Tres

14 0 0
                                    

A/N:

I’m sorry po if I didn't update the story two weeks ago. Masyado pong naging tight ang schedule ko:<  Bilang pambawi, three chapters po ang in-update ko for today hihi.

Another thing, I would like to take this opportunity to say thank you for those who commented and voted the story. Sobrang salamat po sa paglalaan ng oras para basahin ang ginawa kong kwento. Sending virtual hugs!

***** 

“Si Louise Jaye po? Nagresign na po, sir. Excuse me po,” sabi ng saleslady sa akin at naglakad paalis.

Napakunot noo ako sa sinabi ng saleslady. What? Seryoso? Nagresign? It's impossible.

Sumunod ako sa likuran ng saleslady at muling nagtanong. “Sure po ba kayo diyan, ma’am? Yung medyo may katangkaran. Tansya ko mga nasa 5’6 po. Tapos medyo may pagkamorena. Hanggang baywang ata ang buhok niya. Nakausap ko pa kasi siya kahapon.”

“Pasensya po talaga, sir. Aside po na hindi kami pwedeng magdisclose ng information, ipinagbilin din kasi ni Jaye na huwag magbanggit tungkol sa buhay niya. Excuse mo po ulit. Kailangan na po ako ng ibang customer,” ani ng saleslady at napayuko ang ulo.

“Sige. Salamat. Pasensya na rin sa abala,” sabi ko sa saleslady.

Magdadalawang linggo na magmula ng mangyari ang nakawan. Kung tutuusin ay kaya ko na rin namang ipamigay ang phone at ang mga pera na nasa cellphone ay lahat namang nasa bangko na napalock ko na agad. Ang ipinag-aalala ko na lang ay ang mga ibang importanteng files na related sa pag-aaral ko at ang picture namin nina mama, Kuya Nate, ako at ang tunay kong ama.

Magmula ng maghiwalay sina mama at papa, Wala nang matatagpuang family picture kasama ang totoo kong ama. Nasasaktan kasi si mama tuwing nakikita niya ang mga litratong iyon. Hindi ko naman kayang kamuhian si papa nang ganoon ganoon na lang, dahil siya ang nagpalaki sa amin habang nagtatrabaho si mama bilang OFW nurse. Hindi ko rin naman masisisi si mama kung bakit kailangan niya pang mangibang bansa para magtrabaho, dahil kulang ang kinikita dati ni mama dito sa Pilipinas bilang isang nurse dahil nagkataong nagkaroon ako ng sakit dati.

“Naks. Describe na describe mo mula ulo hanggang paa, dude,” pangisi-ngising ani Kuya Nate, “kaunti na lang iisipin ko Hindi na cellphone ang rason kung bakit mo siya hinahanap.”

Binatukan ko si kuya at sinamaan siya ng tingin. Mali atang nagpasama pa ako sa kaniya.

Dahil first day pa naman, pa introduce introduce lang ng sarili ang ginawa namin at nagkaroon ng mini orientation sa subject para sa first semester. Si kuya naman, dahil sa nagconflict ang oras niya sa 1st year at 2nd year, kinailangan ayusin ulit ang schedule. Kaya kinuha ko na ang oportunidad na magpasama sa kaniya. Ayokong magdala ng kotse, dahil tinatamad ako. At isa pa para tipid na rin sa gas.

“Tuleg! Alam mong hindi iyon ang rason kung bakit ko hinahanap ang babaeng iyon,” sagot ko.

“Namimihasa ka nang nambabatok.” masamang tingin ni Kuya Nate habang hinihimas ang parte ng ulo niyang binatukan ko. “Eh kung idart ko kaya sa’yo ang 16 gauge needle sa jugular vein mo.”

Napalunok ako sa sinabi ni kuya, pero pinanatili ko ang masamang tingin sa kaniya. “As if you can do it,” panghahamon ko kay Kuya Nate.

“Kaya nga pinili mo ang mag-attorney kasi takot ka sa karayom,” tatawa-tawang sabi ni Kuya Nate.

Mas sinamaan ko siya ng tingin, dahil totoo ang sinabi niya. Inambahan ko na naman siya ng suntok, pero tinakpan lang ang mukha niya gamit ang braso at nagpakawala ng tawa ang nakatatanda kong kapatid.

Almost an EndWhere stories live. Discover now