CHAPTER 7 - Jealous Vampire ✅

79 3 1
                                    

CHAPTER 7
Jealous Vampire 

TANIYA ARIS POV:

“Anong gusto mo pagkain?” nakakunot noong tanong sa akin ni Dominorio habang nasa pila kami.

“Ah spaghetti nalang po sakin,” maikling sagot ko. Namimiss ko na din kasi ang luto ni sister palaging ganun ang inihahanda niyang snacks sa amin sa tuwing pupunta ako sa ampunan pagkatapos ng klase ko o kaya naman tuwing holiday's dahil wala akong pasok.

“Okay maghanap kana ng mauupuan natin.” maikling sabi nito kaya tumalikod na ako at nagsimulang maghanap ng mauupuan. Mabuti nalang at may nakita agad ako. Malapit sa bintana ang pwesto nahanap ko nakatingin ako sa labas kaya hindi ko napansin ang lalaking nakatitig sakin.

Paglingon ko at seryosong mukha ni Dominorio ang nakita ko. 

“B-bakit may dumi ba ako sa mukha?” nagtatakang tanong ko dito. Umiling lang ito at nagsimulang ayusin ang mga pagkain na in-order niya. 

“Ang dami naman ng in-order mo? Kakain ka din ba? Akala k-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng isubo niya sa bibig ko ang hawak niyang pizza.

“Ang daldal naman Babae.” nakangising sabi nito at sinumulang kainin ang kalahati ng sinubo niya sakin napansin ko din na pati daliri niyang dumikit sa labi ko ay isinubo niya rin.

“Akala ko ba hindi ka kumakain?” nagtatakang tanong ko.

“Well, nagbago na ang isip ko gusto ko ng kumain para may kasama ka,” maikling sagot nito. Hindi nalang ako nagtanong pa at sinumulang kainin ang mga pagkain na binili niya. Halos lahat ay mga mabuti ko meroong pizza, burger, spaghetti, pancit bihon, cupcake and coke. 

Ang galing naman niyang manghula!

Halos fifteenth minutes din ang snack time kaya mabilisang kain lang talaga ang nangyari pero halos maubos namin ang mga ito.

“Are you full already?” maya mayang tanong niya sabay punas sa labi niya. Napatingin naman ako dun, subrang pula kase nito akala ko ay naka lipstick.

Nilunok ko mona ang pagkain na nasa bibig ko bago nagsalita. “Oo, subrang busog nga ako eh. Salamat” nakangiting sagot ko sa kanya. 

Napansin ko naman na umiwas lang ito ng tingin sakin bago tumayo. Sumunod naman ako dito dahil tapos na din ang oras ng snack kailangan na naming bumalik sa loob.

Magkaklase kaming dalawa ni Dominorio, magkatabi din kami ng upuan dahil ang vacation seat na lang ay ang nasa dulong part. Ayos lang naman iyon sakin.

“Ah Ma'am pwede po bang lumabas? Cr lang po sana ako!” nahihiyang sabi ko sa professor namin. Tumingin naman ito sakin at tumango kaya dahan-dahan akong naglakad palabas ng room. 

Mabuti at walang pila sa cr kaya madali kong nalabas ang dapat ilabas kanina pa ako naiihi eh. (Oh baka ano naman iniisip niyo char)

Paglabas ko ay may humawak sa braso ko kaya mabilis akong napalingon at tiningnan kung sino iyon.

“Hi Miss sabi ko na ikaw yan eh. By the way I'm Bernard Marcos anong pangalan ko magandang binibini?” ngiting tanong nito sabay itinaas niya ang kamay niya para magpakilala.

“Hi po… Taniya Aris po ang pangalan ko ginoo.” natatawang sagot ko naman sa kanya. Hindi lang ako makapaniwala na sa mukha niyang mala-foreigner ay marunong siyang magsalita ng malalim na tagalog. At inabot ang kamay niya para makipag shake-hands.

“Bago ka lang ba dito binibini? Ngayon lang kita nakita. Ngayon ko lang nakita ang ganyan kagandang mukha.” nakangiting sabi niya pa.

“Sus…Bolero ka talaga Bernard. Sige balik na ako may klase pa eh.” paalam ko naman. 

“Sige binibini…Sa muling pagkikita.” nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko para halikan. Nagulat naman ako kaya mabilis kong inagaw ang kamay ko.

“Sorry hindi lang ako sanay na may humahawak sa akin.” paliwanag ko. Nakita ko naman na ngumiti ulit nito.

“Pasensya na binibini nagulat ata kita sa mga kilos ko.” paghingi nito ng pasensya sa akin.

“Ganyan kaba talaga magsalita ng tagalog?” nagtatakang tanong ko.

“Ah oo nasanay kase ako dahil sa grandparents ko. At sa pagbabasa ng mga historical books kaya ayon. Ganito ang naging resulta.” sabay kamot nito sa batok niya. 

“Ganun ba? Pero ang galing mo. May lahi ka?” tanong kopa.

“Yes… I'm pure Spanish.” proud nitong sagot. Ngumiti naman ako bago tumango sa kanya.

“Ahh.. Sige nice to meet you ginoo.” paalam ko at kumaway na muna bago naglakad pabalik ng classroom namin.

Pagbalik ko ay seryosong tingin agad ni Dominorio ang bumungad sakin. 

“Bakit parang papatay ka naman sa tingin mong iyan?” natatawang sabi ko pagkaupo ko sa tabi niyang upuan.

Lumapit pa ito sakin at inamoy ang kamay ko nakaraandam naman ako ng hiya ng mapansin kong halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa aming dalawa ni Dominorio.

“Amoy lalaki ka? Sinong walang hiya ang humalik sa pagmamay-ari ko?” Medyo malakas na itong pagkakasabi kaya natigilan pati ang professor namin na halos hindi nakatingin sa pwesto naming dalawa.

Sakto naman na tumunog ang bell para sa susunod na klase kaya mabilis na nagpaalam at nagsialisan ang mga tao sa loob. Ang next subject kase namin ay sa ibabang building, nasa second floor ang room namin kaya kailangan pa namin bumaba.

“A-anong bang sinasabi mo?” kahit natatakot sa itsura niya ay tinatagan ko ang loob ko.

“SINONG LALAKI ANG HUMALIK AT HUNAWAK SAYO!” malakas na sigaw nito at malakas na sinuntok ang pader malapit sa gilid ko kaya dahil sa takot ay napapikit ako.

“A-ano bang problema? N-natatakot na ako” hindi ko na kaya ang takot na nararamdaman ko kaya napaiyak nalang ako habang nakatingin sa dumudugo niyang kamay.

“Tsk… Humanda sakin ang lalaking humalik sayo!” nakita ko pang gigil na sabi nito sabay masamang tumingin sa labas ng pintuan. Kaya dahil sa takot ay mabilis ko siyang niyakap.

“P-please…S-sorry kung may nagawa akong masama kaya nagalit ka. Basta wag ka ng gumagawa ng masama Dominorio.” umiiyak kong sabi habang nakayakap sa bewang nito. Nakaupo kase ay samantalang siya ay nakatayo. Hinawakan nito ang mukha ko at dahan-dahang pinunasan ang mga pumatak na luha.

“Tsk fine…But next time na mangyari ito ay hindi ko na alam kung mapigilan mo pa ako Taniya Aris. Tandaan kong pagmamay-ari kita at walang sino man ang makakahadlang sa akin.” seryosong sabi nito. Tumingin ako sa kanya at mabilis na tumango.

Naging lutang ako ng bumaba kaming dalawa ni Dominorio para sa next class namin. Hindi pa din nawawala ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam bakit siya nagalit ng ganun sa akin. 

Hanggang sa nag-uwian na naglalakad na ako papasok ng dorm ng may biglang humila sa kamay ko. Natatakot naman akong napatingin sa taong may gawa nun.

“Shh…Its me Dominorio!” mahinang bulong nito at lumapit sa mukha ko.

“A-akala ko kung sino.” naiiyak kong sabi.

“Shh sorry kung natakot ka. Sorry din sa pagsigaw ko sayo kanina. Nagalit lang ako dahil may isang taong humawak sa pagmamay-ari ko.” paghingi nito ng pasensya sa akin.

Nagulat naman ako dahil ito ang unang pagkakataon na nag-sorry siya sakin. 

Ang isang Dominorio ay nag-sorry sa isang taong katulad ko.

“Nag-sorry ka sakin?” gulat na tanong ko nakita ko nalang na napailing ito.

“Tsk nevermind…Sige alis na ako.” namumulang sabi nito sabay tumalikod na at biglang naglaho sa paningin ko.

Itutuloy…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VAMPIRE KING'S OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon