Trese

6 0 0
                                    

“What you did is a great help to us,” saad ng babaeng mid-40s na manager ng bank. “I hope we’ll see you here working with us, future CPAs.”

“Thank you, ma’am,” pakoro naming sagot.

Tuwing Huwebes at Sabado ang shift namin para sa OJT. Ang bank na ito ay ang laging kinukuha ng school para sa OJT namin. Hindi kataka-taka dahil mabait naman ang manager at hindi kami pinapabayaan. Kapag nandito siya, maliban sa inaaral namin sa school, binibigyan niya rin kami ng pagkakataon na gumanap bilang tunay na kontador. Iyong tipong kami ang pinapahandle sa mga pagcalculate ng Pera sa banko.

Hindi kami magkasabay ng mga kaibigan ko dahil alphabetical order ang arrangement sa makakagrupo para sa OJT. Anim na oras kada araw ang ginugugol namin at nagsisimula tuwing alas-otso ng umaga. Kaya ang laging uwian namin ay nasa pagitan ng alas-dose ng tanghali hanggang sa alas-dos ng hapon.

“Did you check twice your things before leaving?” pagtatanong ko sa mga kasamahan ko.

“Wala na, Vihyo,” halos magkasabay na sagot nila. Ako ang napiling lider para sa grupo namin. So, it's my obligation to do my task.

Sa bakeshop ako dumiretso dahil gusto kong kumain ng best seller ni mama— ang black forest cake.

Pagkapasok ko, mangilan-ngilan ang tao sa loob. Palihim ko ring sinuyod ng tingin ang shop kung nandoon si Jaye pero nabigo ako. Nakaramdam ako ng panlulumo nang hindi mahanap ang presensya niya. Panlulumo? I’m acting weird again!

Humugot ako ng hininga at dinayo ang paboritong pwesto sa bakeshop at inilapag ang bag. Lumapit ako sa counter at umorder ng gusto kong kainin.

“Iyon lang ba, sir Vihyo?” pagtatanong ni Ate Rosa, ang katiwala ni mama sa pagmamanage ng bakeshop.

Kung wala si mama, dahil nagdedeliver ng cakes o pastries, si Ate Rosa ang naiiwan para bantayan ang bakeshop. Tumutulong din si dad paminsan-minsan kapag off duty. Nang kalaunan na madestino si dad sa ibang lugar, doon na humanap ng dagdag na tao si mama.

“Yes, Ate Rosa,” sagot ko.

Dahil nasanay na sa akin si Ate Rosa na ako mismo ang kumukuha sa counter ng order ko, sinabi niyang tatawagin ako kapag ready na ang inorder.

I opened my iPad while waiting. I browsed the syllabus to check if what lecture are we going to discuss next.

“Vihyo?” sinundan ko ng tingin ang boses na tumawag sa pangalan ko.

“Rhen. You’re here.” Sabi ko sabay tulak ng salamin sa tungki ng ilong ko.

“Oo. Pwedeng maupo rito?” Turo niya sa bakanteng upuan na mayroon pang dalawang upuan sa pagitan namin.

Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Pasimple pa akong tumingin sa likod niya kung may kasama siya. “Alone?”

“Oo. Kinukuha ko lang ang pinaorder ni mommy na brownies.” Sabay sipsip ng iced-coffee. “Nag-uwi ako sa bahay no’ng nagdala ka last year sa send off party. Even though walang occasion, nagpapabili na lang on the spot o kaya’y bigla akong tinatawagan ipapakuha dito sa bakeshop.”

“May delivery service naman ang shop. Just state while placing your order,” pagpapaliwanag ko.

“Talaga? Seryoso?” gulat niyang sabi, “for all this time, kuha ako nang kuha dito eh pwede naman palang ipadeliver!”

“Yes. Just add specific amount for the delivery fee,” dagdag ko pa.

Parang nabawasan ng tinik sa buhay ang itsura ni Rhen sa sinabi ko. “Thank you for informing me. As in super thanks!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost an EndWhere stories live. Discover now