22

1K 89 12
                                    

XXII..

Unti-unti akong dumilat. Pinakiramdaman ko muna 'yong sarili ko at 'yong paligid.

Dahan-dahan akong umayos ng upo nang malamang nakatulog ako sa balikat ni Yohan. Tiningnan ko siya at gumalaw siya ng kaunti pero hindi siya nagising.

Nilibot ko 'yong tingin ko at nanlaki 'yong mata nang makitang wala ng tao. At nakatigil na rin 'yong bus, "Yohan." Tinapik-tapik ko siya at ungol lang naman 'yong sagot niya kaya mas nilakasan ko 'yong tapik, "Yohan."

"Ano?" Inaantok na tanong niya at isiniksik 'yong sarili sa upuan.

"Tayo na lang nandito sa bus."

"Oh, ano nama---" Gulat siyang napadilat at umayos ng upo. Nilibot niya 'yong tingin niya at napatayo nang makitang wala na ngang tao, "Ba't wala na sila?!" Nagkibit-balikat lang ako. Napakamot naman siya ng ulo sa inis bago naglakad papunta ro'n sa nagmamaneho no'ng bus, "Sir, why didn't you wake us up?" Naiinis na tanong niya.

"Sorry po, sabi kasi no'ng mga kaklase niyo at no'ng teacher, hayaan daw kayong magising ng kusa." Mahinahong sagot no'ng lalaki.

Akmang sasagot pa si Yohan nang hawakan ko na siya sa braso, "Tara na. Baka pabalik na sila, hindi pa tayo nakasasakay ni isang ride." At hinila ko na siya palabas.

"Magkasama tayong lilibutin ang EK at sasakay ng rides?" Gulat na tanong niya.

Binitawan ko 'yong braso niya, "Pwede namang hindi." Kibit-balikat na sagot ko at inilabas na 'yong ticket sa wallet ko para makapasok.

"Teka nga, ikaw 'tong may kasalanan kaya tayo naiwan tapos iiwan mo rin ako?!" Pasigaw na sabi niya bago nakahabol sa tabi ko. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang may nagtinginan sa'ming mga schoolmate pero walang kaklase.

"'Wag kang sumigaw. Pinagtitinginan tayo." Pairap na saway ko, "At bakit naman ako ang may kasalanan?"

"Nakatulog ka sa balikat ko, wala 'kong nakausap. Boring. Kaya 'yon, inantok ako. Nakatulog din ako. Oh, diba? Malinaw na malinaw na kasalanan mo!" Naiiling na sagot niya. Tumigil ako sa paglalakad at kunot-noo siyang tinitigan. Napatigil din naman siya at nilingon ako. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago unti-unting namula 'yong mukha niya hanggang sa umabot sa tenga. Napanguso siya at naglakad pabalik sa'kin bago 'ko hinila, "Tara na, hanapin natin 'yong pito." Nahihiyang sambit niya.

***

"Ayoko na. Kung hahanapin mo sila, bahala ka. Basta sasakay na 'ko." Naiinis na sabi ko at binawi 'yong kamay ko sa pagkahawak niya.

Kinse minutos na kasi kami naglilibot ng buong EK pero hindi namin sila mahanap. Dagdag pang reklamo nang reklamo 'tong lalaking 'to, kaya tuluyan na 'kong nainis.

"W-Wait." Mahina niya 'kong hinila sa braso bago inilibot 'yong tingin, "S-Sa'n mo gustong sumakay?"

Mabilis kong itinuro 'yong umiikot na may upuan tapos unti-unting lumalakas, "Flying Fiesta? Okay. Mabilis lang 'yan kasi kaunti 'yong nasa pila."

Kami lang kasi ang nandito sa EK. Walang ibang tagalabas. Kaya nga 'di na kami pinagdisguise ni Cline, pati na rin 'yong Constadiac.

"Partner talaga ang Quadruplets at Constadiac, 'no?"

"Kaso sobra isa sa Consta."

"Ba't nahiwalay si Ishana at Yohan? Sama-sama 'yong pito kanina, diba?"

Kami na dapat 'yong susunod nang tumigil si Yohan dahil sa pinag-uusapan no'ng dalawang babae, "Sa'n niyo sila nakita? Saka mga anong oras?"

Mabilis ko siyang hinila bago pa makasagot 'yong dalawa, "Makasasalubong din natin sila. 'Wag kang ano. Malalaki na 'yong mga 'yon. Kaya na nila sarili nila." Pairap na sabi ko at naglakad na papunta sa isahang upuan sana ng Flying Fiesta raw kaso hinila niya 'ko papunta sa dalawahan. 'Di na 'ko nakatanggi kasi kinandado na no'ng operator 'yong harang no'ng upuan.

Napahinga 'ko ng malalim at kusang lumabas ang ngiti sa labi ko. Habang paangat ay ginalaw-galaw ko 'yong mga paa ko at narinig ko namang tumawa si Yohan sa gilid ko.

Nagsimula nang umikot 'yong Flying Fiesta hanggang sa lumakas at tumaas. Tawa lang kami ng tawa ni Yohan. Kaya no'ng tumigil 'yon ay hingal na hingal kami.

Nang makababa kami'y tinulungan niya 'kong ayusin 'yong buhok ko. Kaso lumipas na ang ilang segundo'y hindi pa rin siya nagsasalita at nakita kong nakatulala siya, "Bakit?"

"Nagugutom na 'ko." Parang batang sabi niya.

"May baon ka ba? Labas muna tayo ta's sa bus ka kumain." Malumanay na sabi ko at inayos ng kaunti 'yong buhok niya.

"Letse! Hinahanap namin kayo a's nagpapakatamis lang pala kayo rito?!" Napalingon kaming dalawa at nakita 'yong pito na mga basa.

"Hinanap? Tapos puro basa kayo? Ang sabihin niyo, nag Rio Grande o Jungle Log kayo nang hindi kami inisip!" Naiinis na sabi ni Yohan bago 'ko hinila, "We can take care of ourselves! We can enjoy by ourselves! Hindi namin kayo kailangan!" Pasinghal na sabi niya at nilagpasan 'yong pito habang hila-hila ako.

Hanggang sa makarating kami sa labasan. Tinatakan muna kami sa kamay bago kami tuluyang pinalabas at dumiretso kami sa bus. Nadatnan naming tulog 'yong nagmamaneho kaya nagdahan-dahan kami sa paggalaw.

Umupo na 'ko at ibinigay niya muna sa'kin 'yong bag ko bago kuhanin 'yong kaniya at umupo sa tabi ko.

Nang ilabas niya 'yong pagkain niya'y kaagad sumalubong sa'kin ang amoy ng  paksiw na pata. May inilabas siyang isa pang tupperware at nasa loob noo'y potato pancake.

"Penge." Nasambit ko na lang bigla.

Natawa naman siya nago umupo paharap sa'kin, "Let's share. Tapos sa pagkain mo naman mamaya, penge rin ako."

"Deal." Masayang tugon ko at kaagad na kinuha 'yong tinidor sa kamay niya.

Napakunot noo siya, "You can use your own."

"Tinatamad akong kunin. Pahihiramin din kita ng tinidor mamaya para patas." Walang pakialam na sagot ko at sinabawan 'yong kanin bago tumusok ng potato pancake. Kinagatan ko 'yon at saka isinunod ang pagkuha ng kanin. Kaso masyadong hiwa-hiwalay 'yong kanin niya kaya walang makuha 'yong tinidor ko, "Ano bang klaseng bigas binibili niyo? O kakaiba lang kayo magsaing?" Naiinis na tanong ko habang kumukuha ng kanin pero ayaw talaga.

Nagulat na lang ako nang sumandok siya gamit 'yong kutsara niya at inialok sa'kin, "Oh. Ingay pa kasi. Kainin mo ng maayos at ako ang nagluto."

"Marunong ka?" Tanong ko bago sinubo 'yong kanin at inalok siya no'ng potato pancake na nasa tinidor ko para patas.

Tinitigan niya muna 'yon bago kinagatan, "Sa tagal ba naman naming nakatira rito sa Earth." Sagot niya bago sumubo ng kanin.

"Parang 'di ka nakatira rito simula nang ipanganak ka kung makabanggit ka ng Earth." Medyo natatawang sabi ko at hinintay siyang sumubo ng kanin pero nakatulala nanaman siya kaya kinuha ko na 'yong kutsara at ako na ang nauna, "Masamang may iniisip na iba pag kumakain." Sermon ko bago idikit sa labi niya 'yong kutsarang may kanin at pata.

Tahimik niya namang tinanggap 'yon at nginuya ng mabuti. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at akmang kakain na ulit nang pigilan niya 'yong kamay ko, "May sasabihin ako sa'yo pero 'wag mong sasabihin sa iba." Seryosong sabi niya kaya napaayos ako ng upo at tumingin sakaniya ng diretso.

"Ano 'yon?"

Napalunok siyanag napakagat-labi, "Hindi ako tao."

Lost PlanetWhere stories live. Discover now