Chapter 4

12 4 0
                                    

Warning: Something minor violent happens in this chapter.

(lumipas ang araw, linggo na ngayon at kasama ko pa din sila Bellinda at Alexa napag desisyunan namin na magsimba muna bago harapin si Brent, hindi man lang siya nag text o tumawag sa akin nung Friday even kahapon hindi man lang niya naisip na kausapin ako,nag grab kami papuntang Anderson Hotel hindi ko na siya tinext dahil sanay naman siya na bigla bigla akong pumupunta sa condo niya,naramdaman ko ang paghawak ni alexa sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti sa akin)

Please don't hurt yourself. do what is best for you. (mahinahon niyang sambit hindi ko na siya sinagot ewan ko pero grabe ang kaba ko ngayon, nang makarating kami sa hotel agad kaming dumaretso sa elevator kilala din naman ako dito ng staff dahil lagi nila akong nakikita kasama si brent, dumaretso kami sa condo ni brent sobrang lamig ng mga kamay ko at ramdam ko ang panginginig ng mga ito. nasa tapat na kami ng condo)

Are you ok? pwede namang bumalik na lang tayo (nag-aalalang sabi ni Alexa,umiling ako)

Gusto ko siyang makausap ngayon (pagpipilit ko sa kanila)

Then Go open the door and go inside.we're here for you. (kalmado na sambit ni Bellinda, agad kong pinindot ang passcode niya kaya bumukas ito,ilang beses pa akong huminga ng malalim bago binuksan ang pinto medyo makalat puro bote ng alak ang nakakalat sa sahig at wala si Brent)

Baka tulog pa siya puntahan mo sa kwarto antayin ka namin dito, call us if you need us (sambit ni alexa kaya tumango ako kahit nanghihina at kinakabahan pilit kong pinapakalma ang sarili ko ng buksan ko ang pinto ng kwarto pumasok ako tiningnan ko ang paligid medyo magulo at may mga nakakalat na mga damit para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko,I saw him sleeping with a girl and they are both naked, at ang mas lalong nagpasakit sa akin ay ang kasama niya Siya si Samantha ang kababata ni Brent, naramdaman ko ang pagsunod nila Bellinda at Alexa at gaya ko pareho silang nagulat at namutla sa nakita)

BRENNTT!! (Sigaw ni Alexa na galit na galit na siyang dahilan para magising yung dalawa halata sa kanya ang gulat napatingin si Samantha sa kasama ko)

Kayo na naman anong ginagawa niyo dito? (irita na sambit ni Samantha habang ang kumot ay nakapaikot sa katawan niya)

Siya yung babaeng kasama ni Brent nung friday (mahinang sambit ni Bellinda na nag echo sa tenga ako, napatingin sa akin si Brent na hindi alam ang gagawin, nagulat din si Samantha ng makita ako namutla ito at halatang kinakabahan muntik na akong matumba buti na lang nakaalalay sa akin si Bellinda)

Min let me explain (agad niyang pinaikot ang kumot sa bewang niya at tumayo ng akmang lalapit sa akin)

POR PABOR BRENT ANO PANG IEEXPLAIN MO NAKITA KA NAMIN NA NAKAHUBAD KASAMA ANG HIGAD HINDI NAMAN KAMI TANGA PARA HINDI MALAMAN KUNG ANONG KABABUYAN ANG GINAWA NINYO! (Ramdam ko ang galit ni Alexa pero diko siya magawang pigilan sobra akong nanghihina, nanginginig ang aking mga tuhod)

AT IKAW NA HIGAD KA HINDI KA TALAGA NAKAINTINDI NUNG FRIDAY MAY GIRLFRIEND YANG LALAKING YAN (nagulat na lang kami ng biglang sunugod ni Alexa si Sam at sinabunutan hindi naman makapalag si sam dahil hawak nito ang kumot na nakapalibot sa kanyang katawan)

BITAWAN MO AKO NASASAKTAN AKO! (Sigaw ni Samantha)

MASASAKTAN KA TALAGA SA AKIN HIGAD KA! (Patuloy sa pagsabunot si Alexa, nilapitan na siya ni Bellinda para pigilan dahil nagwawala na si Alexa, lalapitan sana ako ni brent pero agad akong umatras,huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ,tiningnan ko siya direct sa mata niya pilit kong pinipigilan ang umiyak sa harapan niya)

My Brightest NightWhere stories live. Discover now