10 years later....
Nang araw na umalis ako at iwan ko si Mama, ay naunawaan ko ang lahat. Kaylangan kong ipalaban ang nangyari sa kanya. Kaylangan kong maging malakas para sa kanya.
Nag aral ako ng Law. Hindi ko ito inaral dahil lang sa gusto kong malaman kung ano nga ba ang batas. Inaral ko ito upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Mama...
Kung bakit nasira ang buhay namin. Dahil sa isang taong masahol pa sa halimaw.
Tiningala ko ang prosecutor office. Dala ko ang trial record ni Mama. Gusto kong malaman ang buong nangyari. Malalaman ko lang iyon kung masisilip ko iyon.
"Hello, excuse me. Gusto kong makita ang trial record ng Mama ko at ang naging hatol sa kanya."
Kinuha ng nag assist sa akin na babae ang dala kong papel tungkol sa kaso. Inusisa niya itong mabuti.
"Sinunod ko ang procedure... Lahat para lang makuha ang trial at witness examination." Ako.
"Hindi niyo puwedeng makuha ang trial record ni Cassiopin Alvarez. May mga maselang laman ang trial record na iyon... Ayon sa batas hindi namin iyon basta bastang puwedeng ilabas." Aniya.
"Paano di puwede ang tagal na ng kaso na iyon?!" Halos tumaas ang boses ko.
"Mam, naka depende parin iyon sa witness at sa prosecutor na kung papayag silang ilabas ang buong record ng Mama niyo." Aniya.
Halos lamunin ako ng galit sa sinabing iyon. Pumikit ako ng mariin at ikinalma ang sarili ko.
"Matagal na iyon paanong di maari?" Madiing tanong ko.
"Mam, hindi namin basta bastang puwedeng ibigay hanggat hindi sila pumapayag." Aniya.
Napasandal ako sa malamig na pader ng basahin ko ang hatol. Ang akusado ay si Zues Calderon. Ang prosecutor na humawak sa kaso ni Mama ay si David Lazaro. Ang ebidensya ay laban sa pang gagahasa.
Nag tungo ako sa police station... Nakita ko ang police na nuon ay pinag tanungan ko tungkol sa kaso. Kaagad ko siyang pinuntahan muli. Kita ko ang pag kairita niya ng makita ako.
"Ikaw na naman p*nyeta!" Aniya at ibinaba ang cellphone na hawak.
"Pakiusap Sir, ipakita niyo na po sa akin ang report ng mama ko. Saglit lang po sisilipin ko lang iyon hindi ako mag tatagal." Nag mamakaawang sabi ko.
"Ayon sa batas OFFICIAL INFORMATION DISCLOSURE ACT karapatan ng pamilyang naabuso na makuha ang report ng imbestigasyon." Ako.
"Puny*ta ka talaga. Ano ba sa tingin mo ang tingin mo sa sarili mo? Mataas kana dahil nag aaral ka ng batas?"
"Pambihira kang puny*ta ka."
"Kung gusto mo talaga makuha ang record ng Nanay mo! Maging prosecutor ka. Bumalik ka rito. At saka mo ako turuan tungkol sa batas? Nakuha mo yun ha? Pambihira sinasayang mo ang oras ko!"
Tinulaktulak niya ako hanggang sa makalabas ako ng pinto.
"Kumuha ka ng bar exam. Bumalik ka rito. Lahat ng gusto mong report at imbestigasyon at ibibigay ko sayo. Kahit pa ang record ng lolo mo.. kung may kaso man siya rito. Ibibigay ko iyon sayo. Ngayon. Umuwi kana at nasasayang ang oras ko sayo kuha mo?" Gigil na duro nito sa nuo ko.
Bagsak ang balikat kong tinalikuran ang police station. Mabilis sumisikat ang araw... Kung gaano kabilis ang araw ay ganun rin kabilis ang gabi. Hindi ko binalitaan si Mama. Pagkatapos ko siyang iwan sa Mental hospital. Kung mapapahamak man ako sa tatahakin kong landas. Gusto ko ay ako lang at wala nang madamay na iba. Iniwasan ko ang pakikipag kaibigan. Itinuon ko ang sarili ko sa pag aaral at pag tatarabaho.
Naka graduate ako sa law school ng ako lang mag isa.
Kinuha ko ang isang magazine. Nakita ko ruon si David Lazaro at ang binatang anak nito na si Moris Lazaro. Pinag masdan kong mabuti si Moris.
"Type mo?" Tanong sanakin ni Narry.
"Ang akala ko ay wala kang interes sa mga lalaki." Aniya habang ininom nito ang banana milk na hawak.
"Interesado ako sa kanya. Gusto ko ang Moris Lazaro na iyon." Ako.
Bahagya itong natawa. "Madali lang naman mapalapit sa katulad niya. Lagi siyang nag tutungo sa exhibition ng anak niyang iyan. Kung gusto mong makuha ang atensyon niya dapat ay may alam ka sa art." Si Narry.
"Madali lang naman iyan." Ako at ibinaba ang magazine upang tapunan ng tingin muli ang itsura ng ama nitong si David Lazaro.
"Hindi ka naman baliw sa binatang iyan di ba?" Tanong nito sa akin.
"Baliw na baliw ako sa kanya. Sa sobrang baliw ko ay gusto ko na kaagad mag tungo sa isa sa mga exhibition niya upang makita ang anak niya." Natatawang sabi ko at itinapon sa basurahan ang magazine.
Kung ang kabaliwang ito ang makakapag palapit sa akin kay David Lazaro ay gagawin ko. Kaibigan niya si Zues Calderon. Alam kong higit pa ruon ang ugnayan nilang dalawa pag dating sa maruming gawain. Sa oras na mahulog sila sa sarili kong laro.
"Nandito si Sir Nestor." Sigaw ni Marco sa aamin ni Narry.
Kaagad kaming sumunod sa loob ng department upang matour sa loob. Dahil kami ang mga baguhan graduate sa Law.
"Dito ang Penalty inforcement Division One." Si Sir Nestor.
"Rito niyo makikita ang files at record ng mga nag daang kaso sa trial."
"Ang sunod ay ang criminal department. Rito sa kabilang banda iyon." Anito at umalis. Sumunod ruon si Marco at Narry. Habang ako ay naiwan mag isa sa hallway. Tinungo ko ang inforcement Division One.
Pag pasok ko ruon ay may nakita akong lalaki. Tingin ko ay nag assist ruon sa loob.
"I'm Andra Mira Alvarez. Probationary judicial officer ang criminal division one." Ako.
"What can I do to help?" Tanong nito.
"Kukuha sana ako ng record ng kaso." Ako. Kaagad siyang tumango sa akin.
"Sige po Mam." Anito nag tungo kaagad akong ng tungo sa mga records.
Kaagad kong hinanap ang 1997-1998 records halos pawisan ako sa dami ng records na iyon. Sa pang huling record na hawak ko ay natumbok ko ang kay Mama.
Sawakas at nakuha ko na rin ang Trial record niya. Namatagal ko nang hinahanap.
YOU ARE READING
The Governor's Son
FanfictionHello this (pjyaprgga) Here is my new story. The Governor's Son. Nawa'y suporthan niyo po ang bago kong story katulad ng ibang naunang Stories ko. Maraming salamat po.