202.

177 11 0
                                    

FLASHBACK

Ethan Paras
Active Now

FRI 8:05 AM

Primitivo Isaiah Paras
Kung 'di pa ako nagbukas ng app, 'di ko pa makikita.

Primitivo Isaiah Paras
Thank you. Labyu too 😭

Ethan Paras
Kumain ka nang maayos tsaka bili ka kung ano gusto mo. Alam kong campaign period kaya busy na naman sila.

Primitivo Isaiah Paras
Sanay na. Tsaka may ipon naman.

Primitivo Isaiah Paras
Pupuntahan mo raw ako sabi ni Jonas?

Ethan Paras
Oo. Baka next month.

Primitivo Isaiah Paras
'Wag na, sayang pamasahe.

Ethan Paras
Nakikialam ka humingi ba ako sa'yo

Primitivo Isaiah Paras
HAHAHA GE GE

Ethan Paras
May gusto ka dito sa Pinas? Para madalhan kita?

Primitivo Isaiah Paras
Wala. Okay na ako sa'yo.

Ethan Paras
Parang masama pa loob mo

Primitivo Isaiah Paras
Mishu nga eh ano pa ba 🫣

Ethan Paras
Wala ka ngang request?

Primitivo Isaiah Paras
Meron sana, Tito. Sabi ni Mommy, papadala siya kaso nakalimutan yata. Tagal na rin 'yon.

Ethan Paras
Ako na.

Primitivo Isaiah Paras
Send ko sa'yo. Lista ko lang. Bayaran ko na lang.

Ethan Paras
Para kang tanga. Kailan kita hiningan ng pera?

Primitivo Isaiah Paras
May mga anak ka na. Matagal nang tapos ang Yvo era. 😂

Ethan Paras
'Di natatapos 'yon.

Ethan Paras
Walang hangganan 'yan. Kahit nasa dulo ka ng mundo, paglalaanan kita ng oras at kung ano ang mayro'n ako.

Ethan Paras
Mahal lang kita, 'di kita sinisingil.

Primitivo Isaiah Paras
May klase na ako.

Primitivo Isaiah Paras
Tang ina pinaiyak mo na naman ako

Primitivo Isaiah Paras
Labyu! Palagi sabi ni Tita Simone ❤️

Part Two: Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon