Warning: R 16+ | Mature Content Ahead! Status: On-Going Simula nang tinuroan sa pagbabasa si Bernadette Cruz ng kaniyang lola, ay lumaki siya na naging kahiligan ang pagbabasa. Ang kaniyang lola ay isang avid reader ng mga libro na may fantasy na genre, at naging isa sa dahilan rin kung bakit nahiligan niya ang pagbabasa ng mga pantasyang kwento. Subalit, ang kaniyang pagmamahal sa mga libro ay naging sanhi at naging rason din kung bakit siya nabu-bullied sa pinapasukang paaralan. Isang typikal na araw niya sa paaralan kung saan siya nabubully. Isang aksidenti ang nangyari at naging dahilan upang matuldokan ang paghinga niya. Subalit nang magising siya, nakita niya na lamang ang sarili na biniyayaan siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Ang problema nga lamang ay mula sa loob ng pangangatawan ng isang hayop na inabandona mismo sa pamilya dahil sa kaibahan ng kaanyuan na tinataglay nito. Napagtanto niya na lamang na naging isa siyang ugly duckling na inabandona sa lawa! Lumbay sa naging miserable na pangalawang buhay, aksidenti niyang matatagpuan ang isang lalaki na walang malay at sugatan na nakahiga sa lupa. Bilang may nakaraang buhay sa pagiging tao ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng malasakit at susubokan na tulongan ito. Ngunit ang hindi niya alam na isang mapanganib na buhay at daan ang naghihintay para sa kaniya matapos magkrus ang mga landas nilang dalawa. - Starting Date: Nov. 02, 2023 Ended: