VI.

0 0 0
                                    

Chapter VI.





"Director ex mo yung maganda na yun?" Tanong saken ni James nang makapasok kami sa elevator.

"Oo." Saad ko saka bumuntong hininga.

"Balikan mo na!" Kantyaw pa niya. Siniko pa nga ako eh.

Inilingan ko lang naman siya.

"B-bakit naman? Mukhang mahal mo pa?" Muli niyang tanong saken.

"Akala mo lang yun." Seryoso kong sagot dahilan ng pagtikom ng bibig niya hanggang sa makarating na kami ng parking.

Pagkarating namin sa Fire Station ay tahimik na ang lahat, mga tulog na siguro.

At dahil instructor si James ay magkasama rin kami nito sa kwarto. Sabay naming tinahak ang hallway ng walang nag iimikan samen. Marahil ay sa mood ko kanina.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing seryoso ako ay hirap na hirap silang kausapin ako.

"Yung kanina wala lang saken yun." Saad ko. Ako na ang bumasag  ng katahimikan na bumubuo sa aming dalawa.

"A-ah h-hahaha ang seryoso mo kasi. Baka kasi ayaw mong pag-usapan at pahabain pa ang ganoong usapan kaya nanahimik na lang ako." Mahabang aniya. Animong pinapalakas pa ang loob para makapagsalita ng diretso.

'Abnoy talaga. Tao lang din naman ako natatakot pa sa akin. Tsk.

"Ayaw ko nga pero sasagot naman ako kapag nagtanong ka." Sagot ko sa kaniya.

"Hahaha bukas na lang kita kukulitin, inaantok na ako." Aniya saka ako inakbayan. "Pero maganda siya talaga eh." Muling aniya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "O-o-oh! Hahaha pinupuri ko lang naman. Grabe ka makatingin hindi ko aagawin Director, ang iyo ay iyo diba?" Aniya saka tinapik tapik pa ako. Umiling lang naman ako sa kabaliwan niya.

Nang makarating kami sa kwarto ay agad akong dumiretso sa higaan ko, inaantok na rin kasi ako eh.

Ngunit ang antok na nararamdaman ko ay napaltan ng pag-iisip mula ng pagpikit ko.

Sumasakit ang puso ko at para iyong tinutusok. Tila bulating inasinan, sa likot niyon ay hindi na magkamayaw ganun din ang puso ko bumibilis ang tibok at halo halong emosyon ang nararamdaman.

Sinabi ko sa sarili ko kanina na dapat handa na ako kung ano man o sino man ang madatnan ko sa engagement party. Pero ang pakiramdam kong iyon kanina, hindi man kakaiba ngunit nakakatakot na kaba.

Limang taon simula nang iwanan niya ako, limang taon simula nang talikuran niya ako at limang taon simula nang pagkabasag ng pangako namin sa isa't isa.

Limang taon na rin simula nang binago ko ang takbo ng buhay ko.







#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

Unchangeable Feelings Où les histoires vivent. Découvrez maintenant