Chapter 06: Investigation

11 4 0
                                    

"Ako po si Blaire at ako po yung kinausap ninyo kaninang umaga, yung naghahanap sa matanda. Parang alam ko na kung saan siya matatagpuan."

Ilang segundo ay biglang walang tunog na tila tumahimik 'tong si Eunna, parang kinakausap ko lang ang wala. Hanngang sa nagsalita muli siya at sinabing,

"Ma'am thank you po sa impormasyon, pwede po ba na pumunta kayo lang dito sa aking office dahil wala pa ako sa bahay," sagot niya.

Office? Meaning nasa loob siya ng kompanya. Sinabi na din niya kung saan matatagpuan ang kompanya pero bago kami maghanda ay sinabi ni Oliver na,

"Bakit ka nagsinungaling na Blaire ang panagalan mo Emilia?"

Hindi ba obvious sa kanya na cover up ko 'yon dahil hindi ko masyadong pinagkakatiwalaan yung Eunna na yun? Agad na kaming lumabas ng bahay at pumunta sa kinaroroonan ng Mediotech Company.

*****

"Andito na tayo," sambit ni Oliver.

Sinabi ko sa kanya na maghintay siya sa sasakyan at ako na ang papasok sa loob at kausapin si Eunna.

Pilit niyang gustong sumama sa loob pero hindi ako pumayag dahil sa usapan namin ni Eunna na kami lang dalawa ang mag-uusap sa kanyang opisina. Biglaang hinawakan ni Oliver ang aking kanang braso at sinabing,

"Nagsisimula na akong magtaka Emilia. Paano kung tama pala ang iniisip ko," sambit ni Oliver.

Sa tawag palang alam ko nang katakataka ang palikihalubilo ni Eunna sa akin. Huminga nalang ako ng malalim at sinabi ko kay Oliver na bitawan niya ang aking kamay dahil mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Maghihintay lang ako dito ng sampung minuto at kapag hindi ka bumalik susunod agad ako sa loob," sambit niya.

Tumango lang ako at agad akong naglakad papasok ng entrance at agad bumungad sa akin ang isang lalaking nakaitim na tila naghihintay sa aking pagdating.

"Ma'am Blaire sa loob na po tayo," sambit niya.

"And you are? Kasama ni Eunna?" Tanong ko.

Nagpakilala siya bilang isang officemate ni Eunna. Pero agad ko naman pansin ang baril na nakasabit sa beywang niya at agad kong tinanong sa aking sarili kung bakit may bitbit siyang baril,

"Akala ko ba officemate ka ni Eunna? Para saan ang baril na yan?" Tanong ko sa kanya.

Doon niya sinabi na dalawa ang kanyang trabaho, guard sa umaga at sa opisina siya kapag gabi. Hindi ako naniniwala sa kanyang sinasabi dahil habang naglalakad kami papasok ay agad kong pansin ang ibang mga tao sa paligid at may bitbit silang mga baril at doon ko nalaman na hindi normal na kompanya itong pinasukan ko.

"Saan yung opisina ni Eunna dito? Malayo pa ba?"

Sinabi niya na wala pa si Eunna at doon ako inilibot ng taong sumalubong sa akin sa loob ng kompanyang ito, at hindi ko maitatanggi na sobrang laki at lawak sa loob. Madaming mga taong nakaputi na parang nasa loob na kami ng isang laboratoryo.

Habang linilibot namin ang loob ng Mediotech Company ay nakuha ang atensiyon ko ng isang nagmamadaling tao papunta sa isang pintuan na may nakabantay na dalawang guard.

"Ba't nagmamadali 'yon?" Tanong ko.

"Gusto mo po bang makita? Mamaya nalang po kapag meron si Ma'am Eunna," sagot niya.

Gusto kong tingnan ang nasa loob pero dinala na ako sa opisina ni Eunna at doon maghintay pagsamantala. Pagtingala ko sa taas ng kisame ay nakita kong may cctv, at alam kong namomonitor lahat ng galaw dito sa loob, at sigurado akong mahihirapan ako sa pag-iimbestiga dito sa loob.

*****

Bumukas ang pinto at doon ko uli nakita si Eunna na nakasuot ng isang puting lab coat.

"I see you arrived napo Ma'am Blaire, pasensya napo at late akong dumating. Kinausap po kasi ako ni Boss," sambit niya.

Pagka-upo niya ay ang mga salitang unang lumabas sa kanyang bibig ay,

"Saan mo siya nakita?"

"Si Ate Judelyn?"

"Sinong Judelyn?"

Sabi na nga! Hindi niya kaano-ano si Judelyn! Sinabi ko na siya yung hinahanap niya na lola na umalis sa bahay nila at doon ako naging lalong nagtataka na. Pero kailangan kong makisabay para hindi ako mahalata.

"Oo nga pala si Lola Judelyn, pasensya na pagod lang kasi ako dahil sa pinapagawa ng aming boss," sambit niya.

Nahahalata ko na pinagpapawisan na siya, at kota sa kanyang mukha ang nerbyos. Doon siya nagsalita at tinanong ulit kung saan ko nakita si Judelyn, at agad kong sinabi na huli ko siyang nakita sa isang tulay.

"Sigurado po ba kayo Ma'am Blaire?"

Akala ko ba may tracker na nakalagay sa loob ng katawan ni Judelyn? Bakit pa nila tinatanong kung puwede naman nilang tingnan? Sobra na ang aking pagtataka sa kinikilos nila o baka mali ang hinala ko na miyembro siya ng Deznum na tinutukoy ni Judelyn.

"Hindi ako sigurado pero ang alam ko doon ko siyang huling nakita," sagot ko.

Nakita ko na huminga siya ng malalim at doon siya nagpasalamat at sinabi na puwede na kapag makikita ko si Judelyn ulit ay bumalik ulit ako sa opisina niya para pag-usapan.

"Oo nga pala Eunna, puwede ba akong maglibot ng pagsamanta sa buong building?"

Sinabi niya sa akin na magpapaalam muna siya sa kanyang boss kung puwede akong payagan.

"Po? Sigurado kayo?"

"Anong sinabi Eunna?"

"P-puwede daw," sagot niya.

Doon ko nalaman na ako ang unang papayagan na maglibot sa buong building at agad na naipaalam ito sa mga tao na nasa loob, mga guards at ang mga taong nakasuot ng puting lab coat.

Sinabi ko sa isang guard na sabihin niya kay Oliver na medyo matatagalan ako at hindi na kailangang mag-alala dahil nasa ayos na lagay ako.

Unang lugar na agad pumasok sa aking isipan ay ang pintuhan na binabantayan ng dalawang guard kanina. Dahil ako'y napayagan ay nakapasok ako sa loob at doon ko nakita na maraming taong nakasuot ng puting lab coat na inaayos ang isang malaking makina at may mga tanke ng tubig sa gilid na may nakalagay na tubig na kung saan puwede magkasya ang isang tao.

Ang nakakuha ng aking atensyon ay ang isang malaking makina na inaasikaso ng maraming taong naka suot ng lab coat. Doon pumasok sa aking isipan ang na envision ko kay Judelyn na makina. Huwag mong sabihin na ito ang nakita ko!

Dead CovetWhere stories live. Discover now