part 31

430 8 0
                                    

Ⓒ︎Ⓗ︎Ⓐ︎Ⓟ︎Ⓣ︎Ⓔ︎Ⓡ︎: 31


( Dwight's pov )

Bakit kaya parang wala sa mood si Ziggy. Iba yung naramdaman ko sa boses niya at sa pagkakaroon ng dead air. Bakit nagkaroon ng dead air? Kinabahan ako bigla pero hindi na ako nag overthink. Imposible namang malaman ni Ziggy na magkasama kami ngayon ni Tyron.

Hindi naman ako nagi-guilty sa ginagawa ko ngayon dahil wala naman akong ginagawang masama. Yes I know that me and Ziggy is going to get married but it does not mean na hindi na ako pweding makipag-usap sa kaibigan ko, o sa ex ko. Atsaka, hindi ko naman intensyong makipaglandian kay Tyron ngayon. Kaya wala akong dapat ipag-alala kung sakali mang malaman ni Ziggy ito.

Pumasok ako ulit sa kwarto ni Tyron para bantayan siya. Mahimbing na siyang natutulog ngayon. Naupo ako sa sahig at sumandig ako sa gilid ng kamang kinahihigaan ni Tyron. Pumikit na ako't hinintay ang pagdalaw ng antok. Hindi ko na namalayan kung paano ako nakatulog.
Nagising ako kinaumagahan at nagulat ako ng makita ang sarili kong nakasandig ang ulo sa balikat ni Tryon. Nakaupo din siya sa tabi ko. Napatulala ako sa kaniya.

BAKIT KA BUMABA? ANONG GINAWA MO? Bulyaw ko sa kaniya.

DAPAT NAG PAHINGA KA. SA TINGIN MO MAKAKAPAG-PAHINGA KA SA GINAWA MO? TYRON.? naiinis na sabi ko. Hindi naman niya kailangang gawin ang ginawa niya. Dapat buong gabi siyang nahiga sa kama. Pilit siyang ngumiti.

HINDI KITA KAYANG TIGNAN NA NAKAUPO LANG DITO HABANG AKO KOMPORTABLING NAKAHIGA SA KAMA. AT HAYAAN MO NA AKO, GUSTO KO LANG SULITIN ANG NALALABING ORAS NA KASAMA PA KITA. BAKA KASI HINDI NA ITO MASUNDAN. NATAKOT AKO NA BAKA KAPAG LUMABAS NA TAYO NANG KWARTONG TO AY SIYA NA DING TULUYANG PAGKAKALAYO MO SA AKIN.  kita ko ang pilit na pagngiti niya at ang sakit na lumulukob sa kaniyang mga mata.

Pakiramdam ko sobra siyang nasasaktan ngayon at nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapahirapan ng ganito ngayon. Bakit niya ginagawa sa akin toh. Ginugulo niya ang isip at puso ko. Buo na ang desisyon kong magpakasal kay Ziggy pero ng magkausap kaming dalawa ay nagulo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang unang hakbang na gagawin ko.

HINDI KO DIN ALAM ANG GAGAWIN KO TYRON. hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako ng tuluyan. Napasapo ako sa mukha tapos napayuko. Tuluyan ng kumawala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

AKALA MO BA MADALI LANG SA AKIN ANG LAHAT NANG ITO? ANG MAKITA KANG GANITO? ALAM MO BA KUNG PWEDE KO LANG KUNIN LAHAT NANG SAKIT MERON KA GAGAWIN KO. OO AAMININ KO SAYO TYRON NA MAHALAGA KA PARIN SA AKIN. SUBRA SUBRA. ang paglabas ko ng mga saloobin ko.

Kailangan kong maging honest sa kaniya para pareho naming maintindihan ang lahat ng nangyayaring ito.

Nabakas ko ang pag-aalala sa mga titig niya na para bang ayaw niyang nakikita akong ganito.

HINDI KO KAILANMAN KINALIMUTAN ANG MGA PINAGSAMAHAN NATING DALAWA TYRON. HINDI DAHIL NAGKAROON NANG LAMAN ANG RELASYON NATIN NOON AY ITATAPON KO NA RIN ANG MGA ALAALA NATING NOONG MAGKAIBIGAN PA LANG TAYO. MAHALAGA KA SA AKIN TYRON. AT DAHIL MAHALAGA KA, AYAW KITANG NASASAKTAN. MASAKIT DIN SA AKIN ANG SITWASYON MO NGAYON AT MAS LALO AKONG NASASAKTAN TUWING NASASAKTAN KA.  nahihirapan na akong magsalita dahil sa paghikbi pero pinipilit ko pa rin. Naluha din si Tyron. Hinawakan niya ang kamay ko.

PATAWARIN MO AKO. HINDI KO SINASADYA, HINDI KO INTENSYONG SAKTAN KA. HINDI KO GUSTONG NAKIKITA KANG GANITO. NA NAGUGULUHAN SA SITWASYON. ALAM KO, NA MAHALAGA AKO SAYO, PERO SIGURO MAS MAYROON NANG MATIMBANG DIYAN SA PUSO MO. ang mapait niyang sabi.

TYRON, KUNG PWEDE LANG NATIN IBALIK ANGLAHAT GAGAWIN KO. PERO TAO LANG TAYO EH. NAHIHIRAPAN AT NASASAKTAN. NAG KAKAMALI AT NANGDADAYA. KASI HINDI NATIN CONTROL ANG TAKBO NG MGA BUHAY NATIN. RAMDAM KO NA MAHAL NA MAHAL AKO NI ZIGGY AT HANDA NIYA AKONG PAKASALAN. HANDA SIYANG MANATILI SA AKIN. ALAM MO BA KUNG GAANO KASARAP ANG PAKIRAMDAM NON? YUNG MAY TAONG HANDA AKONG IPAGLABAN. YUNG HANDANG ISAKRIPISYO ANG BUHAY PARA LANG SA MAHAL NIYA.

NAKAW NA SANDALI (Complete)Where stories live. Discover now