akin ng cellphone. "Hoy! Huwag kang mag bintang! Namatay ng kusa. Baka pinatay dahil ang harot mo. Baka akala hinimatay ka o kaya baka-"

"Wala na pala akong load," putol ko sa sinasabi ni Jeena. "Aray!"

"Gaga ka talaga. Sisihin mo pa ako ikaw naman pala itong may kasalanan," angil niya habang sinasabunutan ako.

"Masakit na Jeena, ang buhok ko!" daing ko. Hindi naman masakit kasi kunwari lang naman niya ako sinasabunutan 'di kunwari din akong nasasaktan. Mindset ba.

"Tse!" Sabay irap niya sa akin saka niya binitiwan ang aking buhok.

"Jeena, paload mo ako, bilis. Baka ano isipin ni afam ko," maharot kong sabi sa kanya.

"Tumayo ka dyan at ikaw ang magpa load. Mukha ba akong alalay mo," reklamo nito saka siya humiga.

Umismid naman ako. Ang arte akala mo maganda. Mas maganda naman ako.

Bababa na sana ako sa kama nang maalala ko na baka nasa baba pa si nognog. Kaya naman napabalik ako saka humiga sa tabi ni Jeena.

Pareho na kaming nakahiga habang nakatingin sa kisame.

"Akala ko papaload ka?" tanong niya sa akin.

Napasimangot naman ako. "Baka nasa baba pa si Nognog."

"Oh, ngayon?"

Tiningnan ko ito nang masama. "Parang hindi mo naman nakita kung ano ang nang-"

"Ano ba nangyari? Natumba kayo, pumaibabaw ka sa kanya. Oh, ano masama doon?" Putol niya sa sasabihin ko.

Ang Foreigner At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon