III.

0 0 0
                                    


Chapter III.






Nang makarating kami sa venue ng engagement party ng kaibigan namin ni Vienna ay agad kaming pumasok dito.

"Buti nakarating kayo, Mika at Vienna! " Masayang salubong samen ni Aria na siyang ikakasal.

Nakipag beso naman kami sa kaniya.

"Syempre naman, ikaw hindi namin aattendan naku! Hindi ko palalagpasin yung masasarap mong luto 'no!" Saad ni Vienna. Dahil sa hiyang naramdaman ko ay siniko ko siya. Nagbabasakali na bawiin niya ang sinabi niya. "Joke lang syempre hahaha. Pero totoo rin naman hahahaha. Congraaaaats ikakasal kana!" Masayang aniya.

'Baliw talaga 'tong babaeng 'to eh. Wika ko na lang sa sarili ko. Saka ko binalingan si Aria.

"Congraaaaats, Aria. Ninang kami ha kapag may Jr. na." Masaya kong sambit saka siya niyakap.

"Syempre naman, kayo talaga. Basta yung wedding gown ko, ikaw na bahala dun ha?" Tanong pa niya saken.

"Oo naman, matatapos ko na rin naman yun eh." Sagot ko.

"Naks buti na lang talaga at may kaibigan akong fashion designer ahaha napakaswerte ko, o sya tara na sa loob." Yaya niya saka kami sumunod.

Oh yeah I'm a fashion designer for four years.

Matapos niya kaming I guide sa table namin ay  nagpaalam na rin siya dahil nga naman kailangan pa siya ng ibang bisita.

"Akalain mo yun, si Aria pala ang unang ikakasal sa ating magbabarkada." Muli ay saad ng katabi ko.

Jusko hindi na nawalan ng sasabihin.

Matapos namin masaksihan ang pagmamahalan ng dalawa ay mapapa sana all kana lang kasi nga naman ni isa walang humadlang sa kanila kaya parehas masaya.

"Huwag ka maglalasing ha?" Paalala ko kay Vienna nang mag umpisa na kaming mag inuman kasama ang iba pa naming mga kaibigan pati na rin ang groom at bride.

Nag uwian na kasi ang mga oldies kami na lang magkakaibigan ang narito pati na rin ang mga kaibigan ng groom ni Aria. Nasa iisang table na lang kami.

"Ano ka ba? Baka ikaw ang malasing napakahina mo pa naman sa alak." Baling niya saken.

"Psh. Malakas na 'no!" Hamon ko rin sa kaniya.







#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

Unchangeable Feelings Where stories live. Discover now