CHAPTER 5- Human School ✅

46 2 0
                                    

CHAPTER 5
Human School

TANIYA ARIS POV:

"Kaya mo na bang maglakad?" tanong nito. Agad naman akung umiling sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang paghihina ng buong katawan ko. Dahil iyon sa pagkahulog ko kanina.

"Bakit mo ba ako kinuha? Hindi naman tayo magkakilala eh? Papatayin mo lang ba ako kaya pinadakip mo ako sa mga tauhan mo nung nasa bahay ampunan ako?" sunod sunod kung tanong sa kanya dahil subrang nalilito na ako hindi ko alam bakit niya ako kinuha.

"Masyado kang matanong Babae. Bubuhatin kita pero ayoko ng magtanong kapa dahil wala kang sagot na makukuha sakin" seryosong sabi nito.

Hindi pa kami nakakalayo sa ilog ay may anino akong nakita sa likod ng puno.

"D-Dominorio may tao ata sa likod ng punong iyon may nakita akong anino" natatakot kung sabi sa kanya. Tumingin naman ito sa paligid at nakita kong naging pula ang mata niya at parang may inaamoy sa paligid. Mabilis niya naman akong binuhat magsimulang magingay ang paligid dahil sa alulong sumabay pa ang malakas na hangin sa paligid.

"Kumapit kang mabuti sakin Babae" sabi nito habang tumitingin sa buong paligid agad naman akung kumapit sa kanya.

Subrang bilis ng pangyayari nakita ko nalang na nasugatan ang isang pambirang lalaki at duguang nakahandusay sa paanan niya.

"A-ano--" hindi kona natuloy ang itatanong ko ng may lumabas pang isang pambira sa likuran niya kaya napaluhod siya. Mabilis niya akong binaba sa isang puno at sinumulang labanan ang bampira.

"Kung sinuswerte ka nga naman ang Hari ng mga Bambira ay nandito kasama ang isang mortal"nakangisi nitong sabi sabay akbang lalapit na sakin ng biglang lumabas ang itim na dugo sa bibig nito.

Napatingin ako sa likuran kung saan nakita ko si Dominorio ang taong p*matay dito. Hinagis nito at nagiging abong puso ng bampira habang ang katawan nito ay naglalaho kasabay ng hangin.

Natatakot naman akong napatingin sa kanya. Baka ako na ang isunod niya?

"Tsk your so loud. Kung ano ano ang iniisip mo Babae. Lets go bago pa tayo maabutan ng ibang bampira dito" sabi niya at mabilis na nakalapit sakin at bunuhat ako. Napakapit naman ako sa leeg niya at dahil sa takot at pagod ay pinikit ko nalang ang nga mata ko.


💕💕💕

Kinabukasan nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko agad kung hinarang ang isang kamay ko at dahan dahang minulat ang mga mata ko.

Hindi na din masakit ang buong katawan ko. Bakit kaya? Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Agad kung napansin na naka pantalog na akong damit.

Sino nagpalit sakin? Baka sila Manang or si Ate tanging nasagot ko nalang sa sarili ko.

Napahaba ata ang tulog ko kagabi na parang walang nangyayaring pagtakas at muntik ko ng kamatayan . Double kill pa ata ang mangyayari eh. Like nahulog ako sa bintana tapos iyong sa bambira pa, nababaliw talaga ako pag naaalala ko ang pangyayaring iyon.

Tumayo ako mula sa higaan at nagpunta mona sa cr para maligo. Pagkatapos  ay napagpasyahan kung bumaba. Hindi naman ako ang amo dito kaya wala akung karapatan na maging buhay reyna kahit pa walang sinasabi si Dominorio sa kung ano ang papel ko dito sa mansion niya.

Mag apply kaya ako bilang katulong? Pandagdag ipon kona din if ever bibigyan niya akung sweldo. TAMA... TAMA I-SUGGEST KO KAYA IYON.

Tiningnan ko kung may tao sa sala pero wala kaya pumunta na ako sa kusina.

Gutom na ako. Anong kayang makakain dito? sabay hawak sa tiyan ko. Bigla akong napatingin sa mahabang lamesa kung saan kami kumain ni Dominorio.

Jollibee? parang batang tuwang tuwa at nagtatalon pang lumapit sa upuan at sinumulang kainin nakahandang pagkin. Hanggang naubos ko iyon.

"Hayyy ang sarap mo talaga Jollibee. The best ka" nakangiting sabi ko with thumbs up pa.

"Mabuti naman at nagising kana Hija" napalingon ako ng may taong nagsalita sa likod ko si Ate lang pala iyong tinulungan ko.

"Hehe opo nakahaba nga po tulog ko kagabi" nahihiyang sagot ko dito.

"Oh siya maiwan na kita dito hija at magdidilig pa ako ng halaman. Nakalimutan ko palang unahin iyon" napakamot sa ulong sabi nito. Bigla namang akong napatingin sa kanya.

"Ate ako nalang po ang gagawa. Gustong gusto ko po kase ang magdilig ng mga bulakbulak" masaya sabi ko. Mukhang nagdadalawang isip pa siya pero pumayag din naman.

"Oh sige kung iyan ang gusto mo. Kung may kailangan ka sa kusina lang ako ah" nakangiting sagot nito tumango nalang ako sa kanya. Agad naman na tumalikod si Ate at nagpunta na sa kusina.

Masayang naglakad ako sa may likod bahay kung saan nandun ang mga iba't ibang bulaklak. Kinuha ko agad ang nasa gilid na pandilig nito.

"Hay ang gaganda niyo talaga lalo kana Ms. Red Rose" masaya kung sabi kahit alam kung hindi sila magsasalita. Sabi kase ni Sister mas mabuti daw na kausapin paminsan minsan ang mga tanim para mas gumanda ang mga ito.

"Hindi ko alam na nababaliw kana. Pati nga halaman kinakausap mo" biglang lumitaw ito sa gilid ko kaya hindi sinasadyang natutok ko sa kanya ang hawak kung pandilig na naging dahilan para mabasa siya.

"Ay naku bakit kase bigla kang lumilitaw" medyo malakas kung sigaw dito.

"Tsk, ngayon kasalan kopa na binasa mo ako. At bakit kapa sumisigaw nasa harapan mo lang ako" medyo naiinis nitong sagot sakin.

"Eh ikaw kase ginugulat mo ako. Pasensiya na Dominorio" pagdadahilan ko.

"Bakit parang kasalanan kopa" nakangusong sabi nito.

Lalapit sana siya sakin pero agad akung umatras kaya hindi sinasadyang naout-balance ako. Mabuti nalang at mabilis niyang nasalo ang likod ko pero pagdilat ko ay malapit niyang mukha ang nakita ko.

Hindi ko alam pero parang tumigil ng ilang sandali ang oras kaya malaya kung natitigan ang mukha niya. Makakapal na kilay, black eyes, subrang tangos na ilong at subrang pula na labi kaso nga lang subrang pulta ng kulay niya.

"Ah, eh salamat D-Dominorio. May kailangan kaba?" agad kung tanong ng makabawi ako at mabilis na umalis sa pagkakahawak niya.

"Well diba 4th year student kana. I want to ask you if you like to study but there's a condition" agad naman akung nagtatalon at napahawak sa kamay niya dahil sa narinig kung sinabi niya.

"Yes. Gustong gusto ko. Anong kapalit ba?" nagtatakang tanong ko dito.

"We're classmates... And i want na sa school kung saan ako dapat dun ka din" nakamapulsahang sagot nito.

"Bakit naman? Hindi ba pwedeng sa human world ako mag-aral" mahinang sagot ko.

"Tsk okay, fine. Human school nalang. I want to experience kung pano kayong mga tao namumuhay" nakasimangot nitong sagot.

"Talaga, yes. Thank you Dominorio. At may bakante bang trabaho dito sa bahay mo?" kahit nahihiya ay kinapalan kona ang mukha ko.

Kailangan ko ng pera pang gastos sa pag-aaral ko eh.

"Why? meron pero bilang personal maid ko" nakangisi sabi nito sabay taas baba ng kilay niya. Nakasimangot naman akung humarap sa kanya.

"Seryoso nga po. Kailangan ko kase makaipon para sa pag-aaral ko" mahinang sabi ko naman.

"I'm serious. I need personal maid and also i need your help pag nasa human world na tayo" seryoso naman nitong sagot.

"Okay basta wag kang papatay at biglang sisipsip ng dugo ng mga tao dun ah" sagot ko.

"Okay fine" nakataas kamay niya pang sagot.

Itutuloy...

VAMPIRE KING'S OBSESSION Onde histórias criam vida. Descubra agora