Chapter 6

5 0 0
                                    

Miraculous

"FRIENDSHIP, hindi na ako makapaghintay. Kailangan kasama ako para ako ang kukuha ng video habang ang background music ay 'Forever more'." Kinikilig na suhetsyon ni Jeena sa akin.

Pagkatapos kong mahimatay dahil sa mensahe ni Adam ay nandito pa naman ako at buhay na buhay pa.

Sino ba kasi ang hindi mawawala sa katinuan sa chat ng aking afam.

Kakakilala lang namin tapos, ano daw? Gusto ng makipagkita at seryoso ba talaga ito na pupunta ng Pilipinas..

Hanggang ngayon ay tila windang pa rin ang aking beauty at hindi makapaniwala. Siya na ba talaga ang mag-aahon sa amin sa lugmok na aming kinalalagyan. Char!

"Aray! Ano ka ba Jeena! Makahila, wagas! Masira ang damit ko, 'no," sikmat ko sa kanya nang hila-hilahin niya ang aking damit.

Tumigil naman ito saka nangalumbaba na parang ewan lang.

"Ako kaya, kailan ko makikita ang aking prinsipe?" kumindat-kindat pa ang mga mata nito na tila nababaliw.

"Hayan si nognog, siya na lang gawin mong prinsipe kaysa kung saan-saan ka pa naghahanap. May lahi din naman siya 'ah," pang-aasar ko kay Jeena. Papalapit kasi sa amin si Nognog.

Inirapan naman ako si Jeena at umakto pang parang diring-diri kaya natawa ako sa kanya.

"Ang kagwapuhan ko na naman siguro pinag-uusapan n'yo. Kaya pala hindi ako mapakali, hay naku talaga. Ang hirap talaga kapag pinagpala ka," mayabang na turan ni nognog pagkalapit sa amin. Nag pose pa ito na parang kalahok sa mr.pogi.

Napabunghalit tuloy kami nang tawa ni Jeena.

Kahit kailan talaga makapal ang mukha ni Nognog. Well, he is handsome in his own way. Oh, diba, english 'yun. Kailangan ko pa mag praktis at parating na ang aking afam.

Sinamaan kami ng tingin ni nognog. "Anong nakakatawa?" Nakasimangot niyang tanong.

Nawala na din 'yung awkwardness na aking naramdaman kahapon. Parang biglang naglaho o sadyang wala naman talaga 'yun sa akin. Fresh pa kasi kahapon.

"Kung si nognog na lang, huwag na! Isasama ko na lang hanggang kabilang buhay ang aking fresh na talaba," sabi ni Jeena.

Umakto namang nasusuka si Nognog. "Iiwwwww! Hindi ko rin gustong sisirin ang talaba mo na mukhang nabulok na sa kakatago," pambubuska ni Nognog.

Malakas naman akong natawa dahil sa kalokohan ng dalawa. Mamaya niya magkakapikunan na sila niyan.

"Mas lalo na ako, 'no! Hindi ko ipapasisid sayo na kung saan-saan na lang pumapasok basta may butas, yuck! It's so kadiri," maarteng turan naman ni Jeena.

Tulad nga nang sabi ko. May hitsura si Nognog. Kaya lapitin din ito ng mga babae dito sa aming lugar. Kung hindi ako nagkakamali bawat bagong lipat rito sa may kabilang kanto dahil may paupahang mga apartment dun ay siguradong dumaan na sa kanya. Lalo pa at halos sa bar nagtrabaho ang mga 'yun.

"Hoy Jeena! Ang bibig mo, ah! Anong tingin mo sa akin hayok sa laman. Saka kasalanan ko ba kung sila ang lumalapit. Palay na nga ang lumalapit sa manok, aayaw pa ba?"

"Tapos ang lakas ng loob mong sabihin na gusto mo si Mira! Pagkatapos mong ibandera kung gaano ka kamanyak, tsk! Umalis ka nga sa harapan ko-"

"Nasa gilid mo ako," putol ni Nognog kay Jeena.

Napailing na lang ako sa dalawa. Madalas kami magbardagulan ni Nognog pero mas madalas sila ni Jeena. Minsan nga gusto kong isipin na si Jeena talaga ang type nito. Para lang talaga kami magkapatid ni Nognog. Madalas man niyang ipagsigawan na gusto niya ako, alam ko at nararamdaman ko na bilang isang kapatid lamang.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 01 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Ang Foreigner At MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang