C H A P T E R N I N E

14 0 0
                                    

Staying Away;Distance•

DAGE BLINKED as he stare at his reflection on the mirror. Kagabi ay napanaginipan niya si Red na kayakap daw niya at masaya sila habang nanonood sa mga adopted children nila.

Kaya naman ngayon ay halos patayin niya na ang sarili mawala lang ang senaryo sa panaginip niya sa isipan niya.

“Why did I even dream about that?!” pagalit na sigaw niya.

Kumatok si James na nangungunot ang noo matapos makarinig ng ingay.

“Okay ka lang ba diyan sa loob, best friend? Dinatnan ka na ba?” tanong nito na magkakasunod.

Sasagutin niya na sana ito sa unang tanong ngunit nang marinig ang biro nito sa ikalawang tanong ay hindi na niya inabala ang sarili na sagutin ito dahil mas naalala niya lamang ang nilalaman ng panaginip.

“Didistansya na ako sa iyong mokong ka,” ngisi na ani Dage.

Halata niya naman kasing homophobic si Red kaya kung may ibig sabihin ang panaginip niya ay natatakot na agad si Dage sa kalalagyan niya at ng puso niya sa kinabukasan.

Alam niya din naman na impossible na mabuntis siya dahil lalaki siya.

Nang makapaglinis na siya ng sarili ay lumabas na siya ng banyo. Agad namang sumalubong si James, “Ayos ka lang ba?”

Halata ang pag-aalala sa mga mata ng kaibigan.

Tinapik niya ang balikat nito, “Oo, kaya ko ito,” ani Dage na tila ba sinalo niya ng sapilitan lahat ng problema at kamalasan ng mundo.

Nagtataka man na may halong pag-aalala, wala namang masabi si James dahil wala itong ideya sa kung ano ang dahilan niya para umakto ng katulad sa ngayon.

Pumasok na lamang ito ng banyo at kamot ulong sinara ang pinto.

Napapailing siya na tumitig sa laptop matapos makapagbihis, “Halika nga dito,” ani Dage at lumapit sa laptop.

Agad siyang nagtipa.

Mpreg cases.

Ang mga lumabas ay halos mga fictional bl stories lamang na may Mpreg na genre.

Ang cases na nakita niya ay dadalawa lamang at mukhang fake news pa.

Napailing na lamang siya at tumayo.

“Kalma ka lang, Dage, binabaliw ka lang ng panaginip mo. Walang ibig sabihin iyon o kung ano man na konektado sa buhay mo,” ani Dage sa sarili.


Tumingin siya sa TV at nakitang laban ni Red ang palabas, paniguradong iyon ang umeere ngayon sa halos lahat ng channel sa TV na ikinangiwi niya.

Inis na pinatay niya ang TV at binuksan ang cellphone niya at nag-search ng BL Series Recommendations na office romance. Nang makapili na siya ay pinanood niya na.

Pinili niya ang A Boss and A Babe na bl series.

Natutuwa na siya sa pinapanood ng magkaroon ng ads na ikinairita niya. At ang mas ikinainis niya pa ay na si Red ang nasa advertisement.

“Di mo talaga ako lulubayan, no?” inis niyang reklamo at atat na ini-skip ang ads matapos ng 15 seconds.

Hawak niya ang labi na napangiti, “Nakilala niya!”

Bakas ang tuwa at kilig sa boses niya na rinig na rinig sa buong kwarto.

Lumapit si Red na nagpupunas ng buhok niya, “Sinong nakilala?” tanong nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Sister's Boyfriend Is A Big Red FlagWhere stories live. Discover now