VII.

0 0 0
                                    

Chapter VII.







Mika's POV



"Babae thank you kagabi ha? Nagpabigat pa ako sa iyo." Pagpasalamat ko sa kaniya dahil sa nalasing nga ako kagabi.

We're here at the dining eating our breakfast. Actually I can't eat properly because of this hangover.

'Peste! My head's aching so much!

"Hindi naman. Si Dan lang ang nabigatan at nahirapan sa iyo." Sagot niya na ikinagulantang ng mundo ko.

Ang sakit ng ulo na kanina lang ay iniinda ko ay tila naglaho at nawala ang lasing na kanina lang ay kinaiinisan ko.

Naituon ko ang paningin ko sa kaibigan ko.

"Sa true ka dyan?" Pagbibiro ko pang tanong sa kaniya.

Malay ba natin kung nagjo-joke time si Vienna eh ganiyan yan eh. Madalas!

"Sa true!" Nakangiti niyang saad ngunit tiningnan ko pa rin siya ng hindi kapani paniwalang tingin dahilan ng pagbuntong hininga niya. At kapag bumuntong hininga yan ibig sabihin seryoso siya.

'Oh my gosh! Totoo? Sa tinamaan ng malas ako ang nadapuan. Saad ko pa sa sarili ko.

Bakit kasi ako naglasing? Ni hindi ko man lang sya tuloy nakita.

Gwapo na kaya siya ng sobra? Halata na kaya ng sobra bigote niya? May abs pa rin kaya siya? Lumevel up na kaya? My goodness ang tanga ko naman eh!

Kaya pala feeling ko kagabi pamilyar yung taong umalalay saken.

'Nakakahiya! Gusto kong isigaw yun pero hindi ko magawa sigurado ako na hahambalusin lang ako ng kasama ko.

"Nagsisisi kana diba?" Tanong niya na siyang nakapag patahan sa mga salitang binibitawan ko sa sarili ko.

Nangunot ang noo ko sa kaniya.

"Nagsisisi saan?" Balik kong tanong sa kaniya.

Nagkibit balikat muna siya bago nagsalita.

"Aning ka kasi eh! Mahal niyo naman isa't isa diba? Iniwan mo naman. Tsk!" Aniya saka umiling iling.

"Alam mo naman kung bakit hindi ba?" Malamya kong saad sa kaniya.

"Yeah, I know right. Pero nandun na kayo eh. Mundo niyo na lang iintindihin niyo pero mas pinili niyo pa rin or should I say "MO" yung mundo ng mga taong nakapaligid sa inyo para manahimik na ang lahat or should I say sumaya sila at kayo..." Huminto siya saglit saka uminom mukhang mabibilaukan na sa kadaldalan eh.  "Kayo! Mamatay sa lungkot!" Asik niya sa huling linya niya.

Napailing na lang ako. Totoo naman iyon pero iyon ang ikakatahimik ng parehong pamilya namin eh. Anong gagawin ko? Edi palayain siya.

Kahit masakit.

'Til now.







#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unchangeable Feelings Where stories live. Discover now