CHAPTER 4- Escape Failed ✅

55 2 0
                                    

Chapter 4
Escape Failed




TANIYA ARIS POVV

Bigla akong nagising nang may marinig akong nabasag sa may kusina. Madaling araw na pero bakit may gising pa din sa mansion?. Si Dominorio kaya? Pero ang alam ko bukas pa ang uwi nun galing ibang bansa.

Baka multo?

O

Magnanakaw?

Dahan dahan akong bumaba sa higaan ko at maingat na bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina kung saan nagmula ang ingay kanina. Kahit kinakabahan ay kinuha ko ang isang walis tambo para maging mapalo ko kung sakaling magnanakaw nga iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid hindi ko masyadong makita dahil nakasarado ang mga ilaw mabuti nalang at bilog ang buwan ito ang nagsisilbing liwanag sa loob.

Nagmakalapit na ako ay tinaas ko ang kamay ko ay malakas itong hinampas sa nakatalikod na lalaki. Nakapikit ang mga mata ko kaya hindi ko nakita ang mukha ng magnanakaw na iyon.

" Ouch. Ano ba? Babae pwede bang itigil mo yan. Para kang sira baka masira ang mga gamit dito sa kusina kung saan saan mo pinapalo ang walis tampo" mariing sabi nito.

Aba't ang lakas din ng loob ng magnanakaw na turuan ako kung anong dapat kung gawin kaya hindi ako tumigil sa paghampas sa kanya.

" Aba't ang lakas din ng loob mong magnanakaw ka ah. Itong bagay sayo purket wala dito si Dominorio ay magnanakaw kana" lakas loob kung sagot sa kanya.

Naramdaman ko naman na lumapit ito sa pwesto ko kaya umatras ako pero agad niyang nahawakan ang braso ko.

" Ahhh bitawan mo ako. Sisigaw ako dito at makikita mo ang hinahanap mo magnanakaw ka" sigaw ko.

" Your so funny Taniya Aris go sumigaw ka. Para malaman nila na sinasaktan mo ang amo mo" nakangisi niyang sagot kaya agad akung napamulat nang makilala ko kung sino iyon.

Dominorio?

" D-Dominorio?. Ikaw nga hehe pasensiya na akala ko kase magnanakaw" kinakabahang sagot ko sabay binitawan ang walis tampo.

" Mukha ba akung magnanakaw? At isa pa iba na ang mga tao ngayon nananakit na ng amo nila" nakangisi nitong sagot.

" Sorry po Dominorio. May kailangan kaba ipaghanda kita" lakas loob kung tanong para mabawasan ang kahihiyang nagawa ko kanina.

" Wag na sa mga hampas mo palang busog na ako. And one more thing bagay saiyo ang hawak mo kaninang walis tampo para kang isang malakas na babae. Sana ganyan ka din pag may totoong kalaban na dito sa mansion " natatawa nitong sabi sabay tumalikod na at pumasok sa kwarto niya.

Ngayon ko pang napansin na madalas ng tumatawa si Dominorio.

Ako siguro ang happy pill niya haha char.

Dahil sa kahihiyan na naramdaman ko patakbo akung pumasok sa loob ng kwarto ko at nagtalukbong ng kumot.

Sh*t napagkamalan ko pa siyang magnanakaw nakakahiya. Bakit naman kase subrang dilim ng pwesto niya kanina. Naiinis kung kinurot ang pisnge ko dahil sa inis.

Dahil sa nangyari ay hindi ako makatulog kaya napagpasyahan ko na tumayo at binuksan ang nag-iisang bintana ng kwarto ko. Pagbukas ko palang ay agad ng sumalubong sakin ang nakapalamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Saang gubat kaya kami? nasabi ko nalang sa sarili ko pagkatapos tumingin sa buong paligid.

Ang tataas pa ng mga puno, naririnig ko din ang agus ng ilog malamang ay malapit lang iyon dito. Lumapit pa ako ay bintana at tumingin sa ibaba nun.

"Subrang taas pala nito. Pero susubunkan ko lang naman makatakas hindi ko alam baka may masamang balak sakin si Dominorio kaya hanggat maaga pa makaalis na ako dito" desidido kong wika.

Humawak na ako sa may gilid at hakbang itatas kona ang paa ko ng biglang...

"WHAT THE F*CK IS YOUR DOING BABAE? BALAK MONG TUMAKAS? TINGNAN MO MABUBUHAY KA IF EVER TUMALON KA DYAN?" sa subrang gulat ko ay hindi sinasadyang nadulas ang paa ko dahilan para maout-balance at malaglag sa mataas na gusaling iyon.

Mamatay naba ako? Hindi naba ako makakapagtapos ng pag-aaral ko? Isang taon nalang eh. Lord wag naman ngayon! Kawawa naman ako.

" AHHHHHH TULONG ... DOMINORIO HELP M--ME" malakas na sigaw ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko at ang hangin sa paligid.

" TSK ST*PID. DON'T SHOUT ANG SAKIT SA TENGA NG SIGAW MO" malakas niyang sabi kaya mabilis kung minulat ang mata ko.

Sinalo niya pala ako like a bridal style. Dahil sa subrang takot ko ay mas napakapit ako sa leeg niya at malakas na umiyak sa dibdib niyo. Hindi naman ito nagreklamo at hinayaan lang akong umiyak sa harapan niya.

"Gusto ko ng umuwi Dominorio" halos pabulong kung sabi sapat lang para marinig niya. Umiiyak akung tumingin sa kanya nagbabakasakali na pumayag siya. Namimiss kona sila sister at ang mga bata, gusto kung malaman kung maayos ba silang lahat. At ang pag-aaral ko gusto kung makabalik para matapos iyon. Ang trabaho ko, pano na iyon kung mandito ako aa puder niya?

"Hindi pwede" tipid niyang sagot at bigla akung binitawan kaya napahawak ako sa masakit kung likod at pwet. Masama ko naman siyang tiningnan dahil sa ginawa niya.

" Ang sakit nun ah. Bakit mo ako binitawan?" naiinis kung tanong.

" Tsk. Tumayo kana jan at bumalik na sa loob. Don't you ever do that again dahil next time na gawin mopa iyon. Seguradong malamig na katawan mona ang susunod mong pupuntahan. Maliwanag ba?" sagot nito sabay mabilis na tumalikod sakin at naglakad pabalik ng mansion.

Tumingin ako sa paligid puro puno lang ang nakikita ko. Ang bilog na buwan ang nagsilbing ilaw ko kaya malaya kung nakikita ang buong paligid. Tumingin ulit ako sa kanya na medyo malayo na sa pwesto ko kaya kahit masakit ang likod ko ay tumalikod ako sa kanya at sinimulang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

San ba ang labasan nito? Please wag naman sanang humarang ang mga kung anong nilalang sa daan. Bakit ba kase bilog pa ang buwan ko naisip na tumakas. Pagalit na sabi ko sa sarili ko

Habang tumatakbo ay hindi ko sinasadyang naapakan ang isang malaking bato na naging dahilan para pagpagulong gulong ako pababa ng gubat at mahulog malapit sa may ilog. Nahihirapan akung tumayo dumagdag pa na tumama ang paa ko sa puno kanina habang gumugulong ako kaya nasugatan at ngayon dumugo ito.

Handa na sana akung lumangoy ng mag brasong pumigil sakin.

"Ahhhh ano ba? Bitawan mo ako" naiiyak kung sabi dito. Dumilim naman ang mukha nito habang tumitingin sakin at sa paa kung may dugo.

"Do you think makakatakas kapa if your blood smell the other vampire. Let me tatangalin ko ang dugo para hindi maamoy ng ibang bampira. Bilog ang buwan ngayon madaming ligaw na mga lobo at bambira sa paligid" mahinang sagot niya sakin. Dahil sa takot ay hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin at inangat ang duguan kung paa. Napapikit nalang ako ng dumampi ang labi niya sa paa ko. Masakit pero agad din nawawala ng sipsipin niya ang dugo nagulat pa ako ng biglang nawala ang ugat ko.

Gumaling agad ang sugat ko? Nalilitong tanong ko sa sarili ko.



Itutuloy...

VAMPIRE KING'S OBSESSION Where stories live. Discover now