1

34 8 8
                                    

Notes: The word or sentence that put into a bold italic are stands for translation.

***

"ANO BA, Joseph? Ibalik mo nga sa akin ang libro ko!" sigaw ng dalagang si Bernadette mula sa kaklase niyang si Joseph.

Tahimik lang siyang nagbabasa sa upuan dahil vacant time, nang biglang inagaw ng lalaking kaklase ang binabasa niyang libro.

Tumatawa naman ang lalaki at halatang nasisiyahan sa paghihirap ng dalaga mula sa pilit na inaabot ang libro. Malaki ang agwat ng height nila kaya nahihirapan si Bernadette na bawiin ang libro, lalo na't sa tuwing sinusubukan niyang abutin ay mas lalong tinataas pa ng lalaki ang kamay na may hawak na libro.

"Woah! Marunong ka palang sumigaw Ms. Weirdo?" Namamanghang tanong ng lalaki sa kanya.

Kung hindi lang talaga importante sa kanya ang libro, ay baka katulad ng dati ay mahinahon niya itong babawiin sa lalaki. Ngunit ilang araw rin niyang pinag-iponan ang libro at ilang baon na hindi niya ginastos at ilang gutom na tiniis para mabili ito.

"Please ibalik mo na iyan sa'kin," nauubosan sa pasensyang sabi ni Bernadette.

"Ito ba?" Ibinaba ni Joseph ang kamay at bahagyang iniwinagayway ang libro malapit sa mukha ng dalaga.

Akala niya ay titigil na ang lalaki. Kaya akmang kukunin na niya sana ang libro at gamitin ang pagkakataon na iyon nang bigla naman nitong itinapon mula sa labas ng bintana, kung saan malakas ang pagbuhos ng ulan.

Agaran siyang tumakbo papalapit sa bintana at nakita niya sa ibaba ang libro na unti-unti ng nababasa. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng panlulumo.

Naririnig niya ang may kalakasan na pagtawa ng mga kaklase niya na kanina pang pinapanood ang mga nangyayari. May iba pa ay napailing-iling na lamang at naaawa para sa kanya.

"Naku pre, baka umiyak iyan," pang-aasar pa ng isang kaklase nila.

Galit na hinarap niya ang mga ito. Halatang nagulat ang mga ito sa naging reaksyon niya, pero agad ring nakabawi at mas lalong inaasar pa siya.

Nagpupuyos sa galit niyang sinugod si Joseph at malakas niya itong itinulak. Nawalan ito ng balanse kaya napaupong napasalampak ito sa sahig. Napatahimik ang mga kaklase nila dahil sa gulat, ngunit hindi niya na ito pinansin at saka ay mabilis siyang tumakbo papalabas ng classroom.

Nasa ika-tatlong palapag ang room nila. Sa takot na baka mas lalong mabasa iyong libro na nasa labas ng building ay wala na siyang oras na inaksaya pa.

Mabilis at walang kaingat-ingat siyang bumaba sa hagdan. Subalit, sa  sobrang pagmamadali niya ay nagkamali siya ng apak at nakita na lamang ang sarili na nakasalampak sa baba ng hagdan. No'ong una ay hindi niya maintindihan ang nangyari. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang pinapalibutan na siya ng mga estudyante.

Hindi niya masyadong marinig ang mga pinagsasabi nito, tanging ang binubugang hininga at mabigat na tibok ng puso niya lang ang naririnig.

Unti-unti na siyang hinihila ng antok. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ang tanging nasa isip niya lamang ay ang libro na paniguradong basa na sa labas.

'Sayang ang pera ko! Limited edition pa naman iyon!' usal niya sa kanyang isipan.

***

Huni ng mga ibon ang nagpagising kay Bernadette. Nalalanghap rin ng mga ilong niya ang amoy ng damo at dahon. Mabilis na kumunot ang noo niya at agaran na kinain ng pagtataka.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: a day ago ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

RATUDPOAMBOnde histórias criam vida. Descubra agora