Chapter 8

253 12 3
                                    

Alaine POV

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Kailangan kong masira kung may nilagay silang mga cameras dito. Hindi dapat ako maging kampante.

Tinanggal ko ang bedsheet at mga unan. Maingat na sinuri kung may kung anong inilagay sa mga ito.

Halos mag-iisang oras na akong naghahanap pero wala pa rin akong nakikita. Napapikit ako.

I'm trying to calm myself. Thinking about what part of the room did I miss to look.

Hanggang unti-unti akong napalingon sa doorknob. Lumapit ako rito at sinuri. Sa unang tingin wala ka talagang makikita pero noong hawakan ko. Naramdaman ko na ang nakakabit ditong maliit na camera. Like a magnet. Na talagang maayos ang pagkakalagay.

Sisirain ko na sana ito nang makitang may nakalagay dito.

10PMRYD

"10 PM are you ready?" I smirk.

Is this training game compose of puzzle and clues? The people behind it must be enjoying now.

And I think grandpa was one of them.

Humarap ako sa camera at malademonyong ngumisi saka ko mabilis na tinapakan ito hanggang sa tuluyang magkapira-piraso.

Since, 10PM pa naman magsisimula better I get some nap first. Kailangan ko nang paghuhugutan ng lakas mamaya.

Agad akong bumangon ng mag-alarm ang cellphone ko. Saktong 9pm. Hinanda ko na lahat ng mga armas ko. Nagpalit na rin ako ng suot.

I'm wearing a black hoodie and a pair of combat suit.

Inilagay ko sa pagkabilang pocket ko ang dalawang pistol pati rin ang dalawang revolver sa likuran ko. Ibinenda ko rin sa kamay ko ang ilang dagger at kunai.

Nang matapos mabilis kong kinuha ang dalawang mineral water at inisang lagok. Hindi ko pa naman alam kung kailan ito matatapos kaya mas magandang handa ako baka bigla akong mauhaw.

Nag-push up na muna ako habang hinihintay ang hudyat. Saktong nasa ika-20 bilang na ako nang malakas na tumunog ang fire alarm.

Napangisi ako. Ang lame naman ng hudyat nila. Pinagpag ko ang sarili at maingat na lumabas. Rinig ko ang sigawan at takbuhan ng mga tao pati rin ang mga putok ng baril.

Inilabas ko ang dalawang revolver ko at maingat na naglakad.

"Game 1 officially start: Be a hunter! The more red pass you get, the more chances to survive this game."

Umaalingaw-ngaw ang ingay na ito sa buong barko. Sinamahan pa ng sunod-sunod na ingay ng fire alarm. Kairita!

Mabuti na lang naisip kong kailangan ang pass na 'yon kaya maayos ko itong naisiksik sa loob ng bra ko.

"Shit!" Hindi ko mapigilang mapamura nang muntik na akong mabaril. Napatago ako sa mga poste at sinuklian din ito ng putok.

Isang tira lang at agad itong tinamaan sa ulo. Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya para hanapin ang kanyang pass. Nakuha ko naman ito sa kanyang bulsa. May isa pa siyang nakuhang pass kaya instant dalawa na tuloy pass ko.

Marami-rami na rin akong nadadaanang nagkalat na bangkay. Kailangan ko na talagang magmadali. Baka maubusan na ako ng pass.

This game is really bloody.

"I have already 5 pass and you have 3. Let's just continue the team work and we will survive."

"Yeah, let's do this!"

Napatago ako sa pader at pinakinggan ang nag-uusap. Bahagya rin akong sumilip. Madilim na bahagi ito ng upper deck.

Nang tumalikod ang isa sa lalaki ay agad siyang binaril ng kasama niya at ilang ulit pang pinaputukan para masiguradong hindi na makalaban saka umupo para kunin ang hawak nitong mga pass.

The Rise of the Phoenix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon