7

37 2 1
                                    

MASAMA ang loob na patuloy sa paglalakad ang itik. Hindi pinapansin ang paligid. Napatigil lamang ito sa paglalakad ng makaramdam ng pagkapagod.

Palinga-linga niyang tinignan ang paligid at hindi na niya makita ang pamilyar na lugar kung saan siya nag-walk out.

Nakaramdam siya ng takot at kaba dahil naliligaw na siya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya. Wala pa naman siyang kilala dito, tanging iyong lalaki at iilang katulong lamang ang nakakaalam sa presensya niya. Kapag iba kasi ang makahanap sakaniya, baka mapagkamalan pa siya na nakatakas na pang-sahog ng ulam—na kailangan hulihin.

"Quack-Quack!" "Ayan! May pa-walk out pa kasing nalalaman," pansisisi niya sa sarili.

Maglalakad na sana ulit siya para hanapin ang lalaki ng isang mahihina na boses ang nakakuha ng atensyon niya.

Baka pinahanap na ako at ang nagma-may-ari ng mga boses na iyon ay sa isa sa naghahanap sa'kin.

Napatingin siya sa may kalawakan na hallway na nasa harapan niya. Doon niya kasi naririnig ang mga boses.

Mabilis siyang naglalakad para lapitan ito. Naba-badtrip man siya sa lalaki dahil sa pinakain nito sakaniya, ay hindi parin maipagkaila na savior niya ito at tanging ito lang ang pwede niyang mapagkatiwalaan.

Napahinto siya sa tapat ng may kalakihang double door na gawa sa kahoy. Bahagyang nakabukas ang isang pintuan kaya agad na lumukop sa pang-amoy niya ang pamilyar na amoy mula sa mga libro. Nang silipin niya ang loob, halos kuminang ang mga mata niya ng makita mga gawang kahoy na bookshelves. May kahabaan at kalakihan at mas lalo na puno ito ng mga libro. Mas malawak pa ito kaysa sa library na dating pinapasukan niyang paaralan.

"Narinig mo na ang kumalat na tsismis dito?" Isang tinig ng babae na nanggagaling sa loob ang nagpabalik sa kaniya sa realidad.

Alam niyang masama ang makinig sa ibang usapan. Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na pumasok sa loob at hanapin ang nanggagaling ng boses na iyon.

Nandito lang ako para magtingin-tingin ng mga libro.

"Ano iyon? Abala ako sa pinaguutos ng mayordorma, kaya hindi ako masyadong updated sa mga ganap dito." Sunod naman niyang narinig ang mas may malumanay na boses ng babae.

"Ito na nga. Pagkauwi daw ni Sir Langston kanina ay may kargang itik ito," sagot ng unang babae.

Sa takot na mahuli siya ay agad siyang napatago sa isang may kalakihan na couch ng makita niya ang dalawang katulong na abala sa pagpupunas at sa paglilinis.

"Talaga? Akala ko naman kung ano na. Mas magugulat pa 'ata ako kapag babae iyong mga nasa bisig niya."

"Hindi lang kasi iyon simpleng itik. Para daw kasing nag-ibang tao si sir Langston. Kinakausap daw nito na parang tao ang hayop. Tapos iyong mga hindi normal sa paningin natin ay nagagawa nito ng madali. Katulad ng—ang dali lang daw tumawa ni Sir, tapos ngumingiti pa."

Akala naman niya ay sila na ang magiging daan para makabalik siya sa kinaroroonan ng lalaki.

Maingat na sinulyapan niya ang kinaroroonan ng mga ito. Nakita niyang pareho na itong napatigil sa mga ginagawa.

"Hindi kaya namaligno si Sir?"

Hindi maiwasan na mapaikot ang mga mata niya ng makitang napa-sign of the cross pa iyong babae na may malumanay na boses. Naka-short hair ito habang ang kasama nito at nakapusod ang itim na buhok.

"Baka nga! Ang alam ko pa naman ay galing daw sa gubat si Sir! Dapat talaga ipasunog natin iyong itik!"

Halos magtayuan ang mga balahibo niya dahil sa sinabi ng katulong.

Kailangan kong makaalis dito! Ayaw niyang maging roasted duck ng wala sa oras.

Mabilis na napasandal siya sa likod ng tinataguan niyang couch. Kung may katawang tao pa lamang siya ay baka kanina niya pa kinapa ang bandang dibdib niya kung saan ang puso niya na malakas na tumambol. Kaso hindi niya magawa!

Akala ko ba hindi ko na madadala iyong palpitations dahil sa kakakape ko dati. Mukhang dala-dala ko pa talaga hanggang dito.

Agad niyang tinignan ang pintuan na ginamit niya para makapasok. Medyo may kalayuan sa kinatatayuan niya pero kapag naging maingat at mabilis siya ay siguradong ligtas naman siya makakalabas.

Sinilip niya muna ang kinaroroonan ng dalawang katulong bago pa niya gawin ang pagtakas. Ngunit, agad siyang napatigil ng makasalubong niya ang mga mata ng isa na hindi sadya mapatingin sa gawi niya.

Nakita niyang lumaki ang mga mata nito. At ilang sandali ay malakas na napatili kaya napatingin rin iyong kasama nito.

"Hoy bakit?!" gulat na tanong ng babaeng naka-pusod sa kasama.

"K-kalbo..." hindi makapagsalita ng maayos ang babae dahil sa pagkagulat.

"Anong kalbo? Umayos ka nga? May daga ba?" nagsisimula na rin mataranta ang katulong na naka-pusod ang buhok.

"May kalbo na itik!" malakas sa tinig na sigaw ng kasama.

Nang makabawi sa pagkagulat ang itik ay walang lingon-lingon at mabilis na kumaripas sa pagtakbo ito.

Ba't ba ang hirap maglakad at mas lalo na sa pagtakbo?! Dati naman ay may dalawang paa rin naman siya at ang bilis niya pang tumakbo sa tuwing hinahabol siya ng kaniyang lola habang may bitbit na walis.

"Nasa'n?!" napasigaw na rin iyong kasamang katulong ng babae.

"Ayon o'! Papalabas na!"

"Quack-Quack! Quack!" "Shit! Shit talaga!"

Ng makalabas siya ng library ay hindi parin siya tumigil sa pagtakbo. Lalo na't naririnig niya ang paghabol ng dalawa.

"Bakit may itik na kalbo na nakapasok dito?!"

Kanina niya pa napapansin na palaging nakadugtong iyong kalbo.

"Quack-Quack?!" "Ano bang problema niyo sa kalbo?!" walang lingon na sigaw niya pabalik sa mga ito.

"Kyaaah!" hiyawan sa gulat ng mga katulong na nakakasalubong niya. May napa-upo pa sa sahig dahil sa gulat.

"Hulihin niyo iyang itik na iyan! Mukhang nagkalat pa talaga sa library! Nakatakas yata iyan sa lunga!"

Napagkamalan na nga siyang maligno. Hindi pa talaga sila nakuntento at inaakusa pa talaga siya na nagkakalat.

"Quack-Quack!" "Nasaan ka na ba kasi?!" paghahanap niya kay Langston.

"Nandito lang pala iyong itik na pinapahanap ni Sir Langston!" sigaw ng isa sa katulong nilagpasan niya.

"Ana! Hulihin mo iyang itik na iyan!" hindi parin matigil sa paghahabol sakaniya ng dalawang katulong.

"Quack-Quack!" "Tabi!" sigaw naman niya sa panibagong katulong na umakto na harangan siya.

Ba't ba ang daming katulong dito?!

Mabilis niya itong natakasan ngunit agad siyang napatigil na isang dead end ang tumambad sa kaniya.

Tatakbo na muli siya sa dinaanan niya kanina ng makita niyang napapalibutan na siya ng mga katulong.

Limang katulong ang nasa harapan niya. Ang isa ay may hawak na map at mukhang may balak na hampasin siya.

"Huwag niyong saktan ang itik na iyan!" sigaw naman ng katulong na nilagpasan niya kanina.

Takot at kabado naman siyang napapaatras.

"Stop scaring her!" isang malakas na boses ang dumadagundong sa paligid. Halos tumigil yata sa pagikot ang mundo para manigas at mapatigil rin ang mga katulong mula sa mga kinatatayuan nito.

Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ng itik ang agaran na tayuan ng tatlong balahibo na natitira sa may bandang ulo niya dahil sa takot.

RATUDPOAMBTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang