Chapter 6

660 17 9
                                    

An hour earlier

Clint POV

"So, gaya na napag-usapan. Sa manhole tayo dadaan 3 kilometers away from the westside of the mansion. Ang lusot noon sa may back gate ng mansion. May tatlong guwardiya doon. Every 5 hours sila nagpapalit. Dapat sakto sa pag-timing na paalis na sila saka kayo papasok. Dapat saktong pagkapasok niyo. Inform niyo ako para hindi masyadong mahalata ang pag-freeze ko sa ilang mga CCTVs na madadaanan niyo. Hiwa-hiwalay na kayo para mas mabilis. Dapat saktong 15 minutes at wala pa rin kayong nahahanap. Umalis na kayo kaagad. I will wait and back you up at the back gate. Don't forget to listen to my every instruction!"

"Okay copy!" sabay-sabay naming sagot kay Red. Habang inaayos ang mga may silencer naming baril.

I'm hoping our plan will go well. In this, we will also find out the truth.

"Tumalon na muna kayo. Sunod ako." Dwight insisted as Zero is already waiting in the manhole.

Siya rin ang nag-disable ng mga hidden chips at GPS at nagbukas ng manhole cover. Masyadong high-tech din ang manhole dito sa Greece.

"Fuck!" malakas niyang mura nang basta na lang siyang itinulak ni Red.

Sunod-sunod na rin kaming sumunod na tumalon.

"Bakit niyo ako tinulak?" Inis na tanong niya habang gumagapang kami.

"Si Red iyon," sagot ko.

Nilingon niya si Red. "Okay, take two. Bakit mo ako tinulak?" ulit niya at sinigurado pang pareho ang reaksyon niya kanina. Minsan naiisip ko may sira na talaga sa utak ito.

"Baka magbago isip mo, eh. At hindi na tumuloy," walang buhay na sagot ni Red.

"Tsk!"

"Dude, para tayong mga ninja turtles!"
sigaw ni Dwight nang konti na lang ay malapit na kami sa lagusan palabas.

This guy, sometimes need to zip his mouth. Lahat na kami nagmature pero siya, parang walang nagbago sa kanya.

"Can you keep your mouth shut Dwight? Nakakairita." Hindi ko napigilang sabihin. Kanina pa siya, eh. Siya lang maingay dito.

"What? I'm just trying to lighten the mood."

"Dwight, bilisan mo na lang! Ang dami mo pang dada!" Pagalit na bulyaw ni Zero. Malapit na niyang mabuksan ang manhole cover.

"Oo na." Ikinasa na namin ang mga baril namin. Maingat kaming lumabas isa-isa. Mabuti na lang nasa madilim na bahagi ang manhole. At kahit may CCTV na-hack na rin iyon ni Red. Dahan-dahan kaming gumapang sa may damuhan.

Pare-pareho kaming nakatuon sa bawat galaw ng mga guwardiya. Malapit na ang oras nila para magpalit sila ng rotation.

"1, 2, 3. Go!" Rinig kong senyas ni Red agad na kaming umakyat at tumalon sa malaking pader.

Mabilis kaming naghiwa-hiwalay. Nasa parteng hardin na ako ngayon. Inilibot ko ang mga mata ko.

"Clint, magtago ka. Masasalubong mo ang mga bagong guards na papalit sa gate," utos ni Red.

"Copy." Mabilis akong nagtago sa isang malaking puno.

"Young lady is so ruthless. He killed almost half."

"That's why we are lucky. She didn't choose us to fight her. "

Who is that young lady? Lalo akong kinabahan. Pwede na ba akong umasa?

Nang wala na sila mabilis na akong tumakbo. I need to enter the mansion.
Tiningala ko ang veranda. Mas magandang doon na ako dumaan. Mabilis kong itinapon ang harness ko at dahan-dahang umakyat.

The Rise of the Phoenix Место, где живут истории. Откройте их для себя