Chapter 40: The Doctor

5 2 0
                                    

Agad naming isinugod sa ospital si EJ na kung saan muntikan pa daw dead on arrival kapag hindi namin siya naisugod ng maaga.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil may pag-asa pa siyang mabuhay.

Doon nila tinanong sa akin kung ano ang nangyari, at doon ko binanggit sa kanila ang mga hinala ko lalo na sa lalaki na kinaharap ni Oliver.

"So he has also an ability? But what kind?"

"Hindi ko alam pero may pagkapareho sila ni Michelle pagdating sa ilusyon. Ayon sa lalaking 'yon ay may kakayahan din siyang gumawa ng ilusyon ng sarili niya na kung saan totoong-totoo daw ito sa paningin ng lahat," sagot ko.

"It's like a duplication of himself," sambit ni Aiden.

May punto nga siya parang duplikasyon ang kayang gawin ng lalaking 'yon. Sa tulong ng kanyang mga mata ay panigurado akong hindi lang 'yon ang kakayahan niya.

"Tanungin natin si Alicia tungkol sa lalaking 'yon," sambit ni Sarah.

Sumang-ayon naman ako kay Sarah, na kailangang makausap namin ulit si Alicia. Kung kaya't tinawagan namin siya gamit ang phone ni  Sarah.

"Alam ko ang nangyari," agad na sinabi ni Alicia.

"Andiyan ba sila?"

"Yes, kanina pa. Agad silang dumiretso sa opisina ni Mr. Red," sagot niya.

"Any sights of Michael's body?"

"Hindi, pero iisa lang ang alam ko," sagot niya pero may halong lungkot ang tono ng kanyang boses.

Tinanong ko kung ano at doon niya sinabi na marahil ang ginawa nila kay Michael ay ang ginawa nila noon kay Judelyn. Ang i-extract ang enerhiya ng katawan ni Michael para mabawi ang nailagay na prototype serum sa katawan niya.

"Inay! Huwag kang papayag na ganon lang ang gagawin nila kay bunso!" Agad na sigaw ni Michelle.

"Alam ko, kaya kailangang makita niyo ang pinapahanap ko sa inyo," sagot niya.

Agad kong tinanong kung paano at ang isinagot niya ay kusa daw ang taong 'yon ang lalapit sa amin at makikipag-usap. Hindi niya daw pwedeng sabihin kung sino at saan dahil baka daw may makarinig o kaya para daw mas misteryoso at maingat.

Lumapit ang isang nurse sa amin at tinanong kami kung ano ang nangyari. Sinabi ko na nabaril siya ng mga masasamang tao na kung saan hindi namin kilala dahil biglaan lang sila na umalis.

Doon ay si Sarah na ang nakipag-usap sa nurse habang lumabas ako at magpahangin ulit. Pero pumasok sa aking isipan kung sino ang bumaril kay EJ sa mga oras na 'yon. Hindi ko naman nakita na itinutok ng lalaking 'yon ang baril niya sa kanya.

Oo nga pala, marahil ilusyon ang lalaking kinausap din ni EJ na kung saan ang bumaril sa kanya ay ang totoong version ng lalaking 'yon.

*****

Hindi ko aakalain na ganon ang mangyayari sa araw na 'to. Pero ang tanong, bakit kailangang igapos kami ni EJ? Sino ba ang nais na makita kami? Kung hindi ang Deznum o si Mr. Red, ay sino? Bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng 'yon?

Halos andami kong tanong tungkol sa ginawa niya kaya umaasa akong magigising siya para matanong ko siya.

Maya lang ay lumabas si Sarah at tinawag ako.

"Si EJ," sambit niya.

"Bakit? Anong nangyari? Gising na ba siya?"

Dead CovetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon