017

447 21 0
                                    


"Is it rue, Gaiyal?" Eyroh asked me, he looked annoyed. Inis na agad s'ya sa'kin wala pa nga akong ginagawa.

"Señorito, h-hindi po totoo y-yun—"

"I'm not taking to you!"

"Don't shout at her." I calmly ordered Eyroh. He scoffed. "Ano bang ganagawa n'yo dito?!" Tanong nito.

Napatingin naman ako sa mga dala namin ni Lira, bago muling tumingin sa binata. "I'm... well... shopping? I guess?" Sagot ko. Isn't obvious? "Don't you see it?" Dagdag ko pa. Hindi s'ya nakasagot.

"Do you know this lil b*tch, babe?!" Galit na biglang tanong ng babaeng kasama n'ya. Kita ko namang natigilan si Eyroh.

Hmm, they don't know me? I mean, Gaiyal? Kung ganon di pala famous itong si Gaiyal.

I looked at Lira and held her. "Let's go now, Lira." Paulit ulit lang itong tumango saka sinimulan na maglakad. Umalis na kami doon, at salamat naman at hindi na uli kami pinigilan.


"Alam mo kahit saan ka talaga magpunta, gulo lang dala mo eh, ano?!" Gusto ko nang umirap dahil sa bungad sa'kin ni Eyroh dito sa bahay.

Pagdating ko dito sa bahay, pinatawag ako ni Buhuer sa sala, para lang hayaan akong mapagsabihan ni Eyroh sa harapan nila. Nandito ngayon si Buhuer, Franque, Dhireo, at Eyroh.

Laki ng problema ng mga ito sa buhay. I sighed.

"Alam mo bang nagaway kami ng girlfriend ko dahil sa'yo?!"

Hindi ko alam.

"Alam mo bang that's supposed to be our first date!?"

'Alam mo ba? Alam mo ba?' Paulit ulit na tanong. Tsk. Hindi ko nga alam. Ang kulit eh.

"Alam mo ba kung gaano s'ya ka-frustrated sa'yo?!"

"Wala akong pakialam." Hindi ko nga alam yan eh, papakiaalaman ko pa ba. Napatingin ako sa sakanila ng hindi na muli magsalita si Eyroh. Nanlalaki ang mga mata ni Franque sa gulat, nakakunot ang noo ni Buhuer, seryosong tingin mula kay Dhireo, at galit na tingin mula kay Eyroh.

'Oh, sh*t! Did I said it too loud?! Akala ko sa isip ko lang yun sinabi?'

HiyalWhere stories live. Discover now