Chapter 07: Reunited

6 3 0
                                    

Kitang-kita ko ang makina na tinutukoy ni Judelyn at sigurado na akong grupo ng Deznum ang nagtratrabaho dito sa loob ng Mediotech Company. Dahan-dahan kong linabas ang aking cellphone para kunin ito ng litrato pero madaming cctv ang nasa paligid. Kung kaya't sinigurado ko na walang nakatingin at nasa ibang posisyon ang mga cctv para kunin ito ng litrato at doon ako nakakuha ng litrato.

"Ma'am Blaire pasensya na po pero kailangan niyo na daw umalis dahil marami pong gagawin ang mga workers dito sa loob. We will have our meeting kasi this upcoming hour," sambit ni Eunna.

Nagpaalam ako at lumabas agad ng building at pumunta sa kinaroroonan ni Oliver. Agad niya akong sinalubong at tinanong kung ano ang nangyari sa loob kung bakit ako natagalan.

"Umalis muna tayo dito Oliver sa bahay natin pag-usapan," sambit ko.

"Ano ba nangyari ba sa loob Emilia?"

Sinabi ko sa kanya na paandarin niya agad ang sasakyan dahil baka matukalasan nila na nagsinungaling lang ako. Agad namang inandar ni Oliver ang sasakyan at dali-dali kaming lumsyo sa lugar na 'yon.

*****

Pagdating namin sa bahay agad tinanong ni Oliver ang mga nangyari sa loob. Kung saan sinabi ko sa kanya ang nga natuklasan ko, lalo na ang makina na nakita ko sa loob ng isang at doon ako nakakasigurado na ako na sila ang grupo ng Deznum. Pero ang pinagtataka ko parin ay kung bakit hindi nila mahanap ang kinaroroonan ni Judelyn.

"Oliver tulungan mokong hanapin si Judelyn, bago mahanap ng grupo ng Deznum!"

"Paano naman ang trabaho mo sa resto? Ilang araw na hindi ka pumasok," sambit niya.

Oo nga pala kakaisip sa mga nangyayari ay hindi ko naasikaso ang aking trabaho. Nagmakaawa ako kay Oliver na sabihin kay Ma'am Sarah na hindi muna ako babalik sa resto ng ilang araw.

"Paano kung hindi papayag si Ma'am Sarah?"

"Saka ko nalang siya kausapin sa ibang araw. Hanapin natin muna si Judelyn," sagot ko.

Habang nag-iisip ako ng susunod kong gagawin ay biglaang nag-ingay ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa.

"May tumatawag? Unknown number?"

Sinagot ang tawag at hindi kong inaakala na,

"Emilia! Si Judelyn 'to!"

"Judelyn? Saan ka?"

"Tulungan mo ako! Nandito sila!"

"Sinong sila?"

"Ang grupo ng Deznum!"

Agad kong tinanong kung saan siya at sinabi niya na nasa ilalim siya ng tulay na nagtatago. Doon ko nalaman na ang lugar na kinaroroonan niya ay yung lugar na sinabi ko kay Eunna. Paano napadpad talaga si Judelyn doon? Imbento ko naman na nakita ko siya sa tulay bakit ganon?

Sinabi ko kay Oliver ang sitwasyon at agad kaming nagtungo sa tulay na kinaroroonan ni Judelyn at pinagdadasal ko na hindi siya nahanap ng mga 'yon.

*****

Malapit na kami sa tulay at natatanaw ko ang mga sasakyan na itim na nakapaligid dito. Sinabi ko kay Oliver na huwag muna siya lalapit baka mahalata kami. Hinihintay namin na umalis sila ngunit may isa pang isang itim na sasakyan ang dumating.

Pagbukas ng pintuan nito sa driver's seat ay nakita ko kung sino ang lumabas dito.

"Eunna?"

"Yan ba ang kinausap mo Emilia?" Tanong ni Oliver.

"Pumunta talaga sila dito," sambit ko.

Tinawagan ko ulit si Judelyn pero hindi na sumasagot. Hanggang sa may biglang nagpakita sa harap ng sasakyan at walang iba kundi si Judelyn. Agad akong lumabas at isinakay siya sa loob at sinabi ko kay Oliver na umalis kami agad bago mapansin nina Eunna.

"Ayos ka lang po ate Judelyn?"

"Maayos naman ako pero unti-unti nang nanghihina ang aking katawan," sambit niya.

Napansin ko na lalo siyang naging matanda kesa sa unang araw na nagkita kami. Mas naging kulubot ang kanyang mga balat sa mukha.

"Dalhin ba natin siya sa ospital?" Sambit ni Oliver.

Tumutol naman si Judelyn dito at sinabing huwag siyang dadalhin sa ospital dahil baka matunton pa siya ng grupo.

"Marami silang koneksyon kaya wala ring magagawa kapag nasa ospital tayo," sambit niya.

Habang papunta pa kami palang sa  bahay ay agad kung tinanong kung papano hindi nila natunton agad ang kinaroroonan niya at doon niya sinabing nakagawa siya ng paraan para mag malfunction ang tracker sa loob ng kanyang katawan sa pamamagitan ng pag gamit ng electric taser sa kanyang katawan.

"Bakit mo po 'yon ginawa lalo na at ganyan ang sitwasyon mo," sambit ko sa kanya.

Sinabi niya sa aming dalawa ni Oliver na magiging ayos naman ang sitwasyon niya pero para sa aming mata ni Oliver ay alam naming hindi maganda ang kanyang kalagayan.

*****

Pagdating namin sa bahay ay agad akong kumuha ng tubig at binigay kay ate Judelyn. Doon ko din sinabi sa kanya ang lahat ng natuklasan ko sa loob ng Mediotech Company. Nagpaumanhin ako dahil hindi ko inaakala na ang imbento kong lugar kung saan siya matatagpuan ay ang totoong kinaroroonan niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay kumatok sa pintuan kung saan nagsimulang kabahan baka nasundan kami ng grupo nina Eunna. Sinabi ko kay Oliver na itago niya si Judelyn sa isang kwarto bago ko buksan ang pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at doon ko nakita ang pamilyar na pagmumukha.

"Emilia!"

"Ma'am Sarah? Ano pong ginagawa ninyo dito?"

Hindi ko inaakala na bibisita si Ma'am Sarah ng hindi niya pinapaalam sa akin. Agad namang nawala ang akin kaba at doon ko tinawag sina Oliver tas Judelyn na si Ma'am Sarah ang dumating.

Lumabas ang dalawa galing sa kwarto at agad itong binigyang pansin ni Ma'am Sarah,

"Oliver is that you? And sino yang matandang yan?"

"Ma'am Lola ko po," sagot ko.

"Akala ko mag-isa kang naninirahan dito sa bahay ng yumaong lola mo Emilia?"

Agad akong kinabahan dahi alam ni Ma'am Sarah ang profile background ko sa resume na binigay ko sa kanya nung nag-apply ako sa resto niya. Wala na akong magagawang palusot pero ayaw kong sabihin din kay Ma'am Sarah ang mga nangyayari dahil gusto ko lang na kami muna ni Oliver ang nakakaalam.

Sinubukan kong ilayo ang usapan at tinanong nalang sa kanya kung bakit siya napadaan sa bahay.

"Nais kita kasing kamustahin since it's been days na hindi ka pumapasok sa work, even the employees doon hinahanap kana at napag chichismisan ako na you're my favorite employee dahil tuloy-tuloy na you're having a break. I just want to know kung what's bothering you dahil wala ka ng ilang araw."

Agad akong humingi ng paumanhin sa kanya at sinabing babalik ako sa trabaho sa susunod na linggo. Pilit akong humingi ng pakiusap na huwag muna ako tanggalin sa trabaho dahil may aasikasuhin pa ako at 'yon ay ang sitwasyon ni Judelyn.

Doon pumasok sa isipan ko kung may kakilala si Ma'am Sarah na private nurse na pwedeng tumingin sa kalagayan ni Judelyn at doon niya sinabing,

"Of course marami akong kakilala."

Nanghingi ako ng pabor kung pwedeng maghanap siya ng isang titingin kay Judelyn kapag wala ako sa bahay at agad naman siyang pumayag sa sinabi ko.

"Ma'am Sarah! Maraming salamat po! Sa lahat!"

"It's ok basta nasa maayos kang kalagayan and also to you Oliver thank you for checking on Emilia," sambit niya.

"Walang anuman po Ma'am," sagot ni Oliver.

Dead CovetWhere stories live. Discover now