232.

191 10 0
                                    

FLASHBACK

Makalumang Tao

1:20 am
You're just attracted to me. It will pass.

1:21 am
Don't make this into a Fleabag moment, brown eyes. Wala pa nga tayo sa I love you.

1:22 am
Ba't ka nagagalit? Three weeks pa lang naman. Makakalimutan mo rin ako.

1:23 am
Three weeks is 21 days. You have become a habit.

1:24 am
That's a myth, Yvo. Don't believe that bullshit.

1:25 am
At kung totoo, eh 'di nasasanay ka lang. Iba 'yon sa gusto.

1:26 am
Iba o ayaw mo lang?

1:27 am
Kasi ano ba 'to? Kung tropa, okay tara sige. Pero 'wag mo akong inaaraw-araw.

1:28 am
Sabi mo pwede akong bumalik?

1:29 am
Oo nga pero tang ina naman kada balik mo, ako 'yong nauulol lalo sa'yo.

1:20 am
Sa akin bumabalik 'yong mga porma ko. Bibwisitin kita, pero mas nabibwisit ako kapag nakikita kita na hindi ako 'yong kasama mo. Gusto kitang mahulog, pero mas lalo lang akong nahuhulog.

1:21 am
Padapa na ako oh, tatlong linggo pa lang.

1:22 am
Patagalin pa natin 'to ng ilang buwan, wala na. Kakainin ko na lahat ng mugmog ng tinapay na kaya mong ibigay.

1:23 am
Kanina ka pa tinapay nang tinapay.

1:24 am
Kasi naiinis ako. Ayoko nga nito.

1:25 am
Na?

1:26 am
Na may nararamdaman ako tapos hindi ko alam paano aayusin kasi wala naman akong karapatan. Na nagtatanong ako kung kanino ko ba dapat ituon 'yong galit ko?

1:27 am
Malamang sa sarili ko. Baka bobo moment ko 'to. First blood. Na ako lang nagbigay ng meaning sa mga canton and coffee hits natin, late night talks and walks, biking and breakfast in the mornings. You watching me drawing, and me watching you write.

1:28 am
The random cute shit in between! Kapag nakangiti ka. Kapag tinutunaw ako ng mga mata mo. Kapag naalala mo ako lagi. Sa pagkain, sa kape, ultimo 'yong pawis ko.

1:29 am
It's the most random things, Chloe! It's the most random things with you and each one makes my fucking day. You make my day.

1:30 am
So kung wala akong chance, pabayaan mo muna ako. Sige na. Habang may natitira pa akong bait. Kasi kung hindi ako aahon, aagawin kita.

1:31 am
And I'll offer you all the pebbles in the world, until you accept me. 🐧

Part Two: Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon