Chapter 2

10 4 0
                                    

(Nairaos namin ang reporting ngayon kaya nakahinga kami ng maluwag napag-usapan namin na mag celebrate kahit papaano buti pumayag si Ford ng kausapin siya ni Zimri, may nakita kaming bagong bukas na kainan kaya doon kami kakain ngayon, ewan ko paano nalaman ni alexa ang lugar na ito. halos 20 minutes din ang byahe mula academy hanggang dito, Chicken Lollipop ang pinaka special food nila kaya triny namin ito)

Wow ang ganda ng place nakaka relax ang arrangements, yayayain ko nga minsan si Dan dito (namamanghang sambit ni Alexa na pinagmamasdan ang paligid. sinerve na din ang mga order namin meron din sila Special Nachos and Milktea and coffee at ibat ibang mga meryenda and snacks pero meron din silang lunch meal)

Hoy Bellinda mag-salita ka jan baka naman nagtatago kana ng pagkain na itatake out mo ha (natawa na lang ako sa kaingayan ni Alexa inirapan naman siya ni Bellinda)

Por pabor hoy Zimri dito ka nga talagang itinabi niyo pa ako sa dalawang tahimik na toh (tumayo ito kaya walang nagawa si zimri kundi makipag palitan ng pwesto kay Alexa napaggitnaan siya ni Bellinda at Ford. kaya katabi ko na ngayon si Alexa)

Kumain ka na nga lang napaka daldal mo (sita sa kanya ni Belle)

Hindi ako madaldal, tahimik ka lang talaga, diba Zimri (pagtataray naman ni Alexa natawa lang si Zimri sa kanya)

Manahimik kana jan at kumain nakakahiya ka masyado. pinagtitinginan na tayo dito (ako na ang sumaway sa kanya at doon niya lang napansin na may mga nakatingin sa amin)

Masyado lang tayong maganda at may kasama kasi tayong mga papapogs kaya sila nakatingin (confident niyang sambit. napailing na lang kami at hindi na siya pinansin)

Nga pala Ford malapit lang ba sa Academy ang bahay niyo? (nakuha ni Alexa ang attention namin transfer student nga pala siya kaya hindi namin siya masyadong kilala)

Hmm, Anderson Hotel (maiksi niyang sagot nagulat kami dahil doon din ang hotel kung saan nakatira si Brent)

Wow what a Coincidence,doon din ang condo ni Brent boyfriend ni Deighn sa 12 floor siya room 127 ikaw? (si alexa ulit, bumuntong hininga siya na para bang tamad na tamad huminto siya sa pagkain at tumingin sa amin bago muling bumuga ng malamin)

My Family is the Owner of the Hotel i have Penthouse there. (yun na ata ang pinaka mahaba niyang sinabi pero halos nagulat kami lahat dahil pamilya niya ang may ari ng hotel)

Wow Anderson ka pala Bro, kilala ang Anderson sa business industry, even my family knows your family (namamanghang sambit ni Zimri)

Agree even Dad kaya nga tuwang tuwa si Dad ng mag invest sila sa company ni Dad (sabat naman ni Alexa)

At ang sabi ni Dad mas kilala ang Anderson sa Florida maraming malalaking Companies ang itinayo ang family niyo at lahat yun ay kilala at naging successful at ang isa sa hinangan nila Dad ang orphanage na pinatayo nila dito sa lugar natin at sa Cebu alam ko meron din sa Cavite, Palawan at sa Laguna malaking tulong yun sa mga bata (Pagkwekwento ni Alexa na kinamangha talaga namin grabe bigatin naman pala ang isang ito)

Wow, bakit ang dami mong alam patungkol sa Anderson? (patungkol ni Zimri)

Duh, hindi lang anderson ang alam ko, businesses ad ako kaya ngayon pa lang dapat maalam ako sa ganyan dapat more connection sa mga people (sagot ni Alexa yeah totoo yan, yapak ng daddy niya ang gusto niyang tularan na maging magaling pagdating sa business even though.. hays never mind)

My Brightest NightWhere stories live. Discover now