II.

0 0 0
                                    

Chapter II.




After a month.



"Wowwww! Kunware hindi pa aattend nung una ano? Tapos yun pala mas maganda pa ang suot saken!" Umiirap na aniya.

Natawa naman ako.

"Hahaha baliw." Natatawa kong sambit. "Halika na!" Yaya ko pa saka kami lumabas ng condo unit ko.

I'm wearing a red fitted gown which has a slit on my right legs, backless but there's a sleeve that really suited to my sexy body.

"Thank you talaga dito sa gown na gawa mo oh my gosh! Para na talaga akong si Kathryn Bernardo dito eh. Ang ganda!" Kinikilig na wika niya. Tila humahanga sa mga salitang sinasambit niya.

She's wearing a white gown, actually halos parehas ng suot ni Kathryn nung pumunta sya sa Seoul. Idol niya kasi iyon. Ang pinagkaiba lang ng suot nila may sleeve yung kaniya.

"Idea mo yan, ako lang gumawa." Saad ko naman.

"Kaya nga. Pero hindi 'to magiging ganito kaganda kung hindi ikaw ang may gawa. Libre na ba 'to?" Nakangising aniya bago kami makapasok sa sasakyan ko.

"Ano pa nga ba. Ikaw ang lulugi sa negosyo ko." Biro ko.

"Grabe ka hahaha minsan lang naman." Natatawa niyang sambit.

Inistart ko naman na ang engine ng kotse ko saka iyon pinaandar.

"Hahaha gaano kadalas ang minsan? Limang beses sa isang buwan diba?" Saad ko saka kami nagkatinginan saglit at nagtawanan.

Oo joke na yun para samen.

"Tapos pinapadeliver ko pa, nahihiya kasi ako sa iyo hindi ka makapunta!" Biro ko pa ulit.

Nag momodel kasi siya, kung saan saan nagpupunta kaya nga buwan bago ako dalawin. Yun nga lang madalas magpagawa saken ng damit.

"Ano 'to bauyan?" Natatawa niyang saad. Hindi mo sya kakikitaan ng pagkapikon dahil sanay na sanay kami sa isa't isa.

Mas malapit ako sa kaniya kesa sa mga magulang at kapatid ko.

Siya yung itinuring ko ng pamilya ko mula ng maging independent ako.

Kasi kung mananatili lang ako sa mga magulang ko hindi papayapa ang mundo ko. Hindi ko matututunang ako dapat muna. Dahil tama na yung minsang kinalimutan ko ang sarili ko.









#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

Unchangeable Feelings Where stories live. Discover now