CHAPTER -30 (FINALE)

279 16 3
                                    

Dinala sila ng lambana sa isang masukal na parte at pinaka liblib na bahagi ng naturang gubat kung saan sila dinala ng kanilang paghahanap. Ilang sandali pa ay bigla na lamang umalis ang lambanang gumabay sa kanila na tila ba parang natatakot ito.

Ang madilim na paligid ay biglang lumiwanag nang biglang sumindi ang ilang mga solo na nakasabit pala noon sa mga puno sa paligid. Mahirap itong makita agad sa kadahilanang madilim na nga dahil sa kakaibang kapangyaring bumabalot sa buong lugar. Napaalerto bigla ang mag-ama. Biglang natakot si Efren habang pinagmamasdan ang mga nakasinding mga solo sa paligid.

“Natakot ba kita Efren? May naalala ka ba?” wika ng isang pamilyar na boses at tumawa pa ito. Biglang lumitaw si Rodrigo at nakaupo lamang ito sa isang nakausling bato. Tumayo ito at kalmadong naglakad palapit sa kanila.

“Ibigay mo na ang bata sa'min!” ani ni Caleb subalit tinawanan lamang siya ni Rodrigo. Tiningnan niya ang binata mula ulo hanggang paa.

“Ito na ba ang anak mo Efren? Binata na pala, alam ba niya kung paano namatay ang kaniyang ina?” wika nito at muling tumawa.

“Tumahimik ka!” Napalingon naman si Caleb sa kaniyang ama na noon ay kita sa mga mata ang inis at galit.

“Ikaw ang pumatay sa asawa mo!” napalingon si Caleb sa kaniyang ama.

“Anong sinasabi niya tay?” tanong ni Caleb.

“Aksidente iyon at dahil iyon sa'yo! ‘Wag mong linlangin ang isip ko, nagpanggap ang alagad mong hunyango na siya si Elisa kaya't nagawa ko siyang sunugin ng hindi sinasadya! At pagbabayaran mo iyon ngayon!” dinaluhong ni Efren si  Rodrigo. Nagtagisan sila ng lakas, nang mga sandaling iyon ay parehas na silang nasa anyo ng pagiging aswang.

Nasipat naman ni Tekla ang isang babae na may hawak na sanggol. Ito ang alagad ni Rodrigo. Kaagad na tinawag niya si Caleb.

“Caleb baby ko, ang anak natin este ni Dhalia hawak ng babaeng iyon oh,” ani ni Tekla sabay turo rito. Nang mapansin ng babae na nakita siya nila Tekla ay agad na tumakbo ito subalit agad na naabutan siya ni Caleb.

“Ibigay mo sa'kin ang sanggol ngayon din!” ani ni Caleb subalit nginitian lamang siya ng babae at ilang sandali pa ay ginaya nito ang kaniyang mukha at postura.

Nang makarating si Tekla sa kinaroroonan nila ay nagtaka siya kung bakit dalawang Caleb na ang nasa harapan niya. Nagturuan pa ang mga ito kung sino ang peke. Malakas ang kapangyaring gamit ng totoong kalaban dahil hindi ito mabasag ni Tekla, kaya't isang paraan ang naisip niya. Pinatalikod niya ang dalawa na labis na ipinagtaka ng mga ito.

“Ano ba'ng gagawin mo?!“ sabay na wika ng dalawa.

“Titingnan kung sino ang original at pirated.” Bahagya niyang ibinaba ang salawal ng mga ito at tiningnan ng maigi ang kanilang mga likuran. Marahang kinuha ni Tekla ang kaniyang punyal at hinipan ng tigalpo para hindi makagalaw ang may hawak ng sanggol tsaka niya itinutok ang punyal.

“Ang baby Caleb ko may puwet! Ikaw parang android TV. Flat!” mabilis na nilaslas ni Tekla ang leeg ng nilalang ng walang pag-aalinlangan. Agad naman na inagaw ni Caleb ang sanggol na noo'y umiiyak na. Bumalik sa totoong anyo ang babae na kalaunan ay naging isang halimaw. Hindi na ito binigyan pa ni Tekla ng pagkakataon at inundayan pa ng saksak. Unti-unting naging alikabok ito at tuluyang naglaho.

Samantala habang nasa labanan sila ay natataranta naman sina Dhalia at Sorayda dahil unti-unti nang binabalot ng maliliit at itim na ugat ang buong katawan ni Doming, hudyat na malapit na siyang bawian ng buhay.

****
Sinabihan ni Tekla si Caleb na siya na muna ang humawak ng bata, alam niyang pagod na ito kaya't siya na muna ang tutulong sa ama nito na harapin si Rodrigo.

Naabutan ni Tekla na ibinalibag ni Rodrigo si Efren at hinang-hina na ito.

“Hoy ikaw! Hindi porket ka name mo ang former president ay puwede mo nang bugbugin ang biyanan ko ah! At higit sa lahat nilagyan mo pa ng sumpa ang tatay ko. Matitikman mo ngayon ganti ng isang bading!” Inayos ni Tekla ang kaniyang turban sa ulo na kulay pink, naging tila kuwentas na kasi ito dahil sa mahabang pakikipagsapalaran nila. Hinaplos niya ang kaniyang mga tangang mutya at sinamo ito.

“Champion, handa ka na ba?” tanong niya sa kaniyang gabay.

“Hinahayaan kita pero lagi akong handa para lumaban kasama ka.”

Animo'y kasing gaan ng hangin ang katawan ni Tikboy at kasing bilis ng kidlat ang kaniyang kilos. Mabilis niyang dinaluhong ng atake si Rodrigo. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at tiningnan ito ng deretso sa mata ng walang takot.

“‘Wag mong minamaliit ang pagiging bakla ko dahil— bakla man ako sa inyong paningin pero nananalaytay sa'kin ang dugo ng aking Amang si Doming!” ani ni Tekla at sinuntok ang ilalim ng baba ni Rodrigo kaya't tumilapon ito. Subalit, bago pa man bumangga ang katawan nito sa kung saan ay mabilis na nakarating si Tikboy sa likuran nito at muli isang malakas na sipa ang binigay niya dito. Nagka bali-bali ang sanga ng mga puno na pinagbanggaan ng katawan ni Rodrigo.

Galit na galit itong tumayo at sumigaw ng malakas.
“Pinatay na ninyo ang anak ko! Kayo ng tatay mo bakla! At ngayon na ordinaryong tao ang gagawin kong tagasunod ng lahi ko, makikialam pa rin kayo! Mga lapastangan!” galit na wika ni Rodrigo.

“Hoy! For your information, hindi mo anak ‘yong baby at kidnapping ‘yon, and also hindi mo asawa si Lourdes para buntisin na lang. Sa bagay, sino ba naman ang gugustuhin na magkaroon ng pamilya kasama ang isang gaya mo! Halimaw na nga ang itsura sagad pa hanggang kaluluwa, ay! Wala ka nga pala no'n.”

Nainis sa sinabi ni Tikboy si Rodrigo at galit na sinugod ito. Nagbuno ang dalawa, pero sa puntong iyon ay hindi magpapadaig si Tekla. Buhay ng ama niya ang nakasalalay sa labanang iyon at pati nilang lahat. Ibinalibag ni Rodrigo si Tikboy, dinaganan niya ito at sunod-sunod na sinuntok ito sa mukha. Sinubukang lumapit nila Caleb at Efren subalit pinigilan sila ni Rodrigo gamit lamang ang isang kumpas kaya't tumilapon sila, kamuntikan pang malaglag ang sanggol mabuti at nasalo ito ni Caleb.

Binigyan ng panghuling atake ni Rodrigo si Tikboy gamit ang kaniyang mahahabang kuko. Nanlaki ang mga mata nila Efren at Caleb. Inakala nilang nasaksak ni Rodrigo si Tekla subalit bigla na lamang itong natumba mula sa pagkakadagan sa kaniya. Naunahang saksakin ni Tekla si Rodrigo gamit ang punyal niya bago paman siya magawang saksakin nito.

***

Samantala, unti-unti namang nawala ang mga maiitim na mga ugat sa katawan ni Doming kasabay ng unti-unting pagkawala ng katawan ni Rodrigo kasama ang hangin.

Nakangiting Tinulungan ni Caleb si Tikboy para tumayo.

“Nakakahanga ka Tikboy, niligtas mo ang inosenteng bata na ito, gayundin din kami ni tatay lalo na ang tatay Doming mo,” ani ni Caleb.

“Tiyak na matutuwa ang tatay mo sa iku-kuwento ko. Kung gaano kagilas ang unico hijo niya.”

“Hija po Daddy Efren!”

Matiwasay na nilisan nilang tatlo ang lugar na iyon. Sa labanang iyon, naging maugong sa mundo ng mga elemento ang anak ni Doming. Si Tekla, ang antingerong bakla.

-WAKAS-

TEKLA: ANG ANTINGERONG BAKLAWhere stories live. Discover now