F I N A L E

949 15 1
                                    

FINALE

―――――

( Ziggy's pov )

Lumapit ako sa tabi ni Dwight at umupo sa upu'an.
Biglang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Umiiyak siya habang  nakita niya ako sa tabi niya. Muli na namang nanikip ang dibdib ko at hindi ko na din napigilan ang sarili kong maiyak.

MAHAL NA MAHAL KITA ZIGGY, AT IKAW LANG ANG PAG-IBIG KO. sabi niya sa akin habang tumutulo ang kanyang mga luha. Naka ramdam ako nang awkward moment kasi nandito si Tyron kasama namin, para bang pinapaselos ko siya, di ko alam kong nag seselos oh naiingit ba siya sa amin ni Dwight. Kahit kakatapos lang naming mag-usap.

IKAW DIN DWIGHT, IKAW LANG DIN ANG BUHAY KO AT ANG LAKAS AT KAHINAAN KO. sagot naman nakin sa kanya habang hinahawakan ang kanyang kamay.
Nakikita ko sa mga mata niya ang mga luhang pumapatak, luha nang saya at lungkot. Hindi ko maiwasang tumigin sa kanya, para bang hinihigop nang mga mata niya ang mga mata ko.

NAGKAKAMALI KA NANG INIISIP ABOUT SA PICTURE. NAG USAP LANG KAMI NON EH, KAYA WAG KANANG MAGALIT SA KANYA HA, TOTAL OK NAMAN KAYONG DALAWA. AT SAKA MAY PAMILYA NA NON.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Lahat ng pagdududa sa puso ko'y lahat nawala. Napalitan ng sigla ang puso ko. Sa mga sinabi niya'y para akong lumilipad sa ulap.

Masyado lang pala akong nag-isip. Masyado akong nag-alala. Masyado akong natakot. Ni hindi ako nagtiwala sa kaniya. Ako ang pinili niya. Ako ang mahal niya. Sapat nang dahilan yun para mapatunayan kong ako talaga ang mahal niya.

HINDI MO ALAM KUNG GAANO AKO NATAKOT NONG NABALITA'AN KO NA NAAKSEDENTE KA. HINDI KO ALAM ANG GAGAWAIN NON. TAKOT NA TAKOT AKO. TAKOT AKONG MAWALA KA SA AKING DWIGHT. sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang likod niya.

PASENSYA KANA HA, MAHAL NA MAHAL LANG DIN KITA KAYA HINDI KO NAIWASANG MAGSELOS. ANG AKALA KO KASI, NILOLOKO MO LANG AKO EH. ang pag-amin ko.

HINDI KITA KAILANMAN LOLOKOHIN. HINDI KO MAGAWA YUN. WAG MO LANG GAGAWIN TO ULIT HA, BAKA KASI SEMENTERYO NA ANG PUNTAHAN MO. HINDI MO ALAM KUNG GAANO AKO NAG-ALALA SA IYO. Bulyaw niyang sabi sa akin kaya napangiti ako.

OPO, HINDI NA MAUULIT MRS. VENTURA sagot ko sã kanya at hinalikan ko ang noo niya kahit umiiyak pa rin siya.

TULOY PA RIN ANG KASAL HA? sabi niya sa akin

TULOY NA TULOY. saka ako humiwalay sa yakap at tinitigan siya direkta sa mata.

Napatingala siya sa akin. Para akong nalulunod sa nagkikislapan niyang mga mata.
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong siilin siya ng halik. Sa paglapat ng labi ko sa labi niya'y para na akong mawawala sa ulirat. Naging mapusok ang halik naming dalawa, uhaw na uhaw. Ilang taon din akong nagtiis. At ngayon susulitin ko na. Mas lalo kong idiniin ang sarili ko sa kaniya habang patuloy ako sa paghalik sa ibaba at itaas niyang labi. Ang sarap ng labi niya. Nakakadik. Hindi sapat ang isang araw para makuntento ako sa paglasa sa labi niya.

MAHAL NA MAHAL KITA ZIGGY. napangisi ako habang nakatitig sa mata niya tapos sa labi niya. Kapag ikinasal na kami, hindi ko maipapangako kong makakalakad pa siya ng maayos.

MAHAL DIN KITA DWIGHT. at muli ko siyang siniil ng halik.

EHEMMMMMM. MUKHANG WALA LANG TAO DITO AH. sambit ni Tyron sa upu'an

Nanlaki ang mata ko nong marinig ko ang boses ni Tyron, shiitt nakita pala kami nila ni Tita at Lola, kaya tinigil ko ang pag halik kay Dwight at tinignan sila sa upu'an. Nahiya ako, nakalimutan ko pala na andito sila......Nakakahiya,. Wait lang bakit ako mahihiya eh sa susunod asawa ko na si Dwight ah. Dapat hindi ako mahihiya. Tumingin ako kay Dwight at nagtawanan kaming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NAKAW NA SANDALI (Complete)Where stories live. Discover now