Prologo

24 2 6
                                    

“Kuya? Saan ka na?” Pagtatanong ko kay Kuya Nate habang naglalakad palabas ng campus. Katatapos ko lang mag-enroll at nagpapasundo ako sa kaniya.

“Pasensya na, bunso. Mukhang hindi kita masusundo ngayon,” ani kuya sa kabilang linya. “Hindi ba nasabi sa iyo ni mama na nasa Cagayan de Oro pa ako?”

I creased my forehead and slid my other hand inside the pocket. “Hindi ka pa nakauuwi?”

“Oo. Hindi makapagtracking,” aniya.

Isang linggo ang nakararaan nang magkaroon ng medical mission si kuya sa ilang bayan  sa Cagayan de Oro. Isa siya sa mga clinical instructors na pinadala ng school.  Laging nagkakaroon ng community extension services para sa mga health-related courses ang school na pinagtatrabahuhan niya.  Hinahayaang tumulong sa pag-organize at maexpose sa field nila ang mga students. Bakit ko alam kasi laging kinukuwento sa akin ni kuya at mama. Dati ring clinical instructor si mama.

Kuya Nate finished his college degree as Bachelor of Science in Nursing. Nang maglaon ay nag-aral naman siya para sa masters degree at magdadalawang taon na rin siyang bilang clinical instructor. Dahil kaparehong school naman kami ni kuya, si kuya na rin ang sumusundo sa akin.

“Magjejeep na lang ako pauwi, kuya,” sagot ko sa kabilang linya.

Narinig kong bumuntong hininga si Kuya. “Sigurado ka, Jhante? Pwede kang magpasundo kay dad.” Pagbibigay niya ng suhestiyon.

“No need, dude. I can handle myself,” sagot ko kay Kuya Nate na tumatawa.

“Bakit ba hindi mo na lang hiniram ang kotse ko? Marunong ka na rin namang magdrive,” aniya.

“Malay ko bang umuwi ka na,” ani Kong tumatawa, “Katamad magdrive. Makikiangkas lang sana ako.”

“Eh di wow!” Kuya chuckled at the other line. “Anyway, I have to go.Pakikumusta na lang ako kay mama at dad. Ingat, bunso.”

“Yeah. Sure. No need to worry. Ikaw rin.” Ibinaba ko na ang phone at ipinasok sa bulsa.

I have no choice but to park a jeepney. Ayokong magtaxi dahil medyo mahal. Kailangan magtipid dahil tumataas ang bilihin ngayon.

Hinintay munang mapuno ang jeep bago paandarin. Habang hinihintay ay sa phone lang nakatutok ang mata at kamay ko—tinitingnan ang mga subjects na aaralin sa 1st sem. Pulos mga major subjects kapag nasa 4th year ka.

45 minutes ang itatagal ko sa loob ng jeep dahil dumaraan ang karamihan ng jeep papunta sa subdivision namin sinusunod ang daan na kung saan binababa karamihan ng pasahero.

“Pakiabot po!” sabi ng nasa tabi ko sa kaliwa. Inabot ko naman at ibibigay na sa unahan ko pero bigla na lang may humablot sa phone ko!

“Woy! Magnanakaw!” sigaw ko. Agad naalarma ang nasa taas ng jeep.

“Tumawag kayo ng pulis!”

“Wah!”

“Magnanakaw!”

Isinukbit ko ang bag sa balikat pero sinigawan ako ng driver ng jeep. “Bayad mo, Iho!”

“Aish!” Dumaklot ako ng pera sa bulsa at ipinaabot na lang sa kung sino mang inabutan ko.

“Yung sukli Iho!” Sigaw muli ng drayber.

Hindi na ako nakasagot dahil nakasunod akong tumatakbo sa likod nang kumuha ng phone ko. “Woy! Ibalik mo ang phone!”

Pero hindi pa rin tumigil at lumiliko siya ngayon papuntang tiangge! Kung hindi lang maraming importanteng files sa loob ng phone ay Hindi ako mag-aatubiling sumunod sa taong ito.

“Tabi! Tabi! Sorry!” Sabi ko na umiilag sa mga nakababangga ko.

Lumingon sa akin ang magnanakaw pero muling itinuon ang tingin sa unahan. Buti na lang at may katangkaran din naman ako, kaya halos dalawang metro na lang ang layo namin. Hindi na ako nangambang tumalon sa likuran niya. Pareho kaming natumba sa sahig. Sa kasamaang palad ay mali ang bagsak namin. Nang tinalunan ko siya ay eksaktong napatingin siya sa unahan at nasubsob ang mukha ko sa pwetan niya!

Nang umayos ako ng upo ay napabaling ang mukha ko sa kanan dahil sinalubong iyon ng malakas ng sampal. What the heck is that!

“Bakit mo ginawa—” Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pinagpapalo ako ng snatcher.

“Napakabastos mo! Wala kang modo! Bakit mo hinawakan ang pwet ko?” dagdag pa niya.

Sinalo ko ang kamay ng snatcher.“Hah!Ako pa walang modo? Ikaw nga itong kumuha ng—” pero muli na naman akong napatigil ng makita ang kabuuang mukha ng snatcher. Natanggal ang mask na nakatakip sa mukha niya pati na rin ang sumbrero. Babae?

“Bastos ka pa rin! Walang hiya!” at patuloy na naman niya akong pinagpapalo.

“Wuy, Jaye! Bilisan mo! Nandiyan na ang parak!” Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Lalaking nakamask at nakasumbrero rin. Umalis sa ibabaw ko ang babae at tumingin sa gilid ko. Sinundan ko ang tiningnan niya at sa cellphone ko iyon! Agad akong bumangon at inabot ang phone pero tinadyakan ng babae ang kamay ko! Napahawak ako sa kamay dahil sa sakit.

“Sorry talaga Jhant!” Pahabol na sigaw ng babae na kumakaripas ng takbo.

Dumating nga ang mga pulis at inalalayan akong tumayo. Tinanong ako kung ayos lang ba ako at kung saan nagpunta ang snatcher. Nang maituro ko ay iniwan nila ako sa dalawa nilang kasamahan at sinundan ang itinuro kong daan.

Nakakunot noo ako habang sinusundan ng tingin ang daang tinatahak ng mga papalayong pulis. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Almost an EndDove le storie prendono vita. Scoprilo ora