✍️HENRY CORPUS's P.O.V.AKALA ko kanina parang tatakasan na ng bait ang anak kong si Tyzon, dahil sa sobrang pag-aalala niya sa babaeng habang buhay na niya minamahal ng sobrang-sobra. Ewan ko kung ano ang ipinapakain ni Ella sa anak ko at masyadong patay na patay sa kanya ang aking anak.
Pag-alis ni Tyzon, para lumuwas sa State para sa mahalang business proposal ay kinabukasan naghanda na rin kaming lahat para sa mag-family bonding sa Maldives. Kahit may problema ang pamilya ko kailangan pa rin namin magpakasaya minsa dahil minsa lang namin ito nagagawa, Minsan lang kami nagkakasama-sama ng mga kapatid ko pati na rin ang kapatid ng asawa ni Isaac ay nandito.
'Di ko akalain ang pinakamalaking Hotel dito sa Maldives ay pagmamay-ari nu'ng kapatid ng asawa ng kapatid kong si Isaac.
Tumawag sa amin si Tyzon kanina at itinanong niya kung isinama namin si Ella, Sobra 'yung galit niya nang sabihin namin hindi namin siya kasama dahil hindi siya sumama. Pero totoo naman kahit ano ang pilit sa kanya ni Dave at Jepoy, hindi siya sumama.
Ang tibay rin ng step-daughter ko!
Pagkarating namin rito sa Maldives, Magpaalam muna ako sa asawa ko na may dadalawin akong kaibigan mula rito.
"Bakit ba hatol na hatol ka na magsama ang anak ko at ang anak mo, Henry?" Tanong niya sa akin.
"Tsk! Ilang beses ko na sa'yo sinasabi hindi mo siya anak at anak ko siya, Kaya wag mo na ipagsiksikan anak mo siya." Laban ko sa kanya.
"Buhay ang anak mong lalaki at ngayon alam mo na, na magkaibigan sila ng anak mo na anak ko." Singhal ko pa sa kanya.
"Sabik na sabik na ako makita ang unica-hija ko at ang unico-hijo ko, Henry. Kaya sana naman wag mo sa akin ipagdamot ang anak kong babae lalo't sa poder mo siya lumaki." Emosyonal na sabi pa niya sa akin, Inirapan ko lang siya.
No'ng planuhin namin ni Andrew Gonzalez na patayin siya, Hindi ko ginawa dahil kahit hindi ko siya kadugo kapatid ko pa rin siya at itinurin niya ako na kapatid. Nakakabakla man sabihin minahal niya ako na parang totoong nakakabatang kapatid.
Kaya no'ng mga araw na papatayin siya ni Gonzalez, Iyon din ang araw na nalaman kong pati pala ako ipagpapatay ni Gonzalez. Sasabihin ko na sana kay Daddy na nasa panganib kaming dalawa pero bigla kami tinambangan ng mga tauhan ni Gonzalez at kami ay pinagbabaril.
Ako sana ang tatamaan kaso niyakap ako nang kapatid ko para ako ay protektahan dahilan siya lang ang natamaan ng mga tauhan ni Gonzalez, Akala ko sa mga oras na iyon patay na siya pero hindi humihinga pa siya kaya no'ng umalis na sila gumawa ako ng paraan para madala siya sa hospital. Pinalabas kong patay na siya, Mali ang kabaong ipinalibong kong nasaksihan ng lahat. Pati ang pag-agaw ng mga Gonzalez sa lahat ng Ari-arihan nila, Wala siyang magawa dahil wala siyang sapat na ebidensya para mapatunayan inagaw lang ni Andrew Gonzalez ang lahat ng yaman niya.
Kaya ko ipinagsisiksikan ang anak kong si Tyzon sa anak ni Gonzalez, para sagayon makakuha kami ng tsimpo para mabawi sa lahat ng mga kinuha nila na ngayon ay malaya nilang pinaghaharian.
At ito buhay siya, He was comatose into 15 year ago akala ko no'ng magising siya tuluyan na siyang gagaling pero nagkaparalisado siya sa loob ng limang taon dahilan natagalan bago niya maalala at malaman ang lahat.
No'ng mangyari ang pag-ambus sa amin at pagdala ko sa kanya sa hospital, Akala ko wala na siyang malay pero nakakapagsalita pa siya at ibinilin niya sa akin puntahan ko ang kanyang asawa na nanganak din sa mga oras na iyon kasabay niya nanganak ang asawa ko.
Una ko pinuntahan ang asawa ko para kumustahin kong nanganak na ba siya o wala pa, Pero ang sabi ng Doctor nawala ang anak ng asawa ko. She didn't survive. Namatay ang anak ng asawa ko anak nila ng taong gumahasa sa kanya noon.
BINABASA MO ANG
The Hell World ( Complete )
RomanceThis story is work of fiction and my imagination, like all the names, Character, Manners, Business, Places, Event and Incidents. This story you can use the beautiful things, words stated in the work as inspiration. And again for Warning this story...