I.

1 0 0
                                    

Chapter I.






"Ang sakit na ng nararamdaman ko! Pwede bang palayain mo na lang ako?" Nagmamakaawang pakiusap ko sa kaniya.

Pagod na ako. Pagod na akong intindihin lahat ng nangyayari sa paligid ko.

"Akala ko ba t-tayo hanggang dulo? Sabi mo h-hindi ka s-susuko?" Nananangis na tanong niya saken.

Naaawa man ako sa kaniya ay mas naaawa ako sa sarili ko.

"Sa tingin mo hahantong tayo sa ganito? Oo mahal mo ako, mahal natin ang isa't isa pero hanggang dito na lang tayo!" Naibulalas ko na lang iyon ng malakas dahil sa hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.

Pinunas ko ang luha ko nang hindi siya sumagot.

"Iiwan na kita." Matapang kong sambit saka siya tinalikuran at tinungo ang daan na taliwas ng sa kaniya at kasabay niyon ang mga luhang hindi ko alam kung kelan titigil.




*




"Wake up girl!" Malakas na tinig ng kaibigan kong si Vienna na siyang nakapagpagising sa diwa ko.

Kinapa ko ang pisngi ko at napagtanto kong basa ito.

'My gosh! Nanaginip na naman ako.

"Umiiyak ka? Akala ko natutulog ka!" Nagtataka niyang tanong saken.

Inirapan ko lang naman ito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ay ang sungit ng auntie mo!" Aniya at siyang nilakihan naman ako ng mata saka pinagtitingnan ang mga sketch kong damit na nagkalat sa lamesa ko.

"Bakit nga? Bihira ka naman pumunta dito dahil busy ka hindi ba?" May pagtatampong saad ko.

Totoo naman iyon makaraan ang isang buwan ay ngayon ko lang ulit siya nakita.

"Magtitingin ako ng designs mo kasi may pupuntahan tayong engagement party." Nakangiting saad niya.

"Psh. Pili ka ako gagawa." Sagot ko naman.

"Alangan naman. Ikaw talaga gagawa at sa iyo lang talaga ako magpapatahi. Sama ka ha?" Tanong pa niya.

Tinapunan ko lang naman siya ng tingin.

"Huy sama ka! Hindi ako pupunta kapag Wala ka!" Nakangusong wika pa niya.

"Kapag hindi ako busy." Sagot ko na lang.

Sigurado ako na hindi titigil ang isang 'to kapag hindi ako sumagot.








#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

Unchangeable Feelings Where stories live. Discover now