26

1.3K 88 25
                                    

XXVI.

"Aray ko! Kanina ka pa tulak nang tulak!" Napailing na lang kami no'ng kambal dahil sa pagsigaw ni Charm.

"Hindi kita tinutulak, inaalalayan kita!" Katwiran ni Tijay.

"Ba't natitisod ako?!"

"Masyado ka lang kasing kinakabahan sa presensiya ko!"

"Ang kapal mo naman yata masiyado!"

"Ang ingay niyo." Naiinis na saway ko at napanguso naman silang dalawa.

Papunta kami ngayon sa Pagsanjan Falls at may kaniya-kaniya kaming dalang damit na pamalit dahil tiyak na magpapakabasa kami ro'n. May hinanda ding mga activities 'yong mga guro kaya hindi dapat kami tutunganga lang.

May naramdaman akong kung ano kaya lumingon-lingon ako sa paligid pero wala namang hindi normal. Napasulyap ako kay Yohan at hanggang ngayo'y tahimik pa rin siya.

Kaninang umaga pa 'yan, lahat kami hindi alam kung ba't siya ganiyan. Kapag lalapitan ko naman halos matisod para lang makaiwas. Kapag sila Charm naman 'yong lalapit para magtanong, hindi naman sumasagot ng maayos. Kahit ako lang na hindi niya kausap, naiirita sa mga walang koneksyong sagot niya. Sila Charm pa kaya na mas maikli pasensiya kaysa sa'kin.

Palakas nang palakas 'yong lagaslas ng tubig kaya't mas lalong natuwa ang lahat. Halos hindi pa sumisikat 'yong araw dahil gusto ni Lian na mahaba oras namin. 'Yong bus namin ang una dito, mamaya pa 'yong iba. Ayaw niya raw kasing may makuha kaming dumi ng iba, dumi lang daw ng isa't isa.

Nakarating na kami at tumakbo 'yong dalawang Yan sa isang kubo, "Shan! Charm! Dito tayo!" Nag-unahan na rin 'yong iba at 'yong mga nahuli, nakibahagi na lang do'n sa mga nauna.

"May tatlong changing rooms for the girls, two for the boys." Tinuro niya isa-isa, "Anong gusto niyo, lumangoy-langoy muna kayo o diretso laro na tayo?" Tanong ni Lian.

"Langoy muna!"

"Okay. After one hour, we'll start. Enjoy!"

Hinablot sa'kin no'ng magkapatid 'yong bag ko at hinalungkat 'yon, "Shan, wala ka man lang bang swimming clothes?"

"'Yang mga nandiyan." Sagot ko habang tinatanggal 'yong sapatos ko.

"Swimming clothes tawag mo dito?" Nakangiwing tanong ni Haru, "Oh my goodnessessesses."

"Anong tawag niyo diyan? Cooking clothes?" Natatawang sambit ko at kinuha na 'yong bag.

Pinigilan naman ako ni Hara, "Hindi. Manang clothes." Pairap na sabi niya at nilingon si Charm, "Bigyan mo nga ng totoong swimming clothes 'to."

"Ako pipili!" Patakbong pumunta si Haru sa tabi ni Charm at hinalungkat 'yong bag niya, "Oh my goodnessessesses."

Nilapitan naman siya ni Hara. Nagkatinginan kami ni Charm at sabay na nagkibit-balikat.

"Pigilan mo 'ko, Haru. Ipagtatatapon ko lahat 'to."

"Sige lang, tulungan pa kita."

"Kung bigwasan ko kaya kayo?" Banta ni Charm at inagaw 'yong bag namin sa magkapatid.

Kumuha na 'ko ng damit at shorts sa bag ko nang 'di na sila pinapansin. Isang oras lang ang mayro'n kami, sinasayang nila dahil lang sa susuotin.

Naglakad na 'ko papunta sa palitan at narinig ko namang sumusunod sila, nagbabangayan pa rin tungkol sa mga damit.

Napailing na lang ako.

Pumasok na 'ko sa isang cubicle at hinubad 'yong suot ko. Sinabit ko sa pinto, katabi no'ng susuotin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost PlanetWhere stories live. Discover now