Chapter 56

265 7 0
                                    

The Flashback

JAM POV

Hindi ko alam bakit tinatanong sakin ito ni stevan pero kung totoong sasagutin ko siya,Hindi ko nga din lubus isipin na makakapagsimula ako kasama si Stevan at maging parte ng buhay niya kasama si Alex na nagpapadagdag sa saya namin.
Kahit anong mangyari,kahit anong estado niya sa buhay at kahit paikot-ikutin man ang aking pagpipilian,Siya padin.Kaya ano pa hahangarin ko basta makasama ko lang siya mabuhay man ng normal o hindi.Iisa lang ang stevan sa mundo.

"Ano ba iniisip mo stevan,Alam mo naman ang sagot ko diyan diba.".Saad ko sabay pisil sa pisngi niya na nagpangiti dito.

"I'm just asking naisip ko lang scenario na dati hiniling ni Mommy na maging malaya but before na matupad niya yon.She dîe.. Atleast she fulfill that wish in somewhere else". Malungkot na saad ni stevan na minsan niya lang ipakita na kadalasan tuwing nababangit niya lang ang mommy niya namatay sa aksidente.Natamaan daw kasi ang mommy niya ng ligaw na bala noong lumabas ng mansion ang mommy niya base sa salaysay ng Dad ni stevan.

"Daddy..Dada,Antok na uli po ako".Habang naguusap kami ng seryoso dito ni stevan niyakap  kami ni alex na amos-amos ang mukha dahil sa pagkain saka nag puppy eyes na ibig sabihin gusto niya mag pakarga dahil pagod na siya.

Binuhat ni stevan si alex at ako naman pinunasan ang bibig nito bago niya ipatong ang kanyang ulo sa balikat ni stevan.

Kasabay nito sa pag-alis namin sa peryahan na patulog na alex at paghawak ko sa kamay ni stevan papuntang labas hindi ko din nakalimutan lingunin ang peryahan dahil sa pagkamiss ko dito at kay Lolo na namayapa na noong nakaraang taon na kadahilan ng kanyang sakit.Buong buhay ko din ipagpapasalamat sa kanya ang lahat na nagawa niya para sakin dahil kahit hindi niya ako kadugo tinuring niya akong tunay na kapamilya.

••••
Sa paglipas ng dalawang buwan madaming pangyayari ang naganap ngunit hindi ko alam bakit ganto ang nararamdaman ko ngayon araw na ito na habang nagiisip ako naalala ko ang nakalimutan kong ihanda na pameryenda sa teacher ni alex at sa anak ko, na babalikan ko sana sa kusina ngunit sa pagtalikod ko nakaramdam ako ng sakit sa bandang ulo ko at pagtumba sa sahig na tanging narinig ko nalang ang sigaw ni alex na “DADA” at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

Mafia Secret Male WifeWhere stories live. Discover now