Chapter 11

280 8 1
                                    

Dwight POV

"Kinakabahan ako mga dude. Feeling ko, alam niyang spy tayo kaya tinigil niya ang death game at ginawa niya pa tayong trainers ni Rain," sabi ko habang nag-me-meeting kami para sa gagawin namin bukas sa training ni Rain.

If my gut feeling is right, the monster is using his art of war strategy. 

Alam niyang kahinaan namin si Rain kaya gagamitin niya kami para kami ang mag-ensayo sa apo niya na maaring siya ring papatay sa amin.

Bukas na nga pala ang byahe namin papunta sa Ponos Ranch na magiging training ground ni Rain.

Paniguradong doble ingat na kami simula bukas dahil baka hindi na kami makakapag-usap ng ganito dahil marami ng matang nakabantay sa amin. 

"Negative thinker ka na pala, Dwight. Hindi ba pwedeng na impress siya kasi magaling tayo." Pagkontra ni Clint.

"Pero aminin niyo may point ako. Kasi kung iisipin niyo malapit na matapos ang game at marami na ring namatay na underlings nila pero itinigil niya para sa atin."

"Yeah, his decision seems suspicious to me. He definitely wanted something from us," Carl added.

"Oh, hindi lang pala ako nakaisip non." Nakangiti kong inakbayan si Carl.

"Kung ganoon nga plano niya bakit gugustuhin niyang makalapit tayo kay Rain ganoong galit siya sa atin at panigurado ngayong may amnesia si Rain mas gusto niya iyon na hindi na makaalala. Kaya nonsense na gusto niyang makalapit tayo. Dahil alam niyang gagawa tayo ng paraan para makaalala siya."

"Pabor nga sa kanya, Clint. Kasi hindi naman natin sigurado na kakampi pa rin natin si Rain kapag nakaalala siya pagkatapos nang nangyari 2 years ago baka nga art of war strategy niya ito," saad ko.

"Yeah, there's a 50/50 positive and negative chance of us being with Rain. It depends on how she will accept our past. If she will still cherish our moments together or dump it to seek revenge for what happened 2 years ago, that monster is an upper hand compared to us. She is her grandpa after all. Let's just pray the soft and understanding Rain is still there after the tragedy," Red said.

What the! Kinampihan ako ni Red!  Mukhang tumatalino na talaga ako. Siguradong magiging proud sa akin ang mga babies ko.

Si Red lang ang naiwan at hindi sumama sa amin sa pagpasok pero siya pa rin ang nag-mo-monitor sa mga kilos namin at nag-come up ng mga decisions.

Mas gusto niya namang hindi sumama dahil malaya siyang kikilos sa labas para makita si Themis.

"That's why we need to be near her to explain our side—that even though she's the jewel, we would not hurt her," ani Zero.

"But would she believe it over her grandpa and family?" Red asked.

Natahimik kami. Naalala ko tuloy ang galit sa amin ni Themis nang gabing iyon na nagpapanginig pa rin sa akin.

She hates us to the core, and I think, just like she said that night, she will definitely do everything for Rain to hate us. 

"Tama na nga iyang topic. Ipagpatuloy na lang natin iyong tungkol sa training bukas." Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil ramdam ko ang paglungkot ng atmosphere namin.

"Ikaw kasi Dwight! Sinabi mo pa kasi 'yon. Bakit kasi sumama ka pa rito? Swerte ka at hindi nadagdagan ang sugat mo."

"Ako ang inyong reyalidad sa tuwing mababaliw kayo kay Rain at gagawa ng impulsive decision nandoon ako. Ang Saint Dwight, na magpapaalala sa inyo na kailangan niyo rin mabuhay at hindi puro si Rain lang ang nasa isip niyo."

The Rise of the Phoenix Where stories live. Discover now