Uno

17 2 5
                                    

“Kuya Jhante!” Sigaw ng kapatid ko Mula sa labas ng kwarto. Kinuha ko ang unan at pinantakip sa tainga ko. It’s too noisy early in the morning. Pero napagulantang ako nang may malalakas na katok na nagmumula sa pinto.

“Jhante! Lumabas ka na rito. Pag bilang kong tatlo hindi ka pa lumalabas—” Pinagbuksan ko ng pinto ang sumisigaw sa labas at tumambad si mama. May hawak hawak pa siyang sandok at nakapamaywang.

“Ma, wala namang klase ngayon. Bukas pa po,” sabi ko kay mama sabay tingin sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. It’s 5:00 o’clock in the morning

“Gumising ka na. Sunduin mo Ang dad mo sa airport,” sagot ni mama.

“Really?” pagtatanong ko, “dadating na si dad?” pagkaklaro ko.

“Oo. Kaya maligo at makapagbreakfast ka na,” ani mama at tumalikod.

Pumasok akong muli sa kwarto at sinunod ang sinabi ni mama. Pumili lang ako ng simpleng black T-shirt at khaki shorts. I combed my hair to my usual style, falling drip near at my eyes. Pinaresan ko ang suot ng puting low cut converse.

Pagkababa ko ay naghahain na si mama ng cornsilog at nagtitimpla ng kape. Si Yunise, ang nakababatang kapatid namin ni Kuya Nate, ay kumakain ng hotdog. Actually, Yunise our half sister from mama and dad. Ang pinapasundo talaga sa akin ni mama ay ang step dad ko. Muling nakapag-asawa si mama nang maghiwalay sila ng tunay kong ama.

Humigop ako ng kape at kumuha ng bread. “Saan si kuya, mama?”

“Sa school,” ani mama.

“Eh next week pa naman pasukan, mama. At kauuwi niya lang naman kahapon. Anong mayroon?” muli kong pagtatanong.

“Mayroong meeting ang kuya mo. Pinatawag ng Vice President for Academic Affairs. Magbibigay raw ng feedback doon sa medical mission na pinuntahan nila,” sagot ni mama, “oh ito kumain ka. Huwag kang magbread lang diyan. Baka himatayin ka sa sasakyan mo. Eh sino ang magdadrive sa’yo papuntang ospital?”

Tumawa ako at inabot ang plate ng corn beef. “OA mo naman, mama.”

Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Anong OA OA ka diyan? Tama lang na kumain ka ng marami kapag umaga. That's where you get most of your energy and I’m just stating the possible effect of the outcome.”

Itinaas ko ang pareho Kong kamay nagpahiwatig ng pagsuko. “Yeah. Yeah. Panalo ka na, ma.”

“Ay sinasabi ko sa’yo, Jhante...” at iyon na naman po ang sandamakmak na pagpapaalala ni mama. Sa tuwing sinasabi ko iyan sa kaniya ay lagi niya akong pinapangaralan kung ano ang makabubuti sa katawan ko at sa hindi. Parang gaya na lang ngayon, sinasabi niya na carbohydrates ang kadalasang energy provider. Kaya kailangan ko kumain nang marami tuwing umaga.

Dati kasing nurse si mama at naging clinical instructor sa pinapasukang school ngayon kung saan nagtatrabaho rin si Kuya Nate, pero nagretired na rin si mama four years ago.

“Sige po, mama. Alis na ako,” pagpapaalam ko sa kaniya.

“Here. Bring a water. Masyadong mainit ang panahon ngayon.” Ipinasok niya sa sasakyan ko ang aqua flask na dark blue na siya mismo ang bumili sa pinuntahan naming mall.

“Pwede naman akong bumili na lang sa malapit na store, ma,” sabi ko sa kaniya habang inaayos ang seat belt.

“Ay huwag na. Makadadagdag pa sa polusyon iyon, anak.” Lumapit si mama sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Hindi niya ako pinapaalis kapag Hindi ako nahahalikan sa pisngi. Bunso niya raw eh. “Sige na. Baka naghihintay na ang dad mo.”

Itinaas ko ang kanang kamay at nagsaludo Kay mama. Pinaandar ko na ang sasakyan at tinungo ang airport.

“Son!” Nakita ko si dad na kumakaway sa akin habang hila-hila ang trolley niya. Agad naman akong lumapit at yumakap sa kaniya.

“Kumusta ka, dad?” Pagtatanong ko habang kinukuha ang bag niya.

Iniabot naman niya iyon sa akin. “Ito may jet flag pa, anak. Nasaan ang kuya mo?”

Naglakad lang kami papuntang parking lot. “May meeting daw, dad. Bakit? Ayaw mo bang ako ang sumundo sa’yo?”

Humagalpak ng tawa si dad sa akin. “You’re so straight forward, son. Of course I really like it that you fetch me. Your brother just promised me that he's going to do it. Nakatatampo.”

Ako naman ang tumawa sa sinabi ni dad. “Hindi bagay sa’yo ang magtampu-tampuhan, dad.”

Pareho kaming natawa ni dad sa sinabi ko at pumasok na kami ng sasakyan.

Nakilala ni mama si dad sa isang medical mission. Isang pulis si dad at nakatutuwa na nagustuhan at minahal niya pa rin si mama kahit may asawa’t anak na. Sa una ay hindi ko pa tanggap dahil lagi kong tinatanong sa sarili dati na bakit kailangan pa maghiwalay ni mama at ang tunay kong ama. Hindi ba pwedeng sila na lang hanggang huli? Pero Hindi iyon kadali gaya na lang nang paglalagay ng baso sa tubig. Dahil may pagkakataong hindi talaga pwede pilitin ang Hindi pwede.

Kailangan ko na ring tanggapin ngayon, dahil nakikita kong masaya na rin si mama sa piling ni dad. And I am also happy for the family I have now. Parang tunay na ring anak ang trato sa amin ni dad. Pinanindigan niya ang pagiging ama sa amin kahit hindi kami pareho ni Kuya Nate na nagmula sa sarili niyang dugo.

“Welcome home, hon!” Sigaw ni mama pagkapasok namin ng gate. Sinalubong niya agad si dad nang mahigpit na yakap. Ginantihan naman iyon ni dad. Kasunod ay hinalikan ni dad si mama sa labi at binigyan ng dalawang magkasunod na halik sa pisngi.

“Respeto naman sa single, dad,” ani kong nakangiwi.

Ginulo ni dad ang buhok ko. “Maggirlfriend ka na kasi, ’nak. Para hindi ka na naiinggit sa amin ng mama mo.”

Iwinisik ko naman ang kamay niya. “Not for now, dad.”

“May hinihintay?” ngising tanong ni dad. Napalakpak pa si dad ng kamay na ultimong may naisip na kalokohan. “Ay oo nga pala. Hinihintay mo yung anak ng kapitbahay natin.”

“Talaga, anak?” Takang tanong ni mama. “Sino? Yung si Jessie?”

Napasapo ako sa noo at napakamot ng batok. “Oh come on!”

Dati akong nagkaroon ng crush sa anak ng kapitbahay namin. Nagkataong nakuwento ko iyon kay kuya, pero narinig iyon ni dad at tinulungan nila akong pareho. Ang kaso hindi mutual ang feelings namin. Busted ako, dahil bukod sa parehong bata pa kami literal rin na mas bata pa talaga ako kaysa sa kaniya. 12 years old pa lang ako noon samantalang 17 years old na siya.

Inayos ko ang buhok na ginulo ni dad. “Maggigirlfriend ako kapag may CPA na sa dulo at attorney sa unahan ng pangalan ko. Date to marry ang anak mo, dad.”

Napailing na lang si dad at mama sa naging reaksyon ko.

To be continued...

Almost an Endحيث تعيش القصص. اكتشف الآن