part 32

524 6 0
                                    

Ⓒ︎Ⓗ︎Ⓐ︎Ⓟ︎Ⓣ︎Ⓔ︎Ⓡ︎: 32


( Ziggy's pov )

I was hurt. Hindi ko inaakalang ganito kasakit para sa akin ang makita siyang may kayakap na iba. Kung dati kinakaya ko naman, kung dati okay lang naman sa'kin, ngayon hindi ko na kaya. Para akong sinasaksak sa sobrang sakit. Yung selos na hindi lang basta selos, yung selos na ginigiba yung puso ko sa hapdi at kirot.

Bakit niya sa akin nagawa 'yun? Bakit niya ako pinaasa at niloko. Kung hindi naman na talaga ako mahalaga sa kaniya, dapat nung una pa lang sinabi na niya sa akin. Dapat tinanggihan niya yung alok kong kasal.

Badtrip ako sa kaniya. Sobrang badtrip. Gusto ko siyang hanapin at puntahan sa mga oras na 'yun at komprontahin. Gusto ko itanong sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng picture. Pero natakot ako, na baka sabihin niya sa akin ang totoo. Na hindi naman talaga niya ako mahal. Na ayaw niya talagang makasal sa akin. Na nagpapanggap lang siya. Na nagsinungaling siya noong sabihin niya sa aking mahal niya rin ako.

Baka, mahal pa niya ang gagong ex niya. After all this years, hindi pa rin ba niya nakakalimutan ang lalaking 'yun? After all this years, siya pa rin ba ang mahal niya?

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit na ramdadam ko ngayon sa puso ko. Parang may sumusuntok dito. Parang may pumipiga. Parang may sumasaksak.
Masaya magmahal. Masaya makaramdam ng pagmamahal mula sa taong mahal mo pero...ganun din kasakit masaktan. Lahat ng sayang naramdaman ko sa mga nakalipas na araw na kasama ko siya'y lahat natabunan ng sakit na'to.

Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning malaman na mahal pa niya ang ex niya. Hindi ko kakayanin na iwan niya ako. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Ikababaliw ko.
Bakit kasi ganito kahirap ang buhay? Bakit hindi pweding kami na lang dalawa agad? Bakit kailangan pa naming dumaan sa mga pagsubok? Bakit ang hirap magmahal?

Kailangan ba talagang masaktan muna bago sumaya? Sa totoo lang medyo napapagod na ako. Napapagod na akong masaktan. Palagi na lang akong nahihirapan kapag nagmamahal ako.

Ilang taon akong nagdusa dahil sa pagmamahal na hindi ko mailabas. Dahil sa damdaming hindi ko naiparamdam sa taong gusto kong mahalin. Minsan na siyang nawala sa akin. Minsan na siyang naging pagmamay-ari ng iba. Minsan na akong nalugmok sa pagkabigo nang maramdaman ko at mabuo sa isip ko na hindi talaga kaming dalawa ang nakatadhana para sa isa't-isa.

Bakit hindi na lang ako nagmahal ng iba? Sana ganun na lang kadali. Yung kapag naisip mong kalimutan siya'y makakalimutan mo na. Pero hindi eh, ilang araw kang hindi makakatulog kakaisip sa kaniya. Ilang araw kang iiyak. Ilang buwan kang aasa na balang araw ay darating din siya. Kahit sino ipilit mong isiksik sa puso mo'y hindi mo magagawa. Kasi kapag mahal mo siya, para na siyang nakatatak sa puso mo, hindi maalis-alis.

Minsan gusto ko siyang sisihin sa lahat ng nangyari sa akin. Kasalanan kasi niya lahat ng toh. Kasalanan niya kung bakit ko siya minahal ng ganito. Nananahimik lang ang buhay ko. Pero dumating siya. Minahal niya ako at ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya. Don din nagsimulang mabuo ang damdaming hindi ko kailanman naisip na mararamdaman ko. Ang magmahal ng gaya niya, na katulad ko ng kasarian.
Alam ko namang naging manhid ako. Na nasaktan ko din siya. Alam ko umiyak din siya noon. Alam ko nahirapan din siya dahil kinamumuhian ko siya. Pero sana man lang naghintay siya sa akin, sana hinintay niya nung mga panahong minahal ko na siya. Kung nagtiis lang siya sa akin ng kunti pang panahon, baka naging kami kaagad. Baka nagkaroon ako ng pagkakataong iparamdam sa kaniyang mahal ko siya.

Pero siguro nainip lang siya at dala na rin ng sakit na dulot ko'y naghanap siya ng pagmamahal sa iba. Pagmamahal na ibinigay sa kaniya ni Tyron. Alam ko masaya silang dalawa. Alam ko pareho nilang mahal ang isa't-isa kasi saksi ako sa pagmamahalan nila nung nasa college pa kami.

NAKAW NA SANDALI (Complete)Where stories live. Discover now