chapter 6

0 0 0
                                    

~*~

Shin laughed manically when he saw how Gallego struggled to carry everything he was holding. Bitbit niya ang mga bagpack namin plus two duffel bags and a badminton rocket. Mas lalong natawa si Shin nang mawala siya sa balanse at halos matumba.

"Bakit nila ginagawa 'yan sa anak ni Mayor?"

I heard other students whispering.

"Bullying yan diba?"

"I-report dapat 'yan sa Guidance."

"Hindi na dapat tayo makialam dyan, kanya-kanyang trip na lang ano."

Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante and I am aware of the attention we draw from them, some of them even said "Inaalipin ang anak ni Mayor" but my friends are enjoying the scene, ako naman ay tahimik lang na nakamasid mula sa likuran nilang lahat.

I'm enjoying the view of Gallego's plight, too. Nagpapakatotoo lang ako. For five years of living with them, ngayon ko lang nakitang naghirap si Matthius. Deserve nya yan kapalit ng lahat ng pambu-bully niya sa'kin noon kasama ng ate Ezra niya dahil sa blonde kong buhok.

Although noong isang araw pa siya nagsimula sa pagiging aliping sagigilid niya, I'm just getting hang of it now. I'm still laughing at the thought because it's too cliché and boring, but seeing him suffer a little because of my friends makes it fun.

Masarap palang may alalay na inuutos-utusan kaya siguro si Chritien ay living the best dream kasama ang mga kapwa niya bully. Ganyan naman ang mga bullies, pakiramdam nila mas malakas sila kapag mas marami sila. Hindi nila alam, they look like a bunch of idiots, mga hindi mahal ng magulang.

"Pareng Gallego, rito tayo!" Shin shouted when we reached the gym. Siya ang captain ball ng volleyball habang ako naman ang team leader ng badminton team. Ang tatlo naming kaibigan ay makikinood lang since they are not that sporty.

"Come let me help you," I told him nang nilalapag niya ang mga gamit namin.

"Uy may konsensya ka pa pala!" he retorted. Tinawanan ko siya but he glared at me. "Do you know how heavy these bags I carried?"

"Sino ba kasing nagsabi na umoo ka sa idea ni Shin? Ako ba?"

"Pasalamat ka, ginusto kita -- "

"Ha?" sabay naming sabi.

" -- ko 'to! Ginusto ko 'to, nabulol lang ako," defensive niyang sabi.

I shrugged it off and nodded. Akala ko kung ano na but if ever he has a crush on me, hindi ba 'yun incest? Since magkapatid kami sa papel, bawal kaming magkatuluyan at ikasal.

Ay bakit ganito ang iniisip ko? Wala naman akong gusto kay Gallego! For me ay mukha lang ang puhunan niya, sa character material, shala siya. Pangit ng ugali nyan ever since we met, lagi pa akong inaaway.

"Magbibihis lang ako," sabi ko sa kanila.

"Sabay na tayo," Shin replied.

Kinuha na namin ang mga damit naming gagamitin for playing pero natigilan ako nang makita ko ang grupo nina Chritien na naglilinis sa comfort room na pinuntahan namin. I suddenly held Shin's arm and grabbed her closer to me.

"Ay ano ba," she reacted in shock. "Ang lamig ng kamay mo, ikaw ba si Elsa at isa kang ice queen?"

"Chritien," I murmured. Natulos ako sa kinatatayuan. Bigla kong naalala yung mga araw na kinukulong nila ako sa CR para pahirapan at ipaalalang hindi ko deserve ang buhay na mayroon ako ngayon. "C--can we go find another open comfort room?"

"Gusto mo sa Guidance Office na lang tayo," nakakaintinding suhestyon ni Shin. This time, she was the one grabbing me. Hinila niya ako patungo sa Guidance Office at siya na rin ang nagpaalam kung maaari kaming makagamit ng comfort room. Mabuti na lang at pinayagan kami ni Ma'am Joy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

if smiles are foreverWhere stories live. Discover now