chapter 4

1 1 0
                                    

~*~

Maingat akong nag-inat ng mga kamay matapos kong isulat ang mga sagot ko sa quiz. Ito ang unang long quiz namin sa Calculus, at mahina ako sa math kaya naman talagang pinag-igihan ko sa pagre-review. I even asked Vans to tutor me for one session, extra income na rin yun for her pero sa presyong kaibigan nga lang. Kaya hindi ko maiiwasang ma-guilty kapag hindi ako pumasa rito, sariling pera ko rin kasi ang ginamit kong pambayad sa kanya.

I smiled at our teacher when I passed my paper. "Sana pasado," I said in a mum before going outside.

Isa ako sa limang huling nagpasa but it's fine, I'm securing my scores that's why. Mabuti na ang sigurado kaysa manghula ako at bumagsak lalo pa't target ko ring makapasok sa top performing students pagkatapos ng ika-apat na grading. In that way, my credentials will be way more considerable for college, especially for state universities and its programs.

Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa school canteen para bumili ng snacks. Maliit lang ang canteen namin kaya naman parang mga sardinas kami dahil sa dami namin. Pero kahit na ganoon ay pinagtyatyagaan ko pa ring pumila para sa sopas at brownies, masarap kasi talaga.

After eating my sopas, binulsa ko na ang brownies na binili ko at lumabas na. Dahil may oras pa, I looked around for my friends; I saw them sitting on the same spot -- in a bahay kubo near the school fountain in front of the Guidance Office.

"Ayan ayan na ang pinakamaganda," Shin commented. She clapped her hands like a small kid seeing her favorite person. Siya talaga ang pinakamaingay sa aming lima. "Zarethan Lee Ross Gallego!" she even announced. Minsan iniisip ko kung may ubo ang utak niya o nauntog siya noong baby pa siya. Kawawa naman siya kung ganoon.

"Ang ingay ng pinakapangit," Zurielle retorted.

"Nyenyenyenye akala mo naman ang ganda mo porket hawig kayo ni Lily."

"Sinabi ko bang ikaw yung pinakapangit? Bakit ka nagre-react?"

Nauwi tuloy sa bangayan ang dalawang pinakamaiingay sa grupo. Napabungisngis na lang kami nina Aya at Vans.

"Wala kang dede!" Shin shouted.

"Matangkad ka lang pero lampa ka!"

"Apakapanget mong ka-bonding."

"Ang ingay niyo," I said softly and just like a mute button, the noise automatically died. Nagsenyasan na lang ang dalawa.

Shin put up her middle finger. "Mamaya ka sa'kin," she mouthed with her fist in the air at the end.

But just when we thought the noise died, may pumalit na bagong ingay. Dumating ang grupo nina Chritien -- ang lider-lideran ng "fan club" ni Jake Matthius Gallego. Isa siyang patunay na hindi nadadaan sa pangalan ang ganda ng ugali, and of course, the old but gold: "Money can't buy class."

"Hoy ampon!" Chritien Antonio said. Kasama niya ang dalawang alipores niya.

Tss it's always the feeling Mean Girls. Nobody can replace Regina George in my heart, may she not rest in peace.

"Hello panget," Aya chirpped.

"Anong sabi mong bulilit ka?"

"Hiraya," saway ko sa kanya. "Be kind to all living things but her," I said.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Let me handle this guys," I told my friends.

"Frenny ko yan!" Shin cheered.

If I am standing in the same shoes from years ago, I would not mind being bullied and being called a low life human being. However, when I met my friends, I felt like it became my responsibility to protect them when my bullies pick on and tease them, too. Masakit makita na pati sila ang kasali sa kamalasan ko sa buhay kaya natuto akong lumaban for them and for myself.

if smiles are foreverWhere stories live. Discover now