Singko

11 0 0
                                    

Parang akong lutang na naglalakad hanggang makarating ng bahay. Hindi ko naman inaasahan na si kuya ang nakaabang sa akin sa gate.

“Dapat may panibago kang kwentong dala, Jhante. Huwag mong sayangin ang pagsasakripisyo ko ng isang kabutihan para sa’yo,” salubong sa akin ni Kuya Nate.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ganiyan ka rin ba sa mga students mo?”

“Medyo slight lang naman,” ani kuya at kunwari pang may kinukurot.

Iwinisik ko ang kamay niya. “Eh di wow.”

“Huwag Kang maramot magkuwento, Jhante. Hindi tayo pinalaking maramot ni mama,” ani kuya.

“Hindi sa chismis, kuya,” Ani ko.

“Hindi naman ito chismis. Gusto ko lang makinig sa ibabalita mo.” Sumandal si Kuya Nate sa haligi ng gate. “Kaya magkuwento ka na lang.”

Ginaya ko si Kuya Nate na nakasandal sa gate at bumuntong hininga. “I can't believe that she’s my schoolmate, Kuya. And I confirmed earlier that she’s the one who took my phone.”

Hinintay ko ang susunod na sasabihin ni kuya dahil alam kong hindi makatitiis siya na walang maibibigay na reaksyon. Pero wala akong narinig mula sa kaniya. Kaya tiningnan ko siya at nandoon ang makahulugang tingin ni Kuya Nate. Nakangiti siyang magkalapat ang mga labi at naghuhum ng kantang hindi ko mapangalanan.

“Walang ganiyanan, kuya.” Ani ko at itinulak ang mukha niya.

“Huwag mong mahawak-hawakan ang mukha ko, kol. Rare ang ganitong mukha oy.” Ani kuya at binatukan ako.

Hinimas ko ang parte ng ulo kong binatukan niya. “It’s your fault, dude.”

“Anong ako na naman? Anyway, pero baka siya nga ang destiny mo, bro,” tawa ni kuya at ultimong namula pa ang pisngi.

“Kapapanood mo iyan ng drama,” sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

Ganitong-ganito si Kuya Nate tuwing kinikilig siya sa mga pinapanood niyang drama. At lagi ko iyong nasasaksihan, dahil lagi siyang pumapasok sa kwarto ko para manghagilap nang malakas na net. Bahala na ring matambak ang checklist na sinasaulo niya para sa RetDem basta mapanood niya lang ang inaabangang episode. Pero huwag ka Kay Kuya Nate, kahit Panay pa rin ang panonood niya ng bagong release ng Kdrama, Cdrama, Thai drama, basta’t lahat ng may drama nagtapos pa rin siya ng may Latin honors.

“Sino ba namang hindi mag-iisip ng gano’n? Una kayong nagkita doon sa ninakawan ka ng cellphone. Ang tawag doon accident. Pangalawa, 'yong siya ang nakakita kay Yunise. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit siya pa? Ang tawag doon coincidence. At ang magpapatunay na siya ang destiny mo, schoolmate mo pa si Jaye. Destiny na talaga iyon,” pagpapaliwanag niya pa.

Pinalakpakan ko si Kuya Nate. “Grabe, Kuya. Dapat ka na bigyan ng thirty-meter trophy Oscar award sa ginawa mong plot ng buhay ko.”

“At malugod kong tatanggapin, bro. Libo-libong brain cells ang pinakawalan ko para lang pag-isipan iyon,” nagmamalaking sambit ni Kuya Nate.

Muli ko na namang sinamaan ng tingin si Kuya Nate. Pinagkrus ko sa ibabaw ng dibdib ko ang mga braso ko at bumuntong hininga ipinapakitang seryoso ako sa usapan namin. Ano ba naman ito? Hindi ko makausap nang matino.

“Ito na, bunso. Seryoso na ’to. Talagang inamin niya sa’yo na siya ang kumuha ng phone mo?” pagtatanong ni Kuya Nate.

“Oo,” sagot ko.

“Didn’t expect that. Kasi kung iba idedeny pa ’yon.” Napahawak pa si Kuya sa baba niya.

“Kaya nga ako ang nagvolunteer na ihatid siya papunta sa labas ng subdivision. Para itanong na rin sa kaniya ang gusto kong kumpirmahin,” sabi ko Kay Kuya Nate.

Almost an EndWhere stories live. Discover now