PULANG ROSAS

2 1 0
                                    

PULANG ROSAS

by:JeanJane

Irog kong minamahal
Iniibig ng walang humpay
Mga alaala'y
Sana'y wag kalimutan

Mga nakalipas na nakaraan
Sana'y iyong tandaan
Pagmamahalan nating walang hanggan
Irog ko sana'y hindi mo ako makalimutan

Mga pulang rosas
Tanda ng ating pagmamahalan
Nung una tayong nagkita
Sa parke ng bulaklakan

Hinawig mo ako sa isang rosas
Akin itong kasing ganda
Iyon ang iyong sabi
Ako'y napangiti, ngunit nagulat sa huli

"Ngunit mayroon rin itong mga tinik"
Ako'y nagtaka sa iyong sinabi
"Takot kang umibig at mgatiwala muli"
6 na salita lamang ang iyong binitawan
Ngunit dahil rito'y bumalik ang mga alaalang aking nais nang makalimutan

Mga mata'y hindi napigilan
Lumuha na ng tuluyan
Hindi ko mapaliwanag
Mga emosyon aking nararamdaman

Simula noon, ako'y iyong binago
Mga emosyon di na muling tinago
Puso'y natuto muling umibig
Ngayon naman sa taong tama at hindi ako iiwan sa huli

Tayo's masaya
Mga alaalang ating ginawa
Tayo'y nagmamahalan
Na para bang walang hanggan

Nang aking malaman
May ibang plano pala si tadhana
Hindi nga ako iniwan
Ako naman ang nang iwan

Narinig ko na ikaw naman ang tumago
Hindi mo raw matanggap ang nangyari
Rosas na ating inalagaan
Ngayo'y nalanta na

Nais mo raw akong makita
Sa parke, kung saan una tayong nagkita
Pumunta ka ron at tiyaw tayo'y magkikita
Tingnan ang pulang rosas na nakapalibot sa akin

Yan ang tanda na ako'y iyo paring kapiling
Kaya naman aking mahal wag kang malumbay sa panahon na wala ako
Alagaan at mahalin mo parati ang pulang rosas na tanda ng ating pagmamahalan
Katulad ng pag aalaga mo saakin
Sa ganong paraan, pag ibig ko paring nananatili sa iyong puso't isipan

PoemsWhere stories live. Discover now