THW - 10

95 10 0
                                    

                   •I'm alive•


✍️ELLA's P.O.V.


                   •I'm back•

MASAYANG masaya ako dahil binigyan ako ni God ng pagkakataon mabuhay, Binigyan niya ako ng pagkakataon makasama ko muli ang mga taong mahal ko sa buhay, Makasama ang taong pangarap ko makasama habang buhay hanggang sa aking pagtanda.

Masayang masaya ako nang magkaanak kami at kambal pa, Hindi ako makapaniwalang muli akong nabuntis at siya ang ama. Naalala ko kasi bago pala matapos ang lahat may nangyari sa amin sa Maldives.

Nang maipanganak ko ang kambal kong anak, Ipinangako ko sa sarili ko gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi pagdaanan ng mga anak ko ang buhay na pinagdaanan ko noon.

Two years ago simula no'ng ipanganak ko ang aking mga anak, Hindi ko inaasahan may trahedyang darating sa buhay ko. Naaksidente ako sa car accident, Nakaplano ang lahat ng pagbangga sa akin at walang ibang may gawa nu'n kun'di ang childhood boy best friend ni Kristine Gonzalez, Si Mico. Sa daming ka-koneksyon ni Papa rito sa France nahuli nila si Mico at ayon nakakulong.

Dahil sa aksidenteng nangyari sa akin nagkaroon ako ng amnesia sa loob ng anim na buwan. Ang sabi ni Papa sa akin mas mabuti daw wag magbalik ang mga ala-ala ko, Pero hindi iyon ang gusto ko. Dahil alam ko may mga taong naghihintay sa akin at nangungulila sa aking pagkawala.

Buti nand'yan ang mga anak kong kambal at sa tulong nila at ni Papa, Bumalik ang mga alaala ko, Ang mga masasakit na alaala at masasayang alaala.

I'm very thankful to God to give me a chance sakabila ng lahat nang mga karahasan pinagdaanan ko, Napalitan ito ng mabuti at pagkakataon para magbagon buhay.

Dahil sa mga masasakit na karahasan napagdaanan ko sa buhay, Natutunan ko kalimutan ang masasakit na nakaraan at gawin inspiration para maging matatag, Mapaglaban, Magpatawad at mas lalong mahalin ang mga taong laging nand'yan sa tabi ko.

Ito na ang oras na hinihintay ko para makita silang lahat muli, Makita siyang muli at makasama.

SA loob ng limang taon pamamalagi ko rito sa France, Ito ako ngayon abala sa pag-aayos ko sa aking mga gamit para bumalik sa bansa kung saan ako nagkaisip at lumaki. Kung nasaan ang mga taong sabik na sabik kong mayakap at makita silang muli.

Abot langit ang ngiti ko sa tuwing naaalala ko ang ibinalita sa akin ni Papa Lawrence, galing sa pinas. Sinabi niya sa akin tanggap nang ama ng mga anak ko ang aking mga anak, Siya na raw ngayon ang nag-aalaga sa kanila simula no'ng dumating sila sa pilipinas. Kaya naman mas lalo ako nabigyan ng rason wag na magtagal rito para magkasama-sama na kami at mabuo ang pamilya ko.

"Papa, Ito paalis na ako papunta sa airport." Paalam ko kay papa sa tawag habang palabas ako sa aking condo unit.

Kaagad naman ako sinalubong nang limang tauhan ni Papa Lawrence at kinuha sa akin ang apat na maletang dala ko. Hindi naman sa akin ang lahat ng iyon, Pasalubong ko iyon sa mga pamangkin kong anak nila kuya Jepoy at kuya Dave at ang mga gamit ng mga anak ko.

"Really? Sige, Tawagan mo ako anak pagnasa airport ka na, Okay?" Malambing na bilin sa akin ni Papa sa tawag.

"Oo, Papa! Pero mukhang 6am ako darating d'yan mamaya, Sa 5am o'clock kasi ang flight ko. Alam ba nila na darating ako ngayon, Papa?" Mahabang sagot ko at tanong ko kay Papa habang palabas ako ng building ng tinutuluyan kong Condo, Habang nakasunod naman sa akin ang mga tauhan ni Papa Lawrence at dala-dala nila ang mga dala ko.

"Hindi pa, Miski ang kuya Troy mo hindi niya alam na ngayon na ang balik mo rito, Anak." Sagot sa akin ni Papa, Napangiti na lamang ako sa kawalan.

"Sige Papa, Tatawag na lang ako mamaya." Sabi ko at pinatay ko ang tawag ni Papa sa akin tsaka ako sumakay sa kotseng sasakyan ko papunta sa airport.

The Hell World ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon