0

41 9 4
                                    

"AYON sa propesiya...pagdating ng hating gabi kung saan bilog at maliwanag ang buwan. Isang magandang nilalang ang magpapakita mula sa lawa. Sinabi rin ng propheta na galing ito sa itaas at ipinadala upang tulongan ang kaharian at iligtas mula sa nalalapit na pagkabagsak nito. Mabilis na inakala ng hari na isa itong magandang sisne. Ngunit, pagdating ng nakatakdang gabi, ang inakalang sisne ay hindi makita, maliban na lamang sa isang panget na itik dahil sa kulay itim na balahibo nito at may bahagyang pagkakalbo sa bahagi ng ulo. Nagalit ang hari at agad na pinagutos na ibitay ang pekeng propheta, habang ang nakakaawang itik ay itrinatong isang sumpa na kailangang patayin sa madaling panahon. Subalit, ang hindi alam ng hari ay isa ito sa magiging pinakamalaking  pagkakamali na magagawa niya sa loob ng maraming taon bilang pagiging wais na hari." Huminto ang matandang babae mula sa pagkwekwento at hindi maiwasan na mahinang mapatawa nang makita ang naging itsura ng kanyang apo.

"Bakit ka po tumatawa at huminto sa pagbabasa lola?" Kunot noo at naguguluhang tanong ng batang babae mula sa matanda.

Umiling ang matandang lola at nakangiting sumagot.

"Yung itsura mo kasi, apo," pagsasalita ng matanda.

"Po? Ano pong meron sa itsura ko?" Nalilitong tanong ng apo.

"Mukha ka kasing tarsier na nakanganga habang nakikinig." Pagtutukoy ng matandang lola sa mabilogin na mga mata ng apo.

Agaran na sumimangot naman ang bata.

"Lola naman 'e. Masyadong judgemental." Sumimanbot ang batang babae. "Tinatawag mo akong tarsier, e' sabi nga ng karamihan na magkamukha daw tayong dalawa. Edi tarsier ka rin po pala kung gano'n?" Nakangising aso nang pagdudugtong nito.

"Oo na. Magkamukha na tayo. 'O siya, ipagpatuloy ko pa ba ito o hindi na?" Pagsusuko ng matanda, dahil nagsisimula ng lumalabas ang pagiging makulit ng bata.

Mabilis naman na umiling ang batang babae. "Ipagpatuloy mo po Lola. Baka hindi po ako makatulog kapag nabitin ho ako sa kwento."

"Kung gano'n, itikom mo na agad iyang bibig mo," sabi ng matandang Lola mula sa batang apo.

Tumango naman ang bata at inosenteng sinunod ang sinabi ng lola.

Nagpakawala ng mahinang hininga ang Lola bago ito nagpatuloy sa pagbabasa.

"Sa tanang buhay na pagiging wais na hari, isa ito sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Dahil huli na nilang napagtanto na ang ipinatay na itik ay ang totoong nilalang talaga na sinasabi ng propesiya. Ang itlog nito ay gawa sa ginto at tiyak na ito ang matagal na nilang hinihintay para solusyunan ang problemang pinansyal na hinaharap ng kaharian. Dahil ang katumbas ng isang pirasong ginto ng itlog, ay malaki ang halaga. Sapat na para mamuhay ng isang taon na hindi kailangan problemahin kung may magiging laman man o wala ang sikmura. Subalit, pagkatapos magawa ang malaking pagkakamali at sayangin ng hari ang pagkakataon, agad ng tuluyang bumagsak ang kaharian." Huminga muna ang maganda lola. "Mapa-hanggang sa huling hininga, dala-dala pa rin ng hari ang labis na pagsisisi at ang mabigat na konsensya para sa kanyang mga taong nagdusa. Hindi niya lamang nabigo ang nasa itaas kundi ang buong kaharian." Pagtatapos ng matandang lola sa kinukwento at saka maingat na isinarado ang hawak na libro.

"O' siya, time to sleep na. Masyadong late na at baka malintekan pa ako ng Mama mo kapag hindi ka pa natutulog," sabi ng Lola habang maingat inaayos ang kumot ng apo.

"Lola, ma'tanong ko lang po. Bakit po kaya yung itik ang tinawag na magandang nilalang sa huli kung isa naman talaga itong pangit na itik dahil sa itsura nito? Kasi kahit na rin siguro ako ay aakalain ko talaga yung sisne, lalo na't ito naman ang isa sa pinakamagandang nilalang , 'di po ba?"

Bahagyang napatigil ang matandang lola dahil sa narinig mula sa apo.  Hindi niya alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon niya sa naging katanungan nito, ngunit nang makita ang pagiging inosente na bakas sa pagmumukha ng apo ay hindi niya maiwasan na mapingiti.

"Bata ka pa nga talaga, apo. Hindi mo man maiintindihan ng maayos ang takbo ng kwento ngayon, ngunit lagi mong tatandaan na ang kagandahan ay hindi lamang basehan sa physical na kaanyuan ng tao, dahil nagmumula rin ito sa kalooban," mahinahong sagot ng lola sa apo.

"Eh lola, isang hayop po iyong itik. Bakit po umabot sa tao yung sinabi niyo po?" Palalagpasin sana ng matandang lola ang pagiging pilosop ng apo, ngunit nakita niya ang nababakas na kaaliwan sa pagmumukha nito.

Akmang pipitikin ng matandang lola ang noo ng apo, nang mabilis itong nagtalukbong sa kumot upang magtago.

"Biro lang po," natatawa wika ng batang apo mula sa ilalim ng kumot.

"Ikaw talagang bata oo, matulog ka na nga! Gabing-gabi na pero pinapataas mo ang dugo ko," sabi ng matanda at maingat na inalis ang kumot na nakakatalukbong mula sa kanyang apo, saka inayos na ito sa pagkakumot ulit.

"Pero gets ko na po talaga lola. Iyong pinupunto niyo siguro ay iyong gold na itlog ng itik kaya natawag pa rin siyang magandang nilalang." tumatango-tango pang sabi ng apo.

Napailing na lamang ang matanda at mas piniling huwag ng magsalita pa, dahil mas lalo pang hindi makakatulog ang bata kapag sinakyan niya ang pagiging madaldalin nito. Kaya mas minabuting hayaan na lamang ito sa gustong isipin nito, lalo na't naniniwala siya na kapag mas lumaki na ito at mas lumawak ang pang-unawa ay tiyak na maiintindihan rin ng apo ang pinupunto niya.

"Oo nalang," labas sa ilong na pagsasang-ayon ng matanda sa sinasabi ng apo.

"Para ka namang napilitan, Lola. Ang plastik mo po." Nakasimangot na sabi ng bata.

Isang masamang tingin naman ang pinukol ng matanda sa bata at bahagyang piningot ang tainga nito na may sapat na lakas at higpit.

"Aray ko po!" mahinang pagdaing ng batang apo.

"Napaka-OA mo, apo. Matulog ka na nga." Napailing-iling na sabi ng matanda, saka inalis ang hiblang buhok na nakaharang sa mukha ng apo.

Napasimangot naman ang bata, ngunit kalaunan ay umayos na ito sa kakahiga at ipinikit ang mga mata.

Tahimik at nakangiting pinagmamasdan ito ng matanda. "Good night, apo," mahinang sabi niya, saka maingat na pinatakan ng magaan na halik ang noo ng apo.

Bahagya namang may pumaskil na ngiti sa labi ng batang babae.

RATUDPOAMBOnde histórias criam vida. Descubra agora