208.

175 6 0
                                    

FLASHBACK

Jonas Lang Sweet Lover
Active Now

SAT 3:18 AM

Primitivo Isaiah Paras
Jonas

Jonas Lang Sweet Lover
Oy bakit gising ka pa alas tres na ng madaling araw d'yan

Primitivo Isaiah Paras
Jonas, bakit ang liit ng mundo?

Jonas Lang Sweet Lover
Bakit?

Primitivo Isaiah Paras
Wala, feeling ko lang. Kasi lagi ko siyang nakikita eh.

Jonas Lang Sweet Lover
Sino?

Jonas Lang Sweet Lover
Ah, 'yung Chloe?

Primitivo Isaiah Paras
Maglilimang taon na ako dito na hindi ko siya nakikita, na hindi ko naman siya kilala. Wala akong pake dati.

Primitivo Isaiah Paras
Pero no'ng nakita ko, gusto ko na siya bwisitin para pansinin ako. Pero ako yung nabibwisit. Haha 🫣

Jonas Lang Sweet Lover
Eh kasi interesado ka na. Liliit talaga mundo kung siya lang binibigyan mo ng atensyon.

Primitivo Isaiah Paras
Ganda niya kahit galit. Ano pa kapag ngumiti 'yon?

Jonas Lang Sweet Lover
Maganda rin naman mga naging girlfriend mo dito sa Pinas. Tsaka 'yung mga puti na dine-date mo d'yan. Ano pinagkaiba?

Jonas Lang Sweet Lover
Baka ni-ro-romanticize mo lang, kasi tagal mo na rin bakante. Tsaka ngayon ka na lang ulit may nagustuhan na Pinay.

Primitivo Isaiah Paras
Baka nga malungkot lang din ako. 😪

Part Two: Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon